9th Chapter

1.3K 21 0
                                    

Kung wala ka

Sa una kong linggo may naipon na ako na 4k, ang saya ko dahil meron na akong pang allowance at hindi na maghihirap pa sina Nanay

. "Aalis ka na?" tanong ni Pam. Tumango ako.

"Birthday ni Thimey eh, bibilhan ko siya ng regalo." Nagpaalam na ako saka tinungo ang banyo para makapagpalit na rin ng damit.

Tinago ko ang wig sa locker doon at umalis na. Mag isa akong pumunta sa SM para makabili na ng regalo ni bunso. Alas singko pa naman kaya may oras pa ako.Pero sa paglalakad ko ay nakita ko si ano nga bang pangalan nito? ang alam ko lang ay pangalawa siyang anak ng mga Palanque.

Pumasok siya sa NB kaya binalewala ko na lang at nagpatuloy sa pagpili.Ang napili ko ay isang bag na batman, pinabalot ko na rin ito saka umalis na.

"Tulungan mo nga ako Cia." Tinulungan ko si nanay na magluto ng pancit at iba pang putahe.

"Nanay si tatay po?" "Naghahanap pa iyon ng trabaho baka mamaya rin ay nandito na iyon. Dito mo na yan ilagay." Nilapag ko doon ang barbeque.

"wala pa po siyang nahahanap?"

"wala pa, pero sana naman ay may tumanggap na sa kanya."

Hinaplos ko ang likod niya. "Matatanggap din siya Nay, tiwala lang!"

Sa hapon na iyon ay masaya naming idinaos ang kaarawan ng kapatid ko. Ang sarap sa pakiramdam na  makitang masaya sila at sama sama kaming lahat. Mamimiss ko itong lahat pag nasa Amerika na ako, lalo na at magtatagal ako doon.

Gagawin ko ang lahat para patuloy na masaya kaming lahat. Pangalawang linggo ko na sa bar ay wala pa rin trabaho si tatay. Kaya nakakapagtaka lang talaga dahil nakapagtapos naman sa pag aaral si tatay? bakit walang tumatanggap sa kanya?

"Bakit po walang tumatanggap sa inyo?" Isang araw na tanong ko.

"malakas ang connection ng pamilyang Palanque kaya wala kaming magawa."

Nag init ang buong mukha ko at gustong gusto kong manakit. Bakit ba ayaw nila kaming tantanan? its been long years had passed.

Dapat nga ay nasa kulungan sila dahil sa ginawa nila sa nanay ko pero hindi. Balang araw, ipinapangako ko na luluhod sila sa harapan ko.

"Oh hayan ang lahat ng sweldo mo dito, bakit isang buwan ka lang dito hija?" tanong ni tita.

"Kailangan ko pong pumuntang Amerika para ipagpatuloy ang pag aaral ko."

Pagkatapos ng usapan na iyon ay tinanggap ko na ang sweldo ko. meron na akong 10k all in all dahil sa tip ng mga customer sa akin pag nagre request sila sa kin ng isa pang kanta, nakaka over whelmed dahil nagustuhan nila ang boses ko.

Sa buong isang buwan na iyon ay wala akong ginawa kundi ang akitin ang Palanque na iyon pero lagi naman itong umiiwas sa akin, this past few days ay hindi ko na siya namamataan sa bar. nasaan na kaya  iyon?

Maglalakad na sana ako palabas ng bar ng marrinig na tinawag ako ni Pam.

"oh bakit ?" huminga pa siya at biglang tumili.

"ayy, anong nangyayari sayo?"

"eeeehh! may nagrerequest sayo na kumanta pa ng isang beses." kilig na kilig siya.

"eh, tapos na ako eh."

"iyon nga ang sabi ni tita eh pero ang sabi niya magbabayad daw siya ng 20k para sa isang kanta mo pero siya lang daw ang audience."

WHAT?

Baliw yata iyon eh? seryoso? 20k? magwawaldas siya ng malaking pera para lang kumanta ako sa kanya? Baliw na ako kung di ko pa to tatanggapin.

"tanggapin mo na, grabe mukhang mayaman eh, desperado nga kanina kaya ako pinatakbo ni tita para maabutan ka."

wala namang mawawala diba? Tumango ako na siyang nagpatili ulit sa kanya. Bumalik ako sa banyo at isinuot ang wig ko. konting ayos lang at saka umalis na.

"nandoon siya oh." turo ni Pam sa akin ang isang private room.

"kunin mo iyong number ah?"

tumawa ako at tinampal siya sa braso. "ikaw talaga!" umiling na lamang ako at umalis na. sino kaya iyon customer ko? napalunok ako ng pinihit ko ang door knob.

"Hello po, ako po yung-" natigil ang pagsasalita ko ng makita kung sino ang nasa harapan ko. Palanque. Ngumiti siya sa kin na siyang nagpataka sa akin. ayy oo nga pala, hindi pala niya ako namumukhaan. "hi, Im sorry but I just wanted to talk to you, and this is the only way I know."

tulala pa rin ako, Cia. Come'n he doesn't recognize you. I smiled. "uhmm, anong pag uusapan natin?" ngumiti ako at umupo sa harapan niya. "Im Fourth Andrew Palanque anyway, you can call me Drew." So his name is Fourth Andrew.

Tinanggap ko ang kamay niya na nakalahad at ngumiti ulit. Tinignan niya ako at ayy oo nga pala, pangalan ko. Tumawa ako.

"sorry, tawagin mo na lang akong Ali."

"okay Ali."

Matangos ang ilong niya, seryosong mga mata, makinis ang mukha, may dimple din siya lalo na pag ngumingiti, clean cut at may earrings din siya. Sa kanyang braso ay may tattoo siya na nakasulat na XVL. Ilang taon na kaya siya?

"You see, I was well, yeah, starstruck to your voice at first so I told my mom about you and said I'll record your voice and give it to her and if you let us we'll give you a job."

A what? pero umiling lang ako, yes, it was tempting pero hindi ito ang gusto ko.

"pasensya na pero hindi kasi ito ang pasyon ko. Pero salamat sa offer." Para siyang binagsakan ng lupa at langit pero ngumiti pa rin siya.

"oh! I guess I can't force you to, right?" nahihiya akong ngumiti at tumango.

"but, I can sing for you since you said you wanted to hear me? I could grant your request." suggest ko.

"nakakaintindi ka ng tagalog?"

ngayon ko lang napansin. Tumango siya kaya kinuha ko ang guitara sa tabi ng pintuan at tinimpla ito. Naupo na ako at huminga ng malalim.

"can I video it?" nahihiya niyang tanong.

"okay." nilabas na niya ang phone niya kaya nagsimula na ako.

"Natapos na ang lahat
nandito pa rin ako
hetong naktulala
sa mundo, sa mundo"

tumingin ako sa kanya na seryosong nakatingin sa akin habang kumakanta ako habang ako nakangiti. I wonder why his stares are so intense? at ano kaya ang iniisip niya?
Pumikit ako at dinama ang kanta.

"Hindi mo maiisip
hindi mo makikita
mga pangarap ko
para sa'yo, para sa'yo"

dumilat ako at tinignan siya. Bakit ayaw niyang tanggalin ang titig niya sa kin?

"Sundan mo
ang paghimig na lulan na aking pinagtatanto
sundan mo
ang paghimig ko

ohh, hindi ko maisip
kung wala ka
oohh sa buhay ko..."

pagkatapos ng kanta ay tahimik pa din kami, nagkatitigan hanggang sa mag ring ang phone niya. Nag iwas ako ng tingin at binaba ang guitara.

"I-I should go, sorry for disturbing you." Ngumiti ako at naramdaman ang pag init ng pisngi ko. damn. "and by the way, your voice is stunning, also you. Goodbye Ali."

Iyon lang at umalis na siya.


Vote. Comment.

War Between Us ✔ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon