Autumn's POV
"Aaaahhh!" sabay gulo sa buhok ko. Walang pasok ngayon dahil sabado.
Badtrip! Nakakahiya kay Austine! Huhuhu! Ang isang dyosang katulad ko narinig nyang umutot and worst...huhuhu. Naamoy nya pa. Baka na turn off na sya...teka bat ko ba iniisip yun? Ano naman kung narinig at naamoy nya utot ko? Psh!"Aaaaaaaaahh!!" sabay gulo ulit ng buhok ko. Magjo-jogging na nga lang ako.
So ayun, nagbihis na ko at lumabas ng unit ko. Isasara ko na sana ang pinto ng unit ko ng mapansin kong may lumabas sa katabing unit.
0-0 ako
-_- sya
"Austine?!" as usual pinagsakluban nanaman ng langit at lupa ang mukha nya.
"Ano ginagawa mo sa kabilang unit?" tanong ko sakanya.
"Isn't it obvious? Dito ko nakatira" wala pa ding emosyong sabi nya. Ibig sabihin neighbors kami? Yieeeh! Destiny na talaga kami.
Tinignan ko lang sya. Mukhang magwo-work out din sya.
"Siguro stalker kita. Hahaha. Sige una na ko stalker!" then naglakad na ko palayo sa kanya pero hinawakan nya ang wrist ko.
"Bakit?" with matching taas kilay ko pa.
"Sabayan mo kong mag-jogging wag ka nga lang uutot."o////O
"Waaaaaaah" Hanggang ngayon di nya pa din nakakalimutan?! Huhuhu!
"Tsk! Don't shout. Ang sakit sa tenga" pinalo ko sya sa braso (uy! MuskelzZ).
"Kalimutan mo na nga yon! Learn to move on. Past is past bro! Kaya ka nasasaktan e. Halika na nga!" dun kami sa isang exclusive park pumunta para mag-jogging. Grabe namiss ko toh. Ilang araw din kasi akong hindi nakapag-jogging.
"So, ito pala sikreto mo para di tumaba. Ano kaya itsura mo kapag tumaba ka?" out of nowhere nyang sabi. Kakauspin mo pa kaya ako Austine kapag mataba at pangit pa din ako? Mapapansin mo pa kaya ako kung ganun ang itsura ko o katulad ka lang din ng iba na mapanghusga?
Walang pang 30 minutes kaming nagjo-jogging ay..
"Araaay!" napaupo pa ako dahil sa lakas ng impact ko. Tumatakbo kasi ako at tingin ko ganun din sya kaya siguro ganun.
"I'm really sorry miss. I didn't mean to---may problema ba?" nakalahad ang kamay nya saakin habang nakangiti. Yung mga ngiting nagbigay sakin ng dahilan para magsumikap mag-aral at hindi sumuko.
"Kenshin..."
*Flashback*
"Substitute mo lang yung mga letters ng numbers then sundin mo na yung formula..." tapos na ang klase pero nandito pa din kami ni Kenshin sa room namin. Nagpapaturo ako sa kanya sa math. May quiz kasi bukas.
Hindi talaga ako nakikinig sa kanya. Nakatingin lang ako sa kanya pero ang totoo ay lumilipad ang isip ko. Di pa din kasi ako makapaniwala na boyfriend ko na sya.
"Ganun lang yun. Gets?" Ang gwapo nya talaga.
"Autumn...talaga bang nakinig ka sakin?" hindi ako nakasagot agad dahil nga hindi naman talaga ako nakinig sa kanya.
"Hehehe! Pasensya na Kenshin. Ano nga ulit yun?"
"Ganito kapag na perfect mo yung quiz bukas magde-date tayo. Promise yan!"
"Talaga? Aba! Ano pa dinadaldal-daldal mo dyan! Aral na tayo"*End of Flashback*
"Autumn? Ikaw ba yan?" nakangiti nya pang sabi.
Wala pa din syang pinagbago. Yung mga ngiti nya parang kumikislap pa din. How i miss those smiles...
"Kenshin! Nandyan ka lang pala! Kanina pa kaya kita hinahanap...Babe..." lumapit sa kanya yung babae at humalik pa sa pisngi nya.
"Oh! Hi Autumn!" nakangiting bati sakin ni Amara....oo si Amara nga...my EX bestfriend. Akala ko ba wala syang gusto kay Kenshin noon?
"I'm sorry i have to go." at tumakbo na ko palayo sa kanila.
Ayan nanaman ang mga luha ko. Nagsisilabasan nanaman sila. Bumalik nanaman ang mga nakaraan. Ang sakit na pilit kong kinalimutan. Bakit sila magkasama tsaka Babe?! What the hell! Basura na ng iba pinulot pa talaga ni Amara. Basurera talaga! Impakta talaga! Arrggh talaga sya!
Tumakbo lang ako ng tumakbo habang umiiyak. Hindi ko alam kung pano ilalabas ang galit at inis ko.
*Beeeeeeep*
Isang 10 wheeler truck ang nasa harapan ko ngayon. Great. Hindi ko magalaw ang katawan ko. Hindi ko alam ang gagawin. Naging blanko ang utak ko dahil sa panic. Eto na ba ang katapusan ng kwentong ito? Hanggang dito na lang ba ko?
"Shit!" then black out.
---------
"Buti naman at nagising ka na." tumingin ako sa nagsalita. Si Austine pala na nagbabasa ng libro. Tumingin ako sa paligid. Tingin ko hindi naman ito ospital o clinic. Nasan ako?
"You're in my unit. Di na kita dinalang ospital dahil wala ka namang sugat o galos man lang. O.A ka lang talaga." wala nanamang emosyong sabi nya. Teka, bakit parang hindi sya makatingin saakin? May problema kaya?
"Ano ba nangyari?" tumaas ang kilay nya saakin at nilapag ang librong binabasa nya kanina.
"Oh! So, nagka-amnesia ka din pala." *insert sarcasm here"
"Nagtatanong lang e. Tsaka para alam din nung readers kung ano nangyari. Bilis na unggz!"
"Tsk. Fine! Dumating yung lalaki na tinawag mong Ken Lee--"
"Shunga! Kenshin" i corrected na sinuklian nya lang ng irap."Whatever bubble head! Tapos nag-ala cinderella ka na parang tangang tumakbo kaya sinundan ka naman ng gwapong si ako. Di mo namalayan na may truck na palang padaan kaya hinatak kita dahil tanga ka talaga at nagstop over ka pa kahit alam mong malapit na yung truck. The End!"
"Kaloka ka ha! In fairness mahaba ang sinabi mo today. Pero salamat ha? Pangatlong beses mo na kong nililigtas. Pano ko kaya mababayaran ang utang na loob ko sayo. Sige kahit ano!"
"Are you sure? Kahit ano?" naka ngiting unggoy nyang sabi.
To be Continued...
---------
As you can see po ay binago ko ang title. Sabi po kasi ng kaklase ko kapag sinerch yung story ko ay maraming ka tukayo ng name kaya ayan. Change for the better <3
-Shell Sea
![](https://img.wattpad.com/cover/89143684-288-k157708.jpg)
BINABASA MO ANG
You'll Smile Again
RandomPrologue Someone asked me to find her They want me to know what life she was living Then they said i should make her life miserable Then kill her... But i refused Because.... I found LOVE - Fierce When i was young, i wanted to meet my Prince Charmin...