Nag open ako ng aking e-mails at nakatanggap ako ng invitation galing sa foundation na nagbibigay ng scholarship ko.
"Your Majesty, It's our honor if you join us in our royal ball this coming April 16 for our 14th year anniversary."
Sounds exciting! Pero pagdating sa mga ball2x na ganito ay bokya ako dito. Sa susuotin palang eh mahihirapan na ako makahanap. Pero go pa din, syempre may utang na loob din ako sa nagpapaaral sa akin noh. Kaya MARK THE DATE Deatyl.
Matapos ko mag pa print ng research paper na ginawa ko ay lumabas ako sa computer shop. Dumeretso ako sa unit ko ngunit papasok palang ako ng lobby ay may dalawang pogi ang humarang na sa akin. Sino pa ba edi ang dalawang bestfriends ko.
Anong ginagawa niyo rito? Hindi ako pwede. Busy ako. Kailangan ko pa tapusin ang mga projects ko at requirements!
Aba pa presyo pa tong piggy Munch ko ah!
Honey oh! Tinawag niya akong Piggy! HMP!
Wag ka nga umakap jan! May utang kapa saken noh!
Feel na feel ko pa naman ang pagyakap kay Honey Kurt ko kaya hindi ako pumiglas.
Hindi mo man lang ako binati ng congratulations. Sige jan na nga kayo mag yakapan!
Waaaaahhhh!!! Nanalo pa kayo nun??? Idol! Congrats!
Napasigaw ako at napatalon papunta kay Francis at hindi ko sinasadyang mayakap siya sa sobrang saya.
Sus! Alam mo Tyl. Two timer ka talaga! Kani-kanina lang kay Kurt ka nakayakap at ngayon naman sa akin.
AWKWARD!
Ay sorry po. Nadala lang. Pero feel mo naman ?
Nagtawanan kaming tatlo at sinabihan ako ni Francis na manlilibre siya. I headed to the elevator at pinag antay ko silang dalawa sa lobby.
I placed my research paper outputs sa table at nagbihis ng mabilisan. Pwede ko naman siguro e resume etong projects ko mamaya. Libre daw so hindi ako pwede tumanggi sa grasya lalong lalo na't nagtitipid ako para makapadala ako for meds ni nanay.
-
Pagkatapos namin kumain sa isang restaurant ay dinala kami ni Francis sa isang club at doon daw ay may victory party ang kanilang team. Malaking school din ang MEU at syempre mayayaman ang mga students dun. Pagpasok palang sa bar ay sinalubong na agad si Francis ng mga tao. Siya daw kasi ang huling pointer ng laro nila ibig sabihin siya ang nagpapanalo sa game nila. Kahit na naiilang ako ay go pa din dahil kasama ko naman si Kurt. Tumungo kami sa taas ni Kurt dahil busy si Francis sa pag entertain ng mga fans niya. Nakahanap kami ng table na good for 3 persons lang medyo konti lang ang tao rito sa taas at early pa naman.
Kurt, soft drinks lang akin ha. May tatapusin pa kasi ako mamaya.
Kung busy naman si Francis ay ganoon din kami ni Kurt ! Kala niya siya lang eh mas masaya naman kausap tong si Kurt. Mas may sense! Gentleman at higit sa lahat hindi niya ako binubully.
After 20 minutes ay napunta na rin sa wakas si Francis sa amin. Pero patuloy padin ang pag pansin ng mga chika babes na dumadaan sa amin. Half side of me felt proud of having him as my bestfriend and half way is all about being annoyed of his FANS.
Napagdesisyonan kong magpahatid nalang kay Kurt. Naiwan ang kotse niya sa parking lot ng condo ko kaya we took the Cab at tuluyan nang iniwan ang Famous na kaibigan namin.
Hindi niya man lang tayo na inform. Victory party pala nila yun eh yan tuloy na ichepwera niya tayo.
Nag enjoy ka naman sa company ko right?
Ah oo naman. Teka manong, dito na kami bababa.
Maaga pa naman kaya I decided to stop by the park. Sumang ayon na din si Kurt sa idea ko na magpahangin muna saglit. It was 10pm na pero matatanaw mo ang magandang view ng park dahil sa maliwanag na street lights sa bawat path walk dito. Naglakad-lakad kami ni Kurt papunta sa direksyon ng swing.
Hahh-hahhh-hhhh. Guys!
Narinig ko ang isang hinihingal na lalaki sa likuran namin ni Kurt. Parang tangang may humahabol sa kaniya eh kami naman pa chill2x lang sa paglakad.
You look and sound like a dog Francis! Asar ko sa kaniya. Ako lang ba ang pwedeng ibully?
Nanggaling ako sa Condo mo at wala kayo dun. Kaya nung pabalik na ako ng club eh napansin kong may dalawang taong naglalakad dito sa park. Yung isa lalaki at yung isa naman parang hippopotamus sa laki. Syempre may clue na ako na bestfriends ko yun kaya tinigil ko ang sasakyan ko at hinabol ko kayo.
So bumaba ka lang para tawagin ang besfriend mo na hippo? Cheh! Bumalik ka na nga dun sa victory party niyo! Andito naman si Kurt eh. Hindi ka na namin kailangan dito!
You two that's enough! Kape ba yan bro?
Hinablot ni Kurt ang dalang paper bag ni Francis. Akala ko maiisahan ko na siya yun pala may baong panlalait pa din ang buang. Tumungo kami sa slide at dun naman tumambay sa taas. Makalipas ang isang oras ay nag-aya na akong umuwi.
Unahan tayo papuntang car.
Aba Francis alam mo naman na ang layo nun. Gusto mo bang matunaw ang baby fats ko?
On the count of one, two, three,
Nyeta kurt! Sumabay kapa sa trip ng isang to.
GO!
Deatyl! Lumilindol! Hahahaha!
Pinagtawanan ako ng dalawa at dahil sa pagtakbo ko ay lumindol kaagad? Pasaway din tong si Kurt eh siya na nga nagtatanggol sa pagbully sa akin ni Francis pero ngayon pinagkakaisahan nila ako. Tumigil ako sa pagtakbo at hinayaan sila. Ma testing nga kung hanggang saan ang pagiging bestfriend ng mga to.
