Hindi ko akalaing ganito pala kalaki ang isang stadium. First time lang! Sorry na. Wow at ang daming tao. Sabing first time nga eh! 😅😅😅
Nakita ko si Sir Ryan kanina kasama ang family niya. May ibang artista din at sikat na mga celebrities ang naririto ngayon.
Mabuti na lang at 30minutes early kami dumating dito ni Kurt dahil kung nalate kami mahihirapan akong ipagsiksikan ang bilbil ko sa madaming tao. Kurt brought alot of food para daw hindi na namin kailanganin pang lumabas mamaya. He supports my chubbyness churva that's why I like him more than Francis. Pang aasar lang ginagawa nun saken kaya nakakapikon talaga.
"Kurt, anong last name mo?"
"PonTevedra. Bakit mo naman natanong? "
"Ah wala. Para kilala ko din kayo. Di ko alam na Sport icon pala etong si Francis, eh baka naman magulat na rin ako kung ano ka."
"Business man ang dad ko. We own a Construction company. Bumukod ako sa kanila kaya I have no hidden identity. Bukod sa Culinary arts student ako, may sarili akong art studio. Maliit lang pero past time ko na din. Yung mga kinikita ko dun eh pinandadagdag ko sa allowance ko and other necessities."
"Wow nakakatuwa ka naman. Ako sa awa ng Dios eh matatapos ko din ang pag-aaral ko para matulungan ko na din sa pagpapagaling si nanay."
"May utang kapa na kwento saken Honey. Sorry at hindi ako nakapunta kahapon. Pinatawag kasi ako ni Dad."
Tinawag akong HONEY ni kurt dahilan ng pag lingon ng katabi kong babae. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Aba, porket sexy ka eh ikaw lang may karapatan na tawaging Honey? Tinignan ko din siya gamit ang aking sharp and rolling eyes! At hindi na ulit nalingon.
"Diba sabi mo may Art gallery ka? Pwede din ba akong tumulong dun? Need ko kasi ng extra income you know, medications and therapy ni nanay. Na kwento ko na din kay Francis to kahapon and undecided pa siya sa inoffer ko."
"I bet pinahiram ka niya and you declined kasi gusto mo pinaghihirapan ang mga bagay-bagay. I'm just like you. Ayoko sa easy money. Im hard working just like you honey. So ano yung inoffer mo kay Francis?"
"Kaya nga tayo pinagtagpo ng tadhana HONEY eh! Dahil sakto na sakto ang personality natin sa isa't-isa. Inoffer ko lang naman kay FRANCIS GARCIA na maging endorser sa company namin. If papayag siya ererequest ko kay boss na maging P.A niya ako. Sayang din naman yung kikitain ko dun if magkataon na pumauag ang buang."
"Mukhang mapipilitan si Francis nyan ah. At wag mo na paringgan ang katabi mo Deatyl! Hahaha. Kanina ko pa nahahalata eh."
"Titigan pa naman ako mula ulo hanggang paa! Hindi ka kaya maiimbey? HMP. Palibhasa wala siyang poging HOney na kasama."
"Hahaha! Tama na yan. Ah basta Dey, if there's anything that I could help, I'm only one emoji away."
Mag iisang oras na kami ni Kurt dito at magsstart na din sa wakas ang laro ng MEU BULLS at OPSL UNICORNS. Nung pumasok ang taga MEU ay nakita ko agad si Francis. Ang hot niya pala pag naka soccer uniform. Nag hiyawan ang mga tao at nakakabingi ang tili ng mga babae sa aking likuran. Nakita kong may hinahanap si Francis kaya tinaas ko ang banner na may nakalagay na Go Francis of MEU! #munch
At dun kumaway siya at nag tilian nanaman ang mga babae. Kung alam niyo lang kung gano kami ka close niyan eh iiyakan niyo ang baboy na to! Oink oink!--
Nasa 2nd half na ng laro. Advance ng 1point ang Unicorns. Si munchy Francis ay pawisan pero makikita mo talaga ang umaapaw na energy sa laro.
GO GO MEU, Go GO GO FRANCIS! Mwaaaaaaahhhhh!
May isang grupo ng kababaihan ang biglang nag cheer ng ganun. May kasama pang soft mwaaah sa dulo. Pati cheer may landi effect pa din? Napansin ko ang leader na may hawak na pompoms. Siya yung babaeng bumeso kay Francis sa club. At yung buang na yun ay kumaway at kumindat pa sa kanila. Edi siya na ang pogi. Matalo pa sana kayo!
"Dea, dito ka muna ha. I need to pee na talaga. Babalik ako agad."
7 minutes nalang ang natitira at kailangan maka dalawang goal sina Francis para manalo. Napaka tight ng depensa ng Unicorns kaya nahihirapan ang Bulls na maka score.
Ayan na kay Francis ang bola, go go go munch! May tatlong tao siyang linusotan pero nung malapit na niyang e goal ay sinipa ng kalaban ang bola at mayroon ding nag slide sa kabilang paa ni Francis sanhi ng pagkatumba niya.
Munch!!!!!
Boiiiiiink!!!!
Ang lakas ng impact ng pagkakatama ng bola sa aking mukha. Naka focus lang ang tingin ko kay francis sa pagkakatumba sa field kaya hindi ko napansin na ang bolang sinipa ng kalaban niya ay lumilipad papunta sa akin. Nang tumama sa akin ay narinig ko nalang ang tawanan ng mga tao at Nahimatay ako at hindi ko alam kung gano katagal. Basta pag mulat ko ay nasa heaven na ako. The End.
Testing lang. Kayo naman!
Syempre pagmulat ng aking mga mata ay nakita ko ang isang anghel. Anghel na pawisan? "Teka, anong ginagawa mo dito Munch?"Natahimik ang mga taong tumatawa sa akin kanina nang makita nila si Francis ang nagpatayo sa akin. Bago pa man siya makasagoyt sa tanong ko ay saktong dumating si Kurt.
"Oh anong nangyayari dito? At bakit may marka ng bola ang mukha ni Dea?"
Prrrrrrrttt!
Bumalik kaagad si Francis sa field. Nag effort pa talaga na umakyat sa bleechers para lang e check kung napano ako. Haba talaga ng hair ko sa kili-kili!
Napagdesisyonan ni Kurt na dalhin ako sa clinic kaya sumama na ako sa kanya. Pagkatapos nun ay hinatid niya ako sa condo ko. Hindi na namin natapos ang laro kaya ibinalita nalang sa amin ni Francis ang resulta ng game nila.
