11: Miso?

12 1 0
                                    

"Kailan mo ba nalaman na meron kang ganyan?" Tanong ko sa kanya.

"Alin?" Tanong niya.

"Fire powers?"

"Ah. Nung ten years old ako" sagot niya.

"Nalaman ko lang to ng kasama ko si Miso yung kababata ko na ewan ko nasan na." Dugtong pa niya.

"Ano ba nangyari nun?" Tanong ko.

"November 3 nun. Ka uuwi lang niya kase nag bakasyon sila nun kasama ung Mama niya. Tas pagbalik ni Miso may dala siyang madaming kandila. Ung parang wax nalang?" Uminom siya ng Juice.  Nandito kase kami sa may garden ng bahay. Nam-meryenda lang habang mukha akong nag i-interview.

"Sakto naman meron akong mga tali sa bahay ng kandila kaya ayun." Tuloy niya.

"Anong ayun? Pabitin ka eh!" Reklamo ko saka siya hinampas.

"Kelan ka pa natutong maghampas?" Tanong niya na natatawa.

"Ewan ko sayo! Tuloy mo nalang yung kwento!" Sigaw ko saka ngumuso.

"Edi ayun. Niluto namin yung mga kandila kumuha kami ng lumang kaldero tas parang nagluluto lang." Napangiti siya.

Naasar ako. Babae na ba yung Miso na yun? Baka naman lalaki. MISO nga eh.

Pero may mga pangalan din namang na "o" ung dulo.

Bat ba ako? Naasar? Ewan ko din. Nababaliw na ata ako eh.

"Pero biglang nagliyab yung nilalaro na nmin kaya ayun. Nag panic si Miso."

"Ano ginawa niyo nun?" Tanong ko.

"Ako tinitignan ko ang yung apoy tas parang may nag urge sa kamay ko na. Alam mo yun?" Nakataas pa yung kamay niya para talagang may malakas na pwersang nandoon.

"Yung poof!" Pagkasabi niya ng poof. Ay agad namang nagliyab ang kanyang kamay.

"Wow" Ayan nalang ang nasabi ko.

Pagkatapos non. Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa  paligid.

Dahil na din siguro sa wala akong maisip sabihin ano?

Tumayo na ako at naglakad sa kwarto. Pero isang tinig mula sa isang lalaking di ko masyadong maalala.

"Shyn" Sambit nito ngunit di ko na pinansin.

Dahil alam ko naman na wala akong makikita . Hindi ko makikita ang lalaking tinutukoy ko. Na walang iba kundi si Dmitri.

Tumutuloy lang ang pagtawag ng tinig sa pangalan ko. At ang nakakagulantang pa sa mga eto. Nakikita ko na din siya.

Ano na 'to ngayon?

Nakaupo siya sa kama. Grabe. Multo na ba to?

"Shyn!" Sigaw ni Lux.

Yun lang ang nilingon ko dahil. Alam kong siya lang ang makikita ko.

At hindi ako nabigo.

"Bakit?" I answered with a smile.

"W-wala. Wala. . ." Parang wala sa sarili niyang sambit.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko.

"Yeah. Bat ka biglang umalis?"

"Ewan ko. Di ko din alam" napatingin ako sa sahig.

Bat nga ba ako umalis ng walang kongkretong dahilan para lumisan sa lugar ko...

He hugged me.

No. Let me rephrase that.

He's hugging me.

Kase hanggang ngayon yakap pa rin niya ako.

Pero makalipas ang ilang segundo.

Humiwalay na din siya.

Pero parang gusto ko pa ring maramdaman ang yakap niya.

So I Hugged him.

"Shy---"

"Hinayaan kita kanina. So hayaan mo din ako ngayon."

Yan nalang ang nasabi ko. At nanatili akong nakayakap sa kanya.

"Okay." Pagsangayon niya.

Isolophobia: Fear of being AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon