45th Chapter

1.1K 17 0
                                    

Happy Ending

Tulala ako pabalik sa bahay. Ang matagal ko ng gustong malaman ay nabigyan na ng linaw. Kanina ko napagdugtong dugtong ang eksena sa buhay nila.

May nasira na pagkakaibigan, may nabuo na pamilya na walang pagmamahalan, maraming nangyari sa ilang taon pero ngayon lang nabigyan ng katapusan. I guess this war is done pero and away sa buhay ko ay kailan kaya matatapos?

Galit si Fourth sa kanila dahil nabuo lang siya dahil sa isang kamalian? Hindi ko siya mahuhusgahan dahil hindi pa naman ako nagmamahal ng ganoong katindi. Meron at meron talagang masasaktan kapag sa larangan ng laro na ito.

Tumigil ako sa paglalakad ng makitang nagdidilim ang paningin ko. Pumikit pikit ako pero wala pa rin. Napahawak ako sa ulo ko ng bigla itong sumakit.

"Ugh!"

Hanggang sa nagdilim na ang lahat ng paligid ko. Wala akong maramdaman. Pagkagising ko ay nasa kwarto na ako. P-paano ako napunta dito?

Luminga ako at nakita si Tatay na naroon.  Nang nakita niya akong gising ay agad siyang tumayo at tinulungan akong makabangon.

"May masakit pa ba sayo nak?" Nag aalangan niyang tanong.

"W-wala ho. Paano po ako napunta dito?"

Ang huling naalala ko ay pauwi ako at biglang nagdilim ang paningin ko. Pero hindi ko matandaan na nakauwi ako dito.

"Hindi mo matandaan?"

"Ang alin po?"

"Hinatid ka dito ni Drew. Ani niya'y mahihimatay ka na daw sana kanina pero nasalo ka niya at inuwi dito."

Siya ang nagdala sa akin dito? Teka, bakit nahanap niya ako? Sinubukan kong tumayo pero nahihilo ako at masakit ang ulo.

"Dito ka na muna nak at nagluluto ang nanay mo ng lugaw."

"N-nasaan po si Fourth?"

"Nasa labas, bumili ng gamot mo. Anak naman, magpahinga ka naman. Siguro ay dahil sa pagod kaya ka nagkakaganito."

Ngumiti ako saka umiling.

"Nalipasan lang siguro ako tay kaya ganoon. Hindi naman po ako ganoong sakitin."

Seryoso lamang akong tinitigan ni tatay. Ayoko talagang makitang nag aalala sila. Hayy,

"Tay, ayos lang talaga ako. Malakas po ako di po ba?"

At unti unti siyang ngumiti. Hinaplos niya ang ulo ko saka marahan na tinapik ang balikat.

"Bata ka pa anak, huwag isiping matanda na huh? Marami ka pang gagawin kaya alagaan mo ang sarili mo."

"Opo."

Pumasok si Nanay at sa likod niya sy si Fourth na may dala dalang paper bag, siguro ay gamot. Hindi ko naman kailangan yan eh siguro naman ay nalipasan lamang ako.

"Kumain ka muna anak, tay doon na tayo. Hijo bahala ka na kay Ali ha?"

Tumango naman si Fourth at nilapitana ko.

"Mag uusap tayo bukas Alicia." Si nanay.

Haay naku, mahaba na namang pag uusap yan. Ngayon ko lang napagtanto na kami lang dalawa dito ang nasa kwarto ko.

"Madaling araw na ah? Hindi ka pa uuwi?" Tanong ko saka dahang dahan kumain. Ang sarap sa tiyan, nakakainit.

Sinulyapan niya ako bago umiling na para bang naghihintay na may sabihin ako. Anong problema nitong tao to?

"Paano mo ako nahanap kanina?" Pag iiba ko ng topic.

"I was told that you meet my mom?"

I nod. What's wrong with that?

War Between Us ✔ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon