Chapter 17

4 1 0
                                    

So this is it? Kabayaran ng masasayang araw. Malungkot akong umalis but Thank God at kasama ko ngayon si Kurt pauwi ng province. But I want to be with Francis too. Wag lang agawin yun ni Claire at papatulan ko na talaga siya!

Pero...
Francis...
Francis gave me a kiss! Ayiiiiiieeeee!

Uy honey! Nababaliw kana ba jan?

Haha! Wala may naalala lang akong nakakatawa. Tsk. Makatulog na nga muna!

Sinimangutan ako ni Kurt but after he pinched my left cheek ay nakita ko ang pag change nito sa sweet smile niya with dimples. Pero iba talaga ang dating ni Francis. Nakakamiss din pala ang pambubully niya sa aken.

I was smiling a lil bit and I fell asleep with it.

We went on nang hindi ko kinukulit si Kurt na mag stop over, kaya nakarating narin kami ng tatlong oras lang.

"Uy, kasama pala ni Ate neneng yung boyfriend niya!"

Hinabol ko ang mga anak ni Tiyang at pinagtawanan pa ako. Mga loko talaga yun.

"Maupo ka muna Kurt. I know you're tired. Aayusin ko lang tutulugan mo."

"Hindi Dey, mag checheck in lang ako sa hotel na dinaanan natin kanina. Besides We need to go grocery. Sama ka?"

"Ay oo pala. Sige mga 20 minutes. Puntahan muna natin si nanay."

"Oh nay! Nakakalakad na pala kayo. Sabi ko na nga ba eh malakas pa sa kalabaw tong nanay ko eh." I hugged my nanay and she was so stubborn dahil raw ay antagal ko umuwi. I explained to her that I have to attend the foundation ball at naging kalmado na siya ulit. Napansin niya si Kurt at biglang nag maldita mode nanaman. 😅

"Ay nay, si Kurt po pala. Tita niya yung may ari ng foundation na nagbigay ng scholarship ko. At bestfriend ko na rin. Hehe!"

"Magandang gabi po." (Kurt)

Akala ko tuloy eh boyfriend mo na! Magtatampo ako niyan eh. Akala ko ba si mikael na yun ang bestfriend mo? Nagpalit ba siya ng pangalan?

"Ay wag na natin pag usapan yun nay. Nawala na yun sa mapa ng pilipinas, sumama sa abu sayaf sa mga alagad ni osama ben ladin!"

Pumigil ng pag-tawa si Kurt pagkatapos niyang mag mano kay nanay. Nagpasya kami ni Kurt na umalis at tumungo sa bayan para mag grocery at mag-cecelebrate kami bukas dito sa bahay.

Iniwan ko ang cellphone ko sa compartment ng sasakyan ni Kurt at sinamahan siya sa Hotel na tutuluyan niya.

"Honey."

"Oh honey?"

"Napapanood mo ba yung sa movies yung sa mga hotel na may mga batang umiiyak at mga white lady? Mag-ingat ka mamaya ha. Nakakatakot ang mga ganyan." Sinubukan kong takutin si Kurt pero ngumiti lang eto at natahimik. Natuon siya sa 6th floor kaya dumaan kami sa elevator.

Ting. 3.

May sumakay na kalbong lalaki na naka uniporme ng pang janitor, marumi at parang freak ang dating. Tahimik kaming tatlo sa loob ng elevator at pinindot ng lalaki ang #5. Ilang sandali lang ay....

Waaaaaaaaaahhhhhhhhhhh!

Biglang nag brownout! Ang dilim, ang lamig! At naaalala ko ang panunukso ko kay Kurt. Yung mga white lady at tyanak sa mga horror movies na napanood ko! They're on my vision an imagination. "Kurt."

Kumapit ako ng mahigpit kay Kurt. I hugged him very tight. Wala siyang imik.

Hrrrrrrrkkkkkk!

Jusmiyo! Huhuhuhu. Kakagraduate ko lang po sa kolehiyo. Ayoko madedo ng dahil sa mumu! Pangit na ending yun.

Hrrrrrrkkkk!

Mga isang minuto din siguro akong naka kapit kay Kurt at may halimaw pa na tumutunog. Iniisip ko ang lalaki kanina na pumasok dito. What if bigla na lang siyang mag transform na mukhang tikbalang at kainin niya kami ni Kurt ng buhay. Huhuhu!

Hay salamat at nagkailaw na rin sa wakas. Yung key card sa bunganga ni Kurt ay nakaipit pala kaya hindi siya nakapagsalita kanina.

Hrrrrrrrkkkk....

At eto naman si kuya janitor eh natutulog pala. Lakas ng hilik. Pagod yata to eh.

2seconds at nasa 5th floor na kami. Hindi parin bumubukas ang elevator.

Hrrrrrrkkkkk.

Kuya, gising po. Nasa 5th floor na po tayo.

Waaahhhhhhh!!!! Honey ! Huhuhuhu! Halimaw!!!!!

Nang ginising ko ang lalaki eh biglang lumingon sa akin, nakawilwil ang isang mata niya at puno ng dugo ang kaniyang mukha. Napasigaw ako at pumalikod kay Kurt. Pero si Kurt parang na estatwa rin. Papunta na sa amin ang halimaw at umaatras ako dala2x si Kurt.

Waahhhh!!!!!

"Deatyl! Wake up!
Honeeeeeyyy!!"

"Kurt!"

Inakap ko siya at ikinuwento ang aking horrible dream. Naktulog pala ako habang naliligo siya. Kung ano2x kasi iniisip kaya minumulto na! Pinunasan ni Kurt ang aking forehead at pinapunas ko rin ang pawis ko sa aking likuran.

"Grabe ka Honey. Naka on na ang aircon at basa ka ng pawis. Abnormal ka siguro noh?"

"Aray ko bes. Hindi ba pwedeng binangungot lang? Tara na nga! Pasalamat ka at hindi kita pinipintasan gaya ng ginagawa ko sa isang bestfriend natin. Speaking of him, kamusta nakaya si Francis?"

Honey & MunchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon