31th Chapter

1K 17 0
                                    

And so

Bigla silang natahimik  kaya out of curiosity ay tumagilid ang katawan ko, pero parang nag slow motion ang lahat,

Drew...

Mas lalo siyang tumangkad, ang kanyang buhok ay humaba na at parang wala na siyang balak na paputol ito. Nakapusod pa ito.

Malaki na ang katawan niya noon pero ngayon ay mas lalong nabuilt ang kanyang katawan. Biglang lumapit ang babaeng yun at saka hinalikan sa labi.

Nag iwas agad ako ng tingin kahit matagal na ang pag iiwan niya sa akin ay nandito pa rin ang sakit na dinulot niya sa akin.

Companya nila ito? Teka, shit. P.A.C.

Palanque Architectural Company

Bakit di ko yun naisip? Siguro ay sa kapusukan ko na gustong magkaroon ng trabaho ay hindi ko na ito pinaki alaman. Bad Alicia.

Nagsibalikan na silang lahat sa dati pati na yung babae na yun.

"Im sorry, I needed to check on the chairman before coming here."

Whatever. Nagsitanguhan silang lahat bago nag umpisa ang lahat. Sana ay hindi niya ako mapansin. Sana... Sana...

Pero namutla ako ng marinig ang pangalan ko. "This building is going to be built by our newest member, miss Hargunio."

Napalunok ako kahit na ang hirap hirap. Pero bakit ako mag papa apekto? Gayong siya naman ang may sala dito.

"I would be honor." Taas noo kong sagot. Nagsalita si Ms. Greene kaya nabaling sa kanya ang atensyon. Haay salamat,

Aha! At doon ko napagtanto na ang COO ay yung fiancee ni Drew noon at siya naman ang CEO. Nice, note the sarcasm please.

Binigay nila sa akin ang blueprint ng building na papag aralan ko,  natapos ang meeting na hindi ako kinakausap ni Drew kaya naman ay nakahinga ako ng malalim.

"This will be your office, and this will be all the things your going to be needing." Si Anne.

Ngumiti ako sa kanya. "Thank you Anne." Ngumiti din siya sa akin bago umalis. Inayos ko muna saglit ang gamit ko saka pinansin ang paligid.

Tanaw na tanaw ko ang building sa labas dahil glass ang pagitan ng office ko, may sariling banyo, coffee machine, at kung ano ano pang bagay na kakailanganin ko.

Bumuntong hininga ako bago nag simulang ayusin ang draft. Inubos ko ang oras ko sa pag gawa ng draft at hindi ko na napansin na nalipasan na pala ako ng gutom.

2:45 pm na pala. Damn.

Natapos ko ang lahat ng side ng building at ilang floors nito, medyo may kalakihan ang building na ito kaya naman ay matagal bago ito matapos.

Maipapatayo ito sa Pilipinas kaya ay gulat ako, dahil bakit doon niya ito balak na ipatayo? Bakit hindi na lang dito?

Napailing ako sa kakaisip. Buhay niya yan at labas na ako. Nagligpit muna ako bago nagpasyang lumabas para kumain.

Kaharap ng office ko ay ang opisina ng CEO at sa pagitan namin ay ang opisina ng fiancee nito. Ha! How odd.

Mura lang ang pagkain sa cafeteria nila dito kaya dito na ako nagpasyang kumain. Konti lang ang nakain ko since parang busog pa ako.

Nag check muna ako ng emails ko bago umakyat. Si Cha ay may email sa akin kaya binuksan ko ito.

Hey Ali, I miss you already. Btw, Im here in France. I have my next client here. I wish we could meet some time around. I have a lot of story to tell you. Take care now okay? Bye, love you.

Cha

Nakakataba ng puso, miss ko na rin ang babaitang to. Sana ay magkita pa kami minsan. Marami din akong gustong sabihin sa kanya...

Umakyat na ako at natigilan ng makitang nasa harap ng pintuan ko si Drew? Anong ginagawa niya doon? Nagtago ako sa gilid at nakitang nagtaas baba ang kamay niya na para bang hindi sigurado kung kakatok o hindi.

Pero sa huli, tumalikod siya at umalis papasok ng kanyang office. At ako naman ay pumasok sa aking opisina.

Pinagpatuloy ko ang draft ko, pero nakakapagtaka lang kung bakit siya natigil sa pagkatok kanina? May gusto ba siyang sabihin? O may ipapagawa siya?

Kaya kahit litong lito ako ay pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Bandang 5:30 pm ay nag ayos na ako ng gamit at handa ng umalis.

Karamihan din sakanila ay paalis na din kaya nakahinga ako ng malalim at baka ako lang ang aalis. Pero hindi naman pala,

"I didn't see you in the cafeteria at lunch, where were you?" 

Sa gilid ko ay nandito pala si Anne. Naghihintay kami na bumukas ang elevator. "I kinda forgot the time, I eat around quarter to three."

"Oh, you must be busy. Next time, you should come and eat with us okay?"

Syempre pumayag ako. Sa may ground floor siya kasi nandoon ang kotse niya kaya nagpaalam na ako sa kanya ng narating ko na ang first floor.

Papara na sana ako ng may humarang na kulay puti na sasakyan sa harapan ko. Pamilyar din ito sa akin,

Hindi kaya ay, bago ko pa masagot ay lumabas na ang taong ayoko na sanang makita. What a small world it is.

"Going home?"

Be professional Ali, nakalimutan mo na siya. Kaya kaya mo yan!

Tumango ako.  Maglalakad na sana ako ng hinarang niya ang kamay niya sa daraanan ko.

"Let me drive you home."

Nabuhay ang galit ko sa kanya kaya hindi ko na napigilan.

"For the record Mr. CEO, before you forgot. We aren't close and... will never be. Im going home."

Pero mas lalo lang siyang humarang. Kahit saang anggulo ay hinaharangan niya ang daraanan ko.

"What do you want?" Singhal ko. Im tired of his games okay? Can he just pretend that I do not exist and we never EVER met?

"Please. I just want to take you home. I want to talk to you." Pagsusumamo niya.

Nanigas ang hitsura ko.

"Get the hell away from the road and let me go home before I forgot that your my boss."

Nakita ko ang saglit na galit sa mata niya pero napalitan ito ng sakit at pag susumamo. Bago pa niya ulit masabi ang nais niya ay narinig ko na ang matinis na boses ni Ms. Greene.

"How dare you speak to him like that? His the damn CEO  of the company your working. Show some respect."

Tinaasan ko lang silang pareho ng kilay at,

"And so?"

Maarte kong sagot bago silang nilagpasan na parehong laglag ang panga. Bago ako rumespeto dapat ay respetuhin muna ako.


Vote. Comment.

War Between Us ✔ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon