"Okay ka ba naman dyan, anak?"
"Yes, Ma. Okay lang po talaga ako dito. Nakakapanibago lang kasi wala kayo. Ang tahimik! Hahaha!"
Nililigpit ko yung natitirang boxes at umupo sa bagong sofa.
"Basta mag lock ka lagi ng pinto ha. Always double check everything bago ka pumasok ng kwarto mo. Huwag ka talagang magpa papasok ng lalake dyan sa unit mo kundi lagot ka samin ng Papa mo!"
"Mama naman, eh! Sabi ko nga diba? Wala po sa isip ko ang magka lovelife. Focus po muna ako sa work. Hello?? Dream job ko 'to kaya dapat galingan ko na."
Napailing ako sa sinabi niya. Lovelife? Sus. Zero. Never.
"Asus. Wag ka magsalita ng patapos, Jhoana Louisse! Baka next month, ikakasal ka na ng biglaan!"
"Hahahaha! Patawa ka, Motherrr! Sige na, sige na, tatapusin ko pa to dito para makatulog ako ng maaga. Start na po ako bukas."
"Okay, anak. Enjoy ka lang sa work mo. Pero huwag naman masyado maging workaholic, okay? Enjoy din out of your work! Mas bata na ako tingnan kesa sa'yo! Hahaha!"
"Hahaha! Oo na, oo na. Maganda ka naman talaga, Ma. Kanino pa naman kasi ako mag mamana, diba?"
"Oh siya, sige na. Bye, Anak! Love you! Miss na kita!"
Medyo nalungkot ako dun.
"Bye, Ma! Good night. Miss you too!"
End call.
Isang malaking buntong hinga.
Nilibot ko ng tingin yung buong sala ng condo. I still can't believe nabili ko 'to. Eto yung nabili ko out of my ipon and separation fee from my previous job. A 2-bedroom condo unit.
"Okay, Jhoana Louisse. Time to move!"
Tinapos ko nang ligpitin ang mga boxes at nag arrange ng mga gamit. Pagkatapos, nagpadeliver nalang din ako ng pagkain. No time to cook and matutulog na rin ako in a while. Bawal ma late. First day of new work tomorrow!
➖
"Hi, Jho! I officially welcome you to Silver Lens Media. For now, dito muna yung desk mo. Inaayos pa kasi yung bagong office natin. If naka settle ka na, you can browse and read this booklet. Andyan na lahat ng kelangan mo to survive here. Check also your company email, andun na first project or assignment mo. By the way, I'm Ged. I haven't introduced myself when I interviewed you. You can approach me anytime. I'm just right... There." Tinuro niya yung desk niya.
May dating si Sir Ged pero so-so lang for my taste. Hmmm...
Nginitian ko lang siya and then he disappeared from my sight.
Anyway. Focus, Jhoana!
Binasa ko yung booklet and umupo na ako sa office chair ko. Medyo malaki yung table ko kaya mas lalo akong na overwhelm.
Hindi naman mahirap yung pag-aadjust ko for today kasi yung mga officemates ko very welcoming.
"Hi! Jhoana, right? I'm Ella. Magkatapat lang tayo ng table."
"Hello! Jho nalang. Ang haba na ng Jhoana, eh."
"Sure! uhh, Jho. I'd like you to meet the rest of the team. This is Rex, he's the supervising director of some of the projects that you'll be involved in. This is Therese, she's in charge of our expenses for the project. Dai, siya yung may hawak ng yaman natin lahat. Hahaha! And me, Ella, I'll be working with you every step of the way."
YOU ARE READING
Beautiful Escape
FanfictionJhoana - calm, collected, focused. she's slowly achieving her life goals one by one and nothing can stop her. Beatriz - risk-taker, adventurous, serious. she's out to prove that she's not just her family's princess but she can become a bad-ass quee...