needy

8.4K 154 78
                                    

*Calling Jho*

"Where are you?"

"Hi, Bei! Kumain kami ni Ged. Nandito lang kami sa baba ng office. San ka? Tapos ka na?"

Oh. She went with Ged. Without asking me. Great.

Wait. Why would she ask me? Hayyy, Bea.

I felt a small pang of jealousy. But why.

"Bei? Still there?"

"Uhhh yeah. Kayong dalawa lang?"

"Yup! Halika. Kain tayo."

Oh wow. She sounds like she's having fun pa.

"No, thanks. Hintayin nalang kita dito sa studio."

"Sure? Sige. Anong gusto mo? Ipagdadala kita."

"Nothing."

Eh ikaw lang gusto ko. Paano ba yan.

"Oh, okay. Sige. Akyat na rin kami in a while."

"K. Take care." Then I immediately hung up.

I don't have the right to be mad at her. Pero parang papunta na dun. A part of me says it's okay na magkasama silang dalawa ni Ged because they are also friends. But a part of me also screams no one can be with her but me.

*pling!*

"Thanks sa libre, Ged! Sa uulitin? Hahaha!"

"Sure, Jho! Anytime! San ka na pupunta now? Gusto mo samahan kita?"

"Ay, huwag na. Okay lang. Babalik ako ng studio, naghihintay si Bea dun, eh."

"Oh. Sabay kayo laging umuuwi?"

"Ay, hindi. Nagkataon lang these days."

"Ahhh. Sabay naman tayo minsan."

"Tingnan natin. Salamat ulit, Ged! Mauna nako ah."

"Thanks sa time, Jho! I had fun! Ingat!"

"Me too! Ingat!" Nginitian ko siya at naglakad sa kabilang direksyon.

Pagkabalik ko ng studio, nadatnan ko si Bea na nakaupo pero anlayo ng tingin.

"Huy!" Ginulat ko siya.

"Oh. You're here. Tara. Pinag-paalam na kita kay Kianna. Pwede na tayo umuwi."

"Ang aga naman ata? Mag fo-4:30 pa. Why?"

"To prepare for tomorrow."

Something is not right. Nahahalata ko sa boses niya.

"Galit ka ba? Why do you sound annoyed?"

"Because I am! Tara na nga." Nakakunot-noo niyang sinabi.

Tumayo siya agad at kinuha yung jacket niya. Nagmamadali siyang lumabas ng studio.

Nagmadali din akong nagligpit ng gamit ko and sinundan siya.

Beautiful EscapeWhere stories live. Discover now