"Alam mo neng bagay kayo. Uyyyytttss."
"Nako tiyang hindi ako ang typo ni Kurt okay. Hello. Isa pa hindi kami bagay."
"Bagay kaya tayo Honey."
Natawa si Deatyl at tiyahin niya nang sumulpot ako sa bulungan nila. If only you knew how I really mean it Dea. Busy kami ngayon sa pagluluto at naglalakad yung nanay niya papunta sa kusina kung nasaan kami.
"Alam mo may naaalala ako sa iyo. Oo tama! Naalala mo ba neng yung batang si Franco? Mayaman din siya tulad nitong si Kurt. Pogi din. At mahiyain din."
" si nanay naman. Naalala mo pa pala yun nay. Nasan na kaya siya? Siguro bilyonaryo na yun kaya hindi na niya tayo naaalala."
"May ipinangako siya sa akin. Sabi niya pagmalaki na siya neng ay bibigyan niya tayo ng mansion. Hahaha. Nakakatawa man pero malay mo, isang araw susulpot lang yon dito at iaabot ang susi ng mansion. "
"Ambisyosa ka talaga nay. Epekto ba yan ng gamot mo nay?"
Parang magkapatid lang mag-usap si Dea at aling Rosing. Kung ganito lang sana sa bahay eh hindi na ako bumukod. Tumayo si Aling Rosing upang sumalubong sa dumating na bisita nila.
"Tulungan na po kita tita."
"Nako hijo. Kaya ko na to. At isa pa nanay na lang ang itawag mo sa akin. Hindi kana iba sa pamilya namin."
"Nay wag na matigas ulo."
"Aray ko po."
"Sabi sayo nay eeehhhh"
Our face were so close. Muntikang madapa si Aling Rosing at kaming dalawa ni Deatyl ang umakay sa kaniya. Ako sa kabilang braso, at siya sa kabila. I can hear my heart beating so loud and so fast. Her breath smelled so sweet.
"Yan kasi Nay Di kayo nag-iingat! Feeling strong din eh noh?"
Inalalayan ni Deatyl ang kaniyang nanay papunta sa sala at ako naman ay nagpatuloy sa pag slice ng mga rekados. Tahimik ako sa buong paghahanda. She asked me if what's wrong. I need to stop myself from loving her. I don't want to see our friendship melt down because of my selfish desire.
"Ay Kurt nakuha mo ba yung cellphone ko sa compartment mo kagabi?"
"Hindi pa."
"Sige kunin ko nalang honey."
After turning off the stove ay tumungo na rin ako sa sasakyan para mag bihis ng shirt ko.
"Tiyang ikaw na po bahala mag serve. Magbibihis lang po ako."
Gugulatin ko sana si Dea na nakatalikod pero inunahan niya ako.
Kurt Pontevedra! What's the meaning of this?