CONNOR
Sarap! Inubos ko na ang lahat ng burgers na nasa plastic. Nagutom ako eh, "What the heck?!"
Tumingin ako kay Zoe, "Bakit? Salamat sa pagkain ah! Hehe! Ang bait mo talagaaaa!" I took one bite again.
Umupo siya sa harapan ko, "Ang malas ko talaga kapag kasama kita, tsk! Pati ba naman sa pagkain nauubusan ako?" Reklamo nya?
Oh, i just noticed na.."Para sayo to yung isa diba? Sorry sorry! Ibabalik ko na sayo! Ang liit lang ng binawasan ko dyan sana maging okay nayan sa'yo." Binalik ko ang burger niya.
Ang tanga mo, Connor! Such an asshole, boy!
Tumayo siya at tinignan ako, "Sa'yo nalang yan! Oh, ubusin mo din yan yung coke at juice na binili ko! Hmpf! Matutulog na nga ako." Dumabog siya.
"Panis pa naman yung sandwich na nasa bag ko. Well, okay lang yon! Atleast may laman ang tiyan ko." Hindi ko medyo naririnig ang boses niya.
Yan, humiga na siya sa kwarto ko sa principal's office. Sheesh, sa couch lang ako matutulog. Hehehe, parang condo yung kwarto ko dito.
"AH! ANG MALAS KO NGAYON! LANGHIYA KA, CONNOR!"
Napatawa naman ako sa sinabi niya. Inubos ko nalang yung lahat na pagkain at pumunta sa kwarto ko.
She was hugging herself. I fixed my eyes on her. Her eyes are just beautiful as the sky.
"She's cute." I started blushing but i slapped my faceu. "Aish, never!" I shook my head.
Humiga ako sa couch at ofcourse, natulog.
--
ZOE
Nagpa-alarm ako na 5:00 AM gumising. 5:00 AM dumadating yung school guard tsaka yung mga dyanitors.
Nabigla ang isang dyanitor sakin, "Hala jusko! Anong ginagawa mo dito hija?! Hindi kaba nakauwi kagabi?" Tanong niya.
Ngumiti ako, "Nagkaroon ako ng punishment eh. Napakaweird ngang punishment. Nga pala, nandyan si Connor sa loob. Baka maistorbo nyo ang tulog niya." Tinuro ko ang pintuan ng kwarto niya.
Lumaki ang mata ni Kuya, "Susmaryosep, ginoo ko! Natulog kayo sa isang kwarto?!"
"A-ah, hindi ah! Sa couch sa natulog! Ako sa kama. Walang may nangyari samin, Kuya!" Ako.
Tumango si Kuya, "Sige. Hays, kailangan pa naming maglinis dahil dadating na si Boss."
Umalis na kaagad ako at dumiretso sa bahay. Yun, nandyan na pala si Papa sa labas ng bahay namin. Getting ready for a jog.
"Oh, Zoe? Was the punishment nice? Hahaha, pasensya na nak ah? Responsibilidad namin ng Mama mo na disiplinahin ka." Papa.
Ngumiti ako, "Nako, Pa! Okay lang. Geh, maliligo muna ako para makapag-ayos na ako." Pumasok na ako sa bahay at dumiretso sa kwarto ko.
Naligo ako at timing na 6:15 AM ako nakatapos. Matutulog muna ako kahit sandali lang. Maka alarm nga ako ng 7:00 AM.
Pagkalipas ng 7:00 AM, pumalit na ako at bumaba sa baba. Bakit wala si Mama? Aysh, baka nasa shop.
Kinuha ko ang juice na nasa mesa at dumiretso na sa school. Ay teka, bat ang hina ko ngayon?
Baka apekto lang to, kagabi. Okay lang ako. Habang naglalakad ako iniinom ko ang juice na dinadala ko.
Pagdating ko sa school, madaming sasakyan na nakaparada sa tapat ng school. May event ba?
"OMG, Naka move-on na kaya si Connor kay Bella?"
"I hope, so."
Makichismis nga, "Um..Pwedeng magtanong? Kung ayaw nyo okay lang." Tanong ko.
"Dalian mo na. Nakikinig kaming dalawa."
"May past ba sina Connor at Bella na pinag-uusapan niyo?"
"Yeah, ex niya. Why? Anyways, i cant waste my time talking to you."
Sheesh, ang rude naman ni Ate! Sige, atleast nasagot niya ang tanong ko. Teka, nakagising na kaya si Connor?
Pero..hindi ako pwede makapasok doon. Pumasok na ako sa school at dumiretso sa Principal's Office.
"Um, may nakalimutan kasi ako dun sa kwarto ni Connor. May kukunin lang sana ako.." Sabi ko sa isang teacher na nakaupo.
"Dalian mo na bago ka mahuli ni Maam Montefalco."
Pumasok ako sa kwarto. Eh, natutulog padin siya, "Connor! Gumising kana! Hoy!" Yinuyog ko siya.
Bigla niya akong hinila palapit sakanya at tumama ang labi namin....
BINABASA MO ANG
Lucky Inlove (Completed & Editing)
Fiksi Remaja#349 in Teen Fiction! [TAG-LISH] Connor Julian Park (Ahn Jae Hyun). Well known as Prince Connor of CJP Academy. CJPA stands for Connor Julian Park Academy. Connor is a spoiled brat of his Mother and Father. He was born in Korea. He stayed there when...