42th Chapter

1K 20 0
                                    

Malandi

"You dont really get it dont you?" Ngiti ko dahil galit na ako.

Napakunot naman ang noo niya saka ako binalingan ng tingin na seryoso.

"Ang pamilya mo ay hinding hindi kailanman papayag sa relasyon na meron tayo. Natatandaan mo naman diba? Kung paano inaway ng nanay mo ang nanay ko. Minura, pinagsalitaan ng masama at pinahirapan niya kaming lahat. Just because something happened in between us doesnt mean we need to be together."

Kung kailangan kong pagsalitaan siya ng masama para tumigil siya ay gagawin ko.

"I dont care about them. Can't you fight with me?"

"I dont love you enough to take the risk."

Walang preno kong sagot. Namutla siya at ako naman ay nanikip ang dibdib at kahit na gustong gusto kong bawiin ang sinabi ko ay hindi ko na babawiin pa.

"You can't stop me from making you mine. May nangyari man sa ating dalawa o wala papakasalan pa rin kita."

"Ugh! Tangna naman, hindi mo ba ako naiintindihan? Ang sabi ko ayoko-"

"Pero gusto ko, what if youll get pregnant?"

Napaiwas ako ng tingin. Pinipikot ba nya ako?

"Hindi kita kailangan pag nagkataon." Malamig kong sagot.

"The hell! I will get you no matter what. Wala kahit sino man ang nakakalayo sa akin kung kailangan kong pakasalan ka ngayon din ay gagawin ko."

Ba-baliw na ba siya? Umatras ako.

"Alam ba ng pamilya mo ito?"

Siya naman ngayon ang nag iwas ng tingin.

"See? Dahil kung sabihin mo ito sa kanila ay hinding hindi sila papayag. Lets... just forget about it. Im tired Im going home."

Akala ko ay pipigilan niya ako pero hindi. Kinabukasan ay napagpasyahan kong mag jogging. Pagkabalik ko ay may nakaparada doon na kotse. Kulay asul ito at mukhang pangmayaman.

Sino naman ito?

Wala naman ito kanina ah? Pumasok ako sa bahay at anak ng tae naman oh, bakit kausap ng magulang ko ang lintek na halimaw na to?

Namumutla akong nagmano sa kanila at matalim na tinignan ang lalaking nasa harapan namin.

"Anong ginagawa mo dito?"

Nagngingit ako sa galit.

"Ali, kinuwento niya sa amin ang lahat."

A-alin?

Papatayin ko talaga ito kung sinabi niya na may nangyari sa amin. Hayop.

"A-ang alin po?"

"Gusto ka niyang pakasalanan pero umayaw ka?" Si Tatay.

"Opo."

Bumuntong hininga si Tatay at hinaplos ang palad ni Nanay.

"Drew, alam mo ba ang alitan pagitan ng pamilya mo at kami?"

"Opo."

"Wala kaming galit sa inyo kaya sana ay tigilan mo na ang anak namin dahil ayaokong guluhin siya ng nanay mo. Please, layuan mo ang anak namin."

Natahimik kami saglit. I did not see that coming.

"I understand po, pero pasensya na po pero hindi kayang malayo sa anak niyo!"

Napakurap ako sa sinabi niya. Please, dont tell me na ilalaban talaga niya ito kahit na tutol na ang pamilya ko sa kanya. Napailing ako sa sagot niya at nagtimpi na huwag siyang sigawan.

War Between Us ✔ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon