Chapter 10

6 1 0
                                    

Matapos ang maliit na sorpresa ng dalawa ay tumungo kami sa park kung saan namin nakasanayan magpahangin. This time wala ng lokohan and pambubully.

We were walking around and enjoying how the day ends. Napakamaaliwalas,a perfect time and weather for a walk.

Guys, wala ba kayong mga girlfriend? Ipakilala niyo naman sakin ha. Baka naman mamaya pinagseselosan na ako niyan.

Ako Dea wala. Wala akong time sa babae.

Ows? Eh Anong tingin mo saken ? Lalake?

Haha! Ikaw siguro ang buang dito. I mean wala akong time sa ganyan. You know relationships. Si Francis tanungin mo I'm sure he has one.

Oy bro, alam mo kahit sa gwapong mukhang to, wala pa tong girlfriend. May inaantay kasi ako eh. For now career muna and syempre tong bestfriend natin pwede din naman tong mapagkamalan na gf natin ah.

Ewan ko sa mga lokong to basta masaya ako sa kanila. All my problems fade out pag kasama ko sila. Andami nilang nalalamang gawin at sabihin. Kaya most of the time tawanan mode talaga kami.

After my birthday medyo busy schedule namin kaya we decided to meet every sunday because eto lang talaga ang vacant time naming tatlo. Kurt is also graduating this year, si Francis naman ay busy sa training nila.

I was laying down on my bed thinking of how happy my birthday is when my phone vibrated.

1 message recieved
+639468861724

Hi, sorry talaga sa lahat Deatyl. Mom got mad at me when she found out what I did to you. Claire dumped me and I wanted to make it up to you. Please meet me tomorrow at "The Ville" sa labas ng school natin. Please I'm begging you Fudge. I badly miss you. Happy birthday! 😭😭😭
--

Omg! What to do, what to do??? Should I meet him up?
Snap it Deatyl! Tapos na ang pagkakaibigan niyo ni Mikael.

Hindi ako makatulog dahil sa natanggap ko na message from Mikael. I felt pity for him baka nga nagsisisi nga talaga siya. Bruha din kasi etong si Claire. Alam na graduating na si Mikael eh nakipaghiwalay pa. Edi stress overload yun. Hmmm. Etext ko kaya ang dalawang bff ko na makikipagkita si Ex-bestfriend.

---

Oh my gulay! 10am na at late na akong nagising. Napuyat ako kakaisip sa tinext ni Mikael sa akin.
Nagmadali akong mag bihis at dun nalang ako mag bbreakfast sa The Ville kung saan kami magkikita ni Mikael.

I went inside the recreational room where Mikael made a reservation. Merong billiard table at open ang bubong ng room. When I saw Mikael he hugged me and whispered me "I'm so sorry". Bahagyang tumulo ang luha sa kaliwang mata ko and biglang may sumulpot na palakpak mula sa aking likuran.

Clap.clap.clap!
Akala mo siguro babalikan ka ng Bestfriend mo noh? Ano ka sinuswerte? Sa taba mong yan at ichura mong mala Fiona na asawa ni Shrek? Hahahahaha!

It was Claire and her friends. Kumalas si Mikael sa pagyakap sa akin and for the last time he said I'm sorry Deatyl.

Naaawa ako kay Mikael at the same time naiinis dahil nagiging sunod-sunuran lang ito kay Claire. Pero matanda na siya to know whats right and wrong. Ganun nalang yata niya ka mahal at gagawin kahit mali at kahit may masaktan?

Bago ko man inalis ang titig ko kay Mikael ay nakaramdam ako ng pagbato sa akin ng bola. At lumapit sa akin si Claire at binuhusan niya ako ng tubig. Hindi na ako nakapagtimpi at sinampal ko siya. I pulled her hair but Mikael saved her and stopped me from doing it. Binato nanaman ako ng mga kaibigan niya at nagtatawanan na parang mga demonyo.

Tatakbo na sana ako palabas pero I tripped off a wire na siguro sinadya nilang gawin yun. Nung nasa sahig na ako, binato nila ako ng itlog at kung ano2x nalang na malangsa at mabaho. They remained boastful and happy at what they're doing. Hindi ako makapanlaban and tears fell down my eyes.

Akala ko sa pagkakatumba ko at pag iyak ay titigilan nila ako but I saw two guys carrying a huge bucket filled with something with a filthy smell. Papalapit sila sa akin pati na rin si Claire.

Ibuhos niyo na yan sa matabang feelingera na yan para magising sa katotohanan at matuto ding lumugar! Ang bagay sa iyo ay sa putikan! Oink! Oink! Oink! Hahahaha!

Parang walang konsensya ang babaeng to at pati na rin ang mga kasama niya. Ang isa sa mga lalaking bumubuhat ng balde ay walang iba kundi si Mikael.

"Wala na man akong ginagawang masama sa inyo! Bakit niyo to ginagawa sa akin? "

Wala nang sinagot si Claire sa akin, she commanded Mikael and his companion to pour the wet mud on me. Gusto ko sanang tumakbo but hindi pa nakakarecover ang aking kanang paa na nasprain nung natrip off ako sa trap na ginawa nila.

Yumuko ako and I ready myself. Kung isipin nga mas hayop pa sila kaysa sa akin.

"What are you waiting for? Ibuhos niyo na ang putik sa baboy na yan! Dali!"

Akmang ibubuhos na nila ang putik sa ulo ko nang Biglang bumukas ang pinto ng padabog at may isang hindi familiar na lalaki ang pumasok kasama ang 4 pa na kalalakihan.

Stop right there! He warned Mikael. Natahimik din si Claire at narinig ko ang bulungan ng mga kasama niya. Hey that's Jake! The mafia's son of MEU! Lagot na.

I saw his comraderies punching and kicking Mikael and his friends pati na rin ang ibang kasama ni Claire ay tumakbo palabas pero hinarangan sila ng mga kasama ng lalaking animo'y leader nila. I saw Claire shivering and I heard a slap kung san siya naroroon. I felt dizzy and I fainted. Before I became unconscious, I saw a familiar guy na naka leather Jacket heading towards me and after that wala na akong matandaan.

Thanks Jake. I owe you this time! Quits na tayo pare.

Sure. Anytime. Tayo pa ba. Sige na men! I'm sure hindi na nila uulitin to sa kaibigan ni Francis. We already taught them a lesson. Kilalanin niyo muna inaagrabyado niyo! Losers!

Bugbog sarado ang ibang kasamahan ni Claire pati na rin si Mikael. Francis carried Deatyl papuntang sasakyan niya at timing din na dumating si Kurt. Francis collapsed and Kurt brought both of his friends to the hospital.

Honey & MunchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon