5th Chapter

1.5K 23 0
                                    

Niligawan

"tapos na ako!" sigaw ko habang tapos na sa pagkakabit ng dekorasyon sa harapan ng stage namin.

"dito ka naman hija, at ipractice mo itong irecite." sabi ni Maam Diane. Tumango ako at kinuha ang papel sa kanya. Tinignan ko ang kabuuan ng stage.

ang ganda.

Sa wakas ay matatapos na kami. Binasa ko pa ng isang beses ang papel at saka naupo. Binalingan ko ang sapataos kong bago. Regalo ito sa akin ni Nanay at Tatay. Iyong naipon ko naman ay binilhan ko sila ng t-shirt.

Sa awa ng diyos ay nakapag ipon namana ko. Nakapag ipon ako dahil sa pagtutulong sa pagpapalaot at pagtitinda ko ng kwintas na sarili kong gawa.

"Cia, doon na daw tayo!" nginitian ko siya at tumango. Siya si Freddy, second honor siya sa amin. Para nga siyang nerd eh at mahiyain.

Nagpractice na kami sa sequence na magaganap. Si Kleo ay First honor sa kanila, napangiti ako ng umakyat siya sa stage. Sa hapon na iyon ay sabay sabay kaming tatlo nila Hillary na umuwi.

"Sabi na nga ba at ikaw na naman eh!" tukso niya sa akin.

"haha tsamba lang iyon!" tawa ko.

"Diba Kleo? naku, sana may kapatid din ako! Magkapatid na nga kayo, pareho pa kayong matalino!" at doon habang pauwi kami ay talak siya ng talak.

Tawa lang kami ng tawa ni Kleo,

"dito na ako ah? makapagrequest nga ng kapatid!" tugon niya at humalkhak na naman.

Baliw talaga to! Nagpaalam na kami sa isa't isa at nagpatuloy na sa paglalakad.

"buti at hindi ka nagaya sa kanya na baliw."

binatukan ko siya at tumawa. "lagot ka kay Hillary pag narinig ka niya!" habang palapit kami ay may naririnig kaming sigawan.

"BUHAY PA PALA KAYO!" Sigaw ng isang babae. sino to? nagmadali kami sa paglapit.

"Nay!" sigaw ko habang nagsasagutan silang pareho nung babaeng iyon. "oh? may anak ka palang hayop ka! nagdagdag ka lang ng kauri mo dito!" pulang pula na iyong babae sa kakasigaw. Napatingin ako sa likuran niya. huh? siya yung pangalawang anak ng Palanque ah?

"huwag mong idamay ang mga anak ko dito!" sigaw ni Nanay habang tinatabunan niya kami.

"dapat pala tinuluyan na kita noon pa!" Nag init ang ulo ko sa sinabi niya. Siya ang taong kinaiinisan ko. "Ikaw ho ba ang may gawa nito sa Nanay namin?"

Tumawa siya. "ano naman kung ako ha? may magagawa ka ba? kasalanan iyan ng hayop mong nanay-"

"wala kang karapatang sabihan si nanay ng ganyan. Dahil ikaw ang animal dito at hindi siya!" sigaw ko.

"ha! like mother like daughter. Disgusting creatures."

Magsasalita na sana ako ng pigilan ako ni Nanay. "Tama na, nak. Scarlet, umalis ka na dito-" napangisi iyong babae sa amin.

"umalis? pinapaalis mo ang magiging may ari ng lugar na ito? who are you to speak to me like that.Ikaw dapat ang umalis dito at hindi ako! Akala mo ba na nakalimutan ko na ang pagtangkang pagpatay sa anak ko huh? HA?!" sigaw niya habang dinuduro duro si Nanay.

"HINDI KO KASALANAN IYON SCARLET!-" Pinutol siya nung babae.

"ANONG HINDI HA? KAYA UNA PALANG AY AYAW KO NA SA IYO DAHIL MAY PAGKA DEMONYO ANG UGALI MO!"

"HINDI IYAN TOTOO!" Sinabunutan siya nung babae. "NAY! TAMA NA HO! MAAWA NA HO KAYO!" Sigaw ko pero wala akong magawa sa bilis ng pangyayari. Nagkalmutan sila at nagsabunutan. Natumba silang pareho habang inilalayo ko si Nanay ko sa kanya.

"ANO BA!" Natigilan silang pareho sa sigaw ng isang malaking lalaki. "Hon! sinaktan niya ako!" sumbong noon Scarlet na iyon sa lalaki.

"hindi ko siya sinaktan, nauna siya kaya prinotektahan ko lang ang sarili ko!" tanggol ni Nanay.

"Sacrlet, diba sabi ko naman sayo na tigilan mo na sila?" mahinahon nitong sinabi. Natigilan ako doon, akala ko ay magkasing ugali sila.

"SIYA PA ANG KINAMPIHAN MO?" Sigaw ni Scarlet.

"umuwi na tayo!"

"Hindi! IKAW BABAE! PORKET NILIGAWAN KA NG ASAWA KO DATI AY MAKAKAWALA KA SA MGA KASALANAN MO!" Nanlaki ang mga mata ko! Niligawan? Sapilitang hinila nung lalaki si Scarlet.

"bitiwan mo nga ako! ANO BA!" Hanggang sa makalayo na sila. Tinulungan ko si Nanay na makatayo, inalalayan namin siya hanggang sa makapasok na kami sa loob ng bahay.

"tubig ho nay!" ininum niya ito at huminga ng malalim.

"nay, may masakit pa ba sa inyo?" tanong ko ng matapos kong linisan ang mga kalmot niya. Pagod siyang umiling at ngumiti sa aming dalawa ni Kleo.

"KLARA!" Humahangos na dating ni Tatay. Agad niyang niyakap si Nanay ng makita ito pero nagdilim ang mata niya ng makita ang mga mamula mulang sugat nito.

"siya na naman ba?" dinig ko ang pagbabanta sa boses niya. Hinaplos ni Nanay ang braso ni Tatay at ngumiti.

"ayos lang ako! Kain na tayo." pag iiba niya ng usapan.

"Mag usap tayo mamaya. Ayoko ng maulit pa ito." saka siya tumayo.

Pagod na umiling si Nanay at nagpuntang kusina. Bukas pa naman ang graduation bakit kailangang mangyari pa ito? Sumunod na lang kaming pareho ni Kleo sa kusina. Nag usap kami tungkol sa mangyayari bukas para makalimutan ang tensyon. Kaya nagpapasalamat ako ng makita naming tumatawa na at ngumingiti silang pareho.

Sa gabing iyon, hindi naalis sa isip ko ang sinabi niya kay Nanay. Niligawan siya nung asawa niya? Anong nangyari at bakit hindi sila nagkatuluyan?

And more confusing, bakit galit n galit iyong babae kay Nanay? At yung anak nila na walang hiya, nanood lamang sa ginagawa ng Nanay niya.

Tss...

Wala siyang paki alam kahit na may nag aaway na sa mismong harap niya at parang nag enjoy pa siya sa panood . lintek na batang yun

Hindi, Cia. Dapat ay hindi ka ma stress ngayon. Bukas ay isang magandang araw para sayo kaya dapat ay wala kang naiisip kundi ang mangyayari bukas.

Huminga ako ng malalim at pumikit. Pero hindi ko maiwasang isipin na ano kaya kung si Nanay at yung lalaki na yun ang nagkatuluyan?

Paano kaya?

Ugh Cia, matulog ka na nga lang

Napailing ako at hinyaan na lamang na makatulog ko. Malalaman ko rin naman ang kwento kaya hihintayin ko na lang kung kailan nila balak na sabihin sa akin, sa amin.


Vote. comment.

War Between Us ✔ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon