32th Chapter

1.1K 16 0
                                    

My chance

Pagkasakay ko ng taxi ay milyong milyong boltahe ng kaba ang naramdaman ko. Nandito pa rin ang epekto niya sa akin, gusto ko siyang intindihin kung bakit niya ako iniwan three years ago,

Baka kasal na sila?

"Ayos ka lang ba nak?" Si nay.

Nagmano ako saka, "opo nay, pagod lang. Nasan yung dalawa saka si Tay?"

"Kasama nila ang tatay mo, enrollment na kasi ngayon!"

"Mmm, buti naman. Baka naman po malayo yan?"

Umiling si Nanay.

"Mag ka-college na si Kleo kaya kaya na nila iyon. Si Thimey ay Grade 6 na kaya, huwag kang mag alala."

Pagkatapos kong magbihis ay siyang pagdating naman nila. Naupo na kami para sa hapunan.

"Ang tagal niyo ah?"

Si Kleo ang sumagot. " may kailangan pa daw ayusin sa form ko kaya ayun..."

Saka nagkibit balikat. Oo nga pala, Nagkwentuhan kami sa mangyayari at kung ano ano pang bagay. Nang matapos ay napag desisyon ko na replyan si Cha at kamustahin si Aunt Carla.

Oo, kahit na graduate na ako ay nagkakausap pa rin kami. Kung wala siya ay hindi ako makakatapos. Dahil sa extra na binibigay niya sa sweldo ko ay nakapag ipon ako. Sa apat na taon na nakilala ko siya ay napalapit ang loob ko sa kanya.

Hey, aunt Carla. How are you? Me? Im fine here although the building Im working at is Drew's company. But, hey Im okay. Take care now Aunt Carla. I miss you. I love you. See you soon,

-Ali.

Hey Cha. I miss you too. I would be happy to hear all your stories. Im happy that your living your dream now. See you real soon dear sister. Take care. Love you.

-Ali

Nasan na kaya yung dalawa na yun? Si Ber? Si Sophie? Natulog na ako ng mapadalhan din sila ng pag kukumusta at kung ano ano pa.

"Good morning Alicia!" Si kuyang guard. Ngumiti ako at kumaway. "Good morning too Geof"

Tumawa siya at nagbiruan pa kami bago ako umakyat sa floor ko. Sumakay na ako sa elevator, magsasara na sana ito ng may kamay na pumigil dito.

Drew...

Napasinghap ako at nagkubli sa gilid. Lima lang ang sakay kaya parang ang sikip sikip. Napangiwi ako ng pumunta siya sa tabi ko. Damn. Lumayo ako konti at ramdam ko ang titig niya.

That's right. I don't want to be near you.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng bumaba lahat ng sakay at kami na lang ang nakasakay. Great.

"Ali," aniya.

Hindi ako lumingon.

"Ali let's talk please."

Pumikit ako ng mariin. "Im busy."

Sabi ko ng hindi siya tinitignan. Manigas ka dyan. Tangina mo! Napapitlag ako ng walang hiya niyang hinawakan ang braso ko. Kaya napatingin na ako sa kanya.

"Im sorry."

Nanginig ang boses niya at kita ko ang pangungulila at kalungkutan sa kanyang mga mata. Pero hindi,

"Okay."

Ting.

Agad akong lumabas at iniwan siya doon. Siguro nga ay mapapatawad ko pa siya pero... mahirap lumimot. Mahirap kalimutan ang mga bagay na pinaramdam niya sa akin. Kung mahalaga ako sa kanya ay dapat hindi niya ako iiwan ng walang paalam. Magpapaliwanag siya, maiintindihan ko naman. Pero ang iwan ako ng walang salita, wala.

Ni tawag o text ay wala. Nakakainsulto. Kung gusto niyang pagbayaran ko ang ginawa ko noon ay nagawa niya na, sobra pa nga eh.

"Ali! .... wait!"

Habol niya.  Gustong gusto ko siyang intindihin kung bakit siya umalis. Siguro ay gusto nyang makagraduate sa ibang bansa, o kaya naman ay babalik din agad kasi may inasikaso lang, siguro isa sa mga business nila pero... hindi.

Hindi ko ipagkakaila na walang araw akong nagdasal na sana ay bumalik na siya dahil may naiwan siya... pero lumipas ang mga araw, buwan hanggang sa naging taon, walang Drew ang nagpakita.

Hindi niya ako binalikan.

Saksi ang lahat kung paano ako nawala sa sarili nung umalis siya, umiiyak, natutulala hanggang sa wala na... wala na akong paki alam sa kanya at kung dumating man ang araw na magkita ulit kami ay tatanggapin ko kung bakit niya ako iniwan. Dahil... wala namang kami una palang. Nag assume lang siguro ako na meron.

Pero I deserve an explanation of why the fuck did he leave. Or atleast...

"Miss Hargunio, Mr. Jones called he ask to meet you now." Si Anne.

Ngumiti ako sa kanya dahil sa sinabi niya ay hindi ko na muling mahaharap pa ang lalaking to. "Thank you."

Akala ko ay titigilan niya na ako pero laking gulat ko ng sumunod siya hanggang sa loob ng opisina ko. Kumalabog ang diddib ko at kinabahan.

"W-what are you doing?" Shit. Puno ng pagsusumamo ang kanyang mga mata na hindi ko alam kung para saan ang mga iyon.

"Please, hear me out." He pleaded.

Umiling ako. "I have work Mr. Palanque. If that's not about business then I dont have time, excuse me."

Kinuha ko na ang bag ko at lalagpasan na sana siya ng yakapin niya ako galing likod. Nanigas ako at may naramdaman akong kakaiba sa tiyan ko. Believe me, hindi ito dahil sa kinain ko kanina. Natatakot akong mag usap kami. Natatakot akong...

"Please, let's go to my condo and talk." Ramdam ko ang kanyang hininga sa aking balikat na siyang nagpalambot sa puso at tuhod ko. Pinilit kong inalis ang kamay niya pero lalo lamang itong humihigpit.

"Please, Ali. Lets talk. I beg."

I could almost feel my tears but I refused to cry. That days were over and if ever he wants to do something about it, Im not so sure now if I can handle another heartbreak. The last time was the most painful and I dont think it will be worth it kung pagbibigyan ko man siya ngayon.

Nakakatakot sumugal sa isang bagay na siyang dahilan ng pagdurusa mo noon. Lalo na at mahal mo ang taong iyon.

"D-drew, let go." I pleaded.

"Im sorry, please give me my chance. Ali I know I meesed up big time but please hear me out."

Nanginginig na ang boses niya.

"Im sorry too Drew but... I can't."

Sa gulat niya at panghihina ay nakalaya ako at malayang tumakbo palabas papuntang conference room. Sa buong meeting ay wala ako sa wisyo.

Bumabalik sa akin lahat, lahat ng pinagdaanan ko noon ng iniwan niya ako. Heto na nga siya diba magpapaliwanag pero bakit hindi ko pa siya kayang pakinggan?

Maayos na sana eh, kaso nakakatakot pala.

Vote. Comment.

War Between Us ✔ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon