10th Chapter

1.3K 20 0
                                    

Poot

"Nay, ayos na po ito. sa inyo na po yan at kailangan yan ni Kleo ngayong mag iika apat na high school na siya." binalik ko ang pera nila.

"anak, ikaw ang nag ipon nito kahit na nagsinungaling ka sa amin ay sa iyo pa rin ito. Pero sana anak ay wala ng mauulit na ganoon ha? huwag ka ng maglilihim. masama ang pagsisinungaling."

Bumuntong hininga ako at niyakap si nanay. Nalaman nila ito ng minsan na mapadaan doon si Tatay. Hindi naman sila nagalit dahil hindi naman masama nag tarabaho ko, nalungkot lamang sila dahil imbes daw na makakapagpahinga ako ay nagtrabaho pa daw ako.

"nanay, kaya po ako nagtrabaho ay pa rin po ito sa inyo. Itago niyo po yan lalo na at wala pang trabaho si tatay."

"napakabait mo anak! pagpalain ka sana!" niyakap niya ako ng maluha luhang mata.

"Uunahin ko po ang pamilya ko higit pa sa lahat nay." Natigil ang lahat ng marinig namin ang padabog na pagbukas ng pintuan. Nilakad namin pababa at nakita ang unang taong ayoko ng makita pang muli.

"anong ginagawa mo dito huh?" tanong ko sa babeng iyon. Scarlet.

"YANG NANAY MO ANG DAHILAN AT ANG TATAY MO!" Sigaw niya

. "ano na naman ba ang ginawa namin sa inyo ha?"

"YANG ASAWA MO ANG TANUNGIN MO! PAGKATAPOS NIYA AKONG SUGURIN SA OPISINA AT SABIHANG AKO ANG MAY KASALANAN KUNG BAKIT WALA SIYANG TRABAHO!"

"Diba yun naman ang totoo?" sagot ko. Tinignan niya ako.

"Kasalanan ko ba? Inutil ang pamilya niyo at masisira niyo lamang ang ibang companya o ano mang bagay dito sa lugar na ito kaya ko iyon ginagawa para mailigtas sila sa bankrupcy." pinandilatan pa niya ako.

"hindi kami inutil dahil ikaw iyon at hindi kami-" pinigilan ako ni Nanay pero hindi. Sobra na ang pagsasalita niya tungkol sa amin.

"Like mother like daugher huh? anong akala mo huh? na hindi ko mahahalata na ginagawa mo ito para mapalapit kay Albert! dahil MALANDI KA! MALANDI KA-"

Sinampal ko siya. "WALA KANG KARAPATAN NA SABIHAN ANG NANAY KO NG GANYAN!"

"ALICIA!" Pigil ni nanay.

"HINDI NIYO KILALA ANG NANAY KO PARA HUSGAHAN NIYO SIYA. AT BAKIT BA LAGI MO NA LANG PINAGPIPILITAN NA NILALANDI NG NANAY KO ANG ASAWA MO AH? SAYO NA YANG ASAWA MO, KUNG HINDI MO MARESPETO ANG NANAY KO HINDI KO RIN KAYO RERESPETUHIN."

Akmang sasampalin niya ako ay napigilan ko na siya. "tandaan mo ito, kung mauulit pa ito ay hindi lang sampal ang gagawin ko sa inyo. matagal na akong nagtitimpi pero ngayon hindi na ako magtitimpi pa."

Nagdilim ang mga mata ko at gusto kong manakit. Pero hindi, hindi ako kagaya ng babaeng yan.

"ha! at ikaw pa ang may ganang magalit gayong kayo ang may kasalanan kung bakit kayo nagkakaganito. kahit anong gawin mo, wala kayong maipang lalaban sa akin." at umalis na siya.

"ayos lang ho ba kayo nay?" niyakap ko siya.

"dapat hinayaan mo na siya nak."

"mas lalo lamang siyang gaganahang magsalita ng masama dahil hindi kayo lumalaban. Nay, kung hindi kayo ang lalaban ay ako ang lalaban."

Magmula sa araw na ito ay wala ng makakagalaw sa pamilya ko. Dahil kung oo, matitikman nila ang poot ng galit ko.

Sa hapon na iyon ay malamyang dumating sa bahay si tatay. "anong naisip mo at sinugod mo si Scarlet sa opisina niya?" tanong ni nanay.

"Klara, alam kong siya ang rason kung bakit wala pa akong trabaho hanggang ngayon." mababang boses ni tatay.

"anong pinag uusapan nila ate?" nasa likod ko si Thimey.

"wala, tapos ka na ba sa assignment mo?" ngumiti siya.

"opo, ang dali nga ho eh." talino talaga.

"asan si Kleo?" tinuro niya ang pintuan ng kwarto ni Kleo.

"Nag aaral."

"matulog ka na huh? para mas lalo kang lumaki."

Tumango siya at niyakap ako bago umalis.

"Tay." lumapit ako sa kanila sa sofa.

"oh? bakit gising ka pa?" ngumiti siya.

"Tay, inaway po ni Scarlet si Nanay kanina." sumbong ko. Nagdilim ang mga mata niya at tinignan si Nanay.

"makakatikim talaga sa akin ang babaeng iyon." ngitngit ni Tatay.

"Diego!" hinaplos ni tatay si nanay sa braso.

"Klara, kung hindi ako gagawa ng paraan ay hindi ka niya titigilan." Umiling si nanay.

"Ang sabi po niya kanina, ginagawa niya lang daw po yon para mapalapit sa asawa niya. May past po ba sila ni nanay?" natahimik sila. Hinaplos ni tatay ang buhok ko.

"Niligawan niya ang nanay mo noong nasa high school pa lamang kami, mag best friend kami ni Scarlet."

Bestfriend sila ni Scarlet? "Alam ko naman na gusto ni Scarlet si Albert noon." ah kaya pala.

"kaya sinabi niya akitin ko ang nanay mo and so, I did. but falling in love with her isnt part of it." napangiti ako.

"Hindi ko sinabi kay Scarlet na mahal ko na ang nanay mo, noong prom namin ay nagtapat ng pagmamahal si Albert sa nanay mo at yun ang pinakamasakit na nangyari sa akin noon. Baliw na ata talaga si Scarlet noon, dahil sa hindi niya kaya ay umalis siya kaya hindi niya nakita ang nangyari."

Tinignan niya si nanay bago nagpatuloy. "nagtapat din ako ng pagmamahal sa kanya noon kaya nagalit sa kin si Albert noon, you know bro code. kaya hindi na kami magkaibigan hanggang ngayon."

"ilang araw din na hindi kami nag usap ng nanay mo dahil ayaw niyang madaliin ang lahat, una ay nasira ang pagkakaibigan namin ni Albert, pangalawa ay pinag iinitan na siya ni Scarlet at pangatlo dahil mahal niya na ako." ngumiti silang pareho.

"Nang naging kami ng nanay mo ay  sobra ang pagtutol ni Scarlet, sabi niya na malandi lamang siya at inaakit lamang ako pero hindi niya alam na nagpaakit naman talaga ako dahil sa sinabi niya. Nalaman ng nanay mo ang tungkol doon kaya muntik na kaming maghiwalay pero hindi ako  sumuko kaya ngayon kaming dalawa pa rin. at dahil doon, nasira rin ang pagkakaibigan namin ni Scarlet dahil sa ginawa niya sa amin ng nanay mo."

"Noong college na kami ay nabigla kami ng malaman na ikakasal na sina Albert at Scarlet. Ang kwento ng iba, nabuntis niya ito kaya kailangan niya itong panindigan pero hindi ko lang alam kung naka move on na ba si Albert sa nanay mo o hindi at bakit hindi siya tinatantanan ni Scarlet."

"to the point na saktan ito." napaluha si nanay, niyakap naman siya ni tatay. "huwag ka ng umiyak!" alo ni tatay. kasalanan pala ito ng Scarlet na iyon. siya ang puno't dulo ng lahat.

"hindi kita ipagpapalit kahit na pumangit ka pa! ano ba Klara!"

Nakakataba ng pusong tignan silang ganito. "ano ng gagawin natin ngayon?" tanong ko.

"huwag kang mag alala anak, malulusutan natin itong lahat."

Tumango na lamang ako at niyakap silang pareho. Someday, I'll fix everything.

Vote. Comment.

War Between Us ✔ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon