black

7.5K 144 29
                                    

Naging busy ako sa studio, shooting different products para sa website ng client namin. Pag labas ko, nakita ko si Bea.

Hello? Sino ba kasing di makakapansin sa kanya? Tower power.

Nakita kong parang nagtatalo sila ni Maki and Tina.

Uy, si Tina.

Lumapit ako sa kanila and was so amazed by the red roses.

"Hello, Jho!!!" Sabay na bumati si Maki and Tina sakin.

"Wow! Andami ng roses! Kanino to? Ang ganda!"

Natahimik at napatingin silang tatlo sakin.

"Anong meron mga bes? Ba't parang may nakita kayong multo?"

"Meron nga. Black lady."

"Ha?"

"Shh! Bea! Uhh hi, Jho! Nice to see you again!" Bumeso sakin si Tina.

"Hi, Tins! Nice to see you, too! Anong meron? Ba't may pa bulaklak dito kay Maki?"

Hinawakan ko yung roses at inamoy.

"Bigay ni Tina sakin." Mahinang sagot ni Maki.

"Really??? Ahhhhhh... so si Maki pala dahilan kung ba't ka napunta dito sa building, Tins?"

"Ha? Pumupunta ka dito?" Tanong ni Maki.

"Ay, di pa pwedeng malaman? Haha! Sorry!" Sabi ko habang tinitingnan pa rin yung roses. Ang ganda lang talaga.

"Okay lang, Jho. Alam niya na rin naman. Anywaaay, Jho, may gusto raw sabihin si Bea."

Nakita kong tinulak ni Tina si Bea papunta sakin na kanina pa di nakatingin sa amin.

Okay, I get it. You don't like me. Then the feeling is mutual. I don't like you, too.

"Uhh..."

"Yes, Bei?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Hmm..."

"What? Is there something wrong with your friend?" Tanong ko kina Maki and Tina.

"Haha! Nothing!"

"Nahihiya lang yan."

Nakatingin lang ako sa kanya. Naghihintay kung anong sasabihin.

Wtf. Ako pa nasisiraan? Akala niya siguro di ko narinig yun.

"There's nothing wrong with me, if that's what you're saying." Inirapan ko siya. Pero nakatitig pa rin siya sakin. I can sense it.

"Ano ba kasi gusto mo sabihin?!" Nakataas kilay siya. Oh, she can be feisty din pala.

Tinitigan ko rin siya.

Damn, di siya nagpapatalo sa titigan.

10 seconds...

Silence...

20 seconds have passed and no one's breaking this staring game.

"Uhhh hello? Earth to Jho and Bea?" Tina snapped her fingers in front of our faces.

Parehas naman kaming "nagising".

Beautiful EscapeWhere stories live. Discover now