25th Chapter

1.1K 15 0
                                    

gave in

"can I talk to you?" si Clayton. napasinghap ako at sinara ang libro na binabasa ko. Sa umaga na natanggap ko yung rosas ay binaling ko sa iba ang atensyon ko. Pero wala pang kalahating araw ay umaaligid na ang tropa ng Fourth na yun.

Gustong gusto kong itanong sa kanya yung mga bagay na narinig ko mula sa kanila pero natatakot ako na malaman na totoo yun. Alam ko na marami ang pinag daanan niya bago kami nagkakilala kaya hindi na ako magugulat pa.

Pero natatakot akong masaktan... na naman. Nakakapagod na din pala ang ganitong set up. Kaya kung maaari ay hindi ko na sana siya nakilala. Mas maganda pa siguro at tahimik ang buhay ko ngayon.

"what do you want from her?" asik ni Cha. Siya pa lang ang nandito, may ginawa ang dalwang bruha na yun for God knows what and where. "Cha, I just want to talk to her. alone."

"no-" pinigilan ko siya at hinawakan ang kamay niya. "Its okay Cha. I can handle this." tumayo ako at sa tabi ng pond sa likod ng cafeteria kami nag usap. "what now?"

"I know your mad at Drew."

"Im not mad at him." mahina kong sagot. Yes, I might be avoiding him but Im not mad or anything to him.

"Today is the start of the fund raising and he sent me here to talk to you, his scared that youll be mad at him, still."

"tell him Im not mad, Im going to help him for this project. You still have one year and three months right?" he nod.

"dont worry, Ill help him. This afternoon is the start right? where is he?"

Nakamot siya sa batok saka tinuro ang isang stall sa may kaliwang bahagi namin. Nakatalikod siya sa amin at kausap ang ibang kaibigan niya. Tumango ako sa kanya. Aalis na sana ako ng nagsalita siya.

"your the very first girl who rejected him, a lot. Remember the music box? He actually made it. He stayed up every night just to finish that and For the first time in history, he made something for a girl after..." naghintay ako sa susunod na sasabihin niya pero tumahimik na siya at napapikit ng mariin.

anong ibig niyang sabihin?

Nagkibit balikat lamang ako at tinungo ang stall. Pagkalapit ko ay unti unti namang natatahimik ang tawanan nila at saka doon lamang ako binalingan ng atensyon ni  Fourth. Nagpaalam siya sa mga kasama niya saka tumingin uli sa akin.

"Is the flowers okay?" masuyo niyang tanong. Nanlambot ako doon. Lalo na at nalaman ko pa na siya ang gumawa ng music box na yun para sa akin.Nasasaktan din naman ako, pero...

"thank you, they were lovely." napangiti siya. Ngayong mas lalo akong malapit sa kanya ay saka ko napansin ang dark cricles sa mga mata niya. Mas lalo akong nanlumo ng maalala ang sinabi sa akin ni Clayton na nagpuyat siya para matapos iyong music box.

"so, what do we need to do for the fund raising?" napangiti na rin ako dahil hindi niya na sinubukan na gawing personalan ang pag uusapan namin. Kaya nakahinga ako ng malalim.

"we can cook, uhm how about your favorite?" I teased. He rolled his eyes but he slightly smiled. Kaya sa maghapon na yun ay tinuon namin ang atensyon sa paggawa ng Blueberry cake since gustong gusto talaga niya ito.

Tinuruan ko rin siya pero sadyang nahihirapan siya. Lalo na sa paglalagay ng frosting sa ibabaw nito. Napahalakhak ako ng makita ang harina sa pisngi niya. "what?" aniya.

Nag iwas ako ng tingin saka palihim na natatawa. "NO!" Pero huli na ang lahat, nahalo niya na yung kulay purple na food coloring na para sana sa puting frosting. Ugh, "Fourth!"

napailing na lamang ako. "Im sorry, please dont be mad at me, I can make another okay?" Talaga lang! "put this first." Hinayaan ko na siya doon at nagpunta malapit sa oven. Pagkaharap ko,

Napatawa ako ng malakas ng makitang maraming harina sa mukha niya, may food coloring sa mga daliri at madumi na rin ang puting polo niya. Haay, kumuha ako sa frosting at, "hey Fourth!"

Pagkaharap niya saktong tumama yung daliri ko na may frosting sa ilong niya. Napatawa ako. "now perfect!" saka ako umatras ng makitang ngumiti siya sa akin. One. Creepy. Smile. "uh oh."

Tumakbo ako nang nagsimula siyang habulin ako, "oh no, you dont just do that to me!" napapatili ako sa tawa habang hinahabol niya ako. "Stay there! Fourth!" Tumakbo ako paikot pero natigil ako ng maramdamang ang pag angat ko.

"eeeehhh, Fourth!" Tumatawa siya habang nasa bisig niya ako. Pinaharap niya na rin ako habang natatawa. "gotcha!" Marami kaming nakuhang atensyon dahil sa paghahabulan namin at dahil na rin sa hitsura niya.

Marami ang natuwa pero marami rin ang nalungkot dahil sa nangyari tungkol sa music box at sa pagtanggi ko sa kanya. Yes, I deserve that all. Dahil natatakot ako. Hahayaan ko na lamang sila.

Dahil hindi nila alam ang kabuuan ng nangyayari sa buhay ko.

Nawala ang tawa ko ng unti unti niyang nilalapit ang mukha niya sa akin, uh? Napapikit na lamang ako sa sobrang lapit niya sa akin. Hahalikan ba niya ako? Pero, wala akong naramdaman kundi ang mapanukso niyang tawa at malamig na frosting sa tungki ng ilong ko.

Napatili ako habang nag iinit ang aking mukha. Shet. "now were even." saka siya lumayo. Oh God! natulala ako saglit at ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Ano ba yan.

Nagpatuloy na kami sa paggawa, sa araw na ito naging masaya ako. Niyaya pa niya akong magkape sa labas sa una, umayaw ako dahil naalala ko ang sitwasyon namin pero sa SOBRANG KULIT NIYA and with those puppy eyes, I gave in.

And I was scared to death na baka mas lumalim pa itong nararamdaman ko na sana ay kinalimutan ko na sana. Cia, why cant you stop?


Vote. Comment.

War Between Us ✔ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon