Chapter Ten

90 1 0
                                    

CHAPTER TEN

Derick's POV

"Sir eto na po lahat ng document tungkol sa pinaimbestigahan niyo sakin."

"Sige maraming maraming salamat. Eto na yung kalahati ng bayad. Binigay ko naman na yung kalahati di ba?"

Tumango lang siya at naghiway na din kami.

Diretso akong umuwi sa condo ko para makita ko na ang dapat kong makita.

~ring.... ring.... ~

"Hello ano na naman kailangan mo Airies?"

"Err DJ. Parang ayaw na ayaw mo naman ako tumawag sayo"

"Eh pano naman kasi kahapon mo pa ako kinukulit sa project na ayoko naman gawin!"

"Ano naman kasi ang problema sa pagtrabaho mo with Matthew? Eh magkaklase naman kayo. Anyway, hindi yun ang tinawag ko."

Ang bilis magbago ng mood nito. Hindi ko na lang siya sinagot at hinintay ang susunod niyang sasabihin.

"Tumawag ang mama mo sa akin kasi hindi mo daw sinasagot ang tawag niya. Pinapasabi niya na andito daw siya ngayon sa Philippines at magdinner kayo mamayang 7pm sa ******* restaurant. At kapag hindi ka daw umattend papauwiin ka daw niya sa LA"

Bago pa ako makasagot ay binabaan niya na ako. Alam na siguro niya na magdadahilan na naman ako dahil ayokong makipagdinner sa mama ko. Hard ba? Hanggang ngayon kasi hindi ko pa din nakakalimutan yung nangyari dati nung bata pa ako. Pero ano pa nga ba magagawa ko? Ayoko naman umuwi sa LA kasi ayokong iwan ang career ko. Boring sa LA. Ayoko dun.

~~~~

Nakarating na ako sa condo ko at agad agad binasa ang information na binigay sa akin.

Tama ang hinala ko.

Pero pano nangyari yon!?

sabi ni mama patay na siya.

Nagpabalik balik lang ako sa loob ng condo ko hanggang sa nakita ko na 6pm na. Pumunta na ako sa sinabing restaurant ni Airies at hinintay ang mama ko. Kailangan kong tanungin sa kanya ang tunay na nangyari. Kailangan kong malaman ang totoo.

"Oh anak nauna ka pa sakin? Himala"

"Ma wala ako sa mood makipagbiruan sayo. Gusto ko lang malaman ang totoo."

Iniabot ko ang envelop sa kanya. Binuksan at binasa niya ito. Kitang kita ko na nag iba ang expressjon ng mukha niya, mula sa nakangiti ay biglang sumeryoso ang mukha niya.

"So alam mo na pala"

"WHAT MA!? ALL THIS TIME ALAM MONG BUHAY SIYA PERO HINDI MO SINABI SAKIN!? PINAPANIWALA MO KO NA PATAY NA SIYA PERO AYAN OH! BUHAY NA BUHAY SIYA!!" Sinabi ko yan ng nakatayo at napahampas sa mesa.

Hindi natinag si Mama sa lakas ng sigaw ko. Buti na lang pala sa VIP room nagpareserve si Mama kasi kung hindi sigurado pinagpepyestahan na ako ng mga reporters.

"Derick kailangan naming itago sayo para mahiwalayan mo ang babaeng yun. Mga bata pa kayo nun at hindi kayo nababagay sa isa't isa"

"Ma ! alam mo namang magkaibigan lang kami!"

"Oo alam ko. Pero alam ko din na mahal mo siya"

Hindi na ako nakasagot sa halip ay tumalikod na ako sa kanya at lumabas ng restaurant..

Tinawagan ko si Airies para uminom sa condo ko. Kinuwento ko ang lahat sa kanya at kahit siya ay nagulat sa mga nalaman ko.

"Pero DJ kung hindi siya patay. Sino yung babaeng nakalibing don?"

"Hindi ko din alam. At tsaka hindi ko naman nakita kung siya nga ba yun kasi hindi ako hinayaan ni mama pumunta nung burol niya"

Uminom lang kami ng uminom ni Airies hanggang sa malasing ako.

~~~A/N

sorry po sa matagal na hindi pg update. Nawawalan ng inspirasyon sa pagsusulat.

Iinspire niyo po ako pleaseee..

comment po kayoo pleasee.

masarap kasi s pakiramdam yung may nagfifeed back. comment po pleaseee...

Best Friend or Lover? (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon