Chapter 12

6 0 0
                                        

Autumn's POV

Gabi na nang makarating sa building ng aming Condo. Maraming sasakyan ang nakaparada sa parking lot kaya nahirapan kaming humanap ng space na pwedeng pag-parkan. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ng hawakan ni Austine ang pulupulsuhan ko.

"Suotin mo muna to bago ka bumaba." pagbibigay nya sakin ng jacket nya na may hood at isang cap.

"Aanhin ko naman yan? Tsk! Ayokong itago ang kagandahan ko okay?" baba na sana ako ng kotse ng biglang may dumaang 2 reporter at isang camera man na parang nagmamadali.

"Bilisan nyo dyan! Mauunahan na tayo sa scoop na toh!" at patakbo silang pumunta sa main door ng building. Gosh! Ako ba ang kailangan nila?

"Ano mas gusto mo? Itago ang kagandahan mo o pagkaguluhan at dumugin ng mga reporters na yan?" kinuha ko ang cap at jacket na binibigay nya with matching irap pa.

---------

Nakayuko lang ako habang naglalakad. Nag-stairs kami dahil paniguradong elevator ang gagamitin nung mga reporters. Badtrip talaga! Kaka-foot spa ko lang e.

Nung nasa floor na namin kami ay ang daming reporters na nasa harap ng pintuan ng unit ko. Napatulala lang ako at inisip kung pano makakapasok.

Nagulat ako ng hawakan ni Austine ang wrist ko at hinila palapit sa kanya. Ayan tuloy na subsob ang mukha ko sa malapad at matigas niyang dibdib.

"Tawagan mo yung Manager! Tignan natin kung sasagot at magbibigay ng pahayag" rinig kong sabi ng isang lalaki na may halo pang pagka-inis ang tono ng boses.

"Ano? Pano ka makakapasok sa unit mo?" bulong ni Austine sa akin.

"Aba't malay ko! Ako pa talaga tinanong mo." bulong ko din sa kanya. Haaay! Hanep talaga! San ako tutuloy ngayong gabi?! Nasa cabinet ko ang credit card at atm ko pano ko magche-check in sa isang hotel? Hehehe! Di ko dinadala kasi baka manakaw wallet ko.

"Ano? Nangangawit na ko kakatayo dito." mataray nyang tanong sa akin.

"Austine...Pwede ba ko makituloy?" medyo nilambingan ko pa ang tono ng boses ko. Sana pumayag! Ayokong matulog sa kalsada (T.T)

"Okay..." Eh? Di man lang nagreklamo ang gago?

Hihilahin nya na sana kaya lang ay napunt ang atensyon ng mga reporter samin. Para bang kinikilatis ang aming mga mukha. Buti na lang ay kahit papano may nakatakip sa mukha ko. Huhuhu. Baka makilala nila ako!

"You said that you're a good actress right? Now, Prove it." napataas ang kilay ko dahil sa sinabi nya. Ano naman kaya ang trip nya this time?

"Wala akong oras para sa kalokohan mo Uranggu! Kailangan natin  makapasok sa unit mo.

"Tsk! I'm trying to help you can't you see? Just do what i am saying bubble head." iratado nyang sabi saakin.

"Oh? Ano gagawin ko?" bulong ko sa kanya. Galit na kasi sya e. Mahirap na.

"Pagbilang ko ng 3 umacting kang lasing pero wag kang magsasalita." bulong nya pabalik.

Hindi pa ako umo-oo ay nagbilang na sya.

"One...THREE" pabulong pero may diin na sabi nya.

"Hahahaha...hmm..hihihi..." iniba ko ang pagtawa ko at medyo gumewang-gewang. Humawak ako sa braso ni Austine at pinapalo pa sya ng bahagya sa braso.

"Wife, i told you not to drink to much! You're already drunk. Let's go inside." nagulat pa ko ng bigla nya kong buhatin pang bride style pa pero di ko pinahalata dahil baka mabuking. Tinago ko lang ang mukha ko sa dibdib ni Austine habang naririnig syang nage-excuse me sa mga reporters na naka harang.

Nung makapasok kami sa Unit nya ay bigla nya kong binagsak sa sofa.

"Aray ko naman!" daing ko na hindi man lang pinansin ng unggoy. t(*_*t)

"Hoy Austine! Ganito mo ba tratuhin ang ASAWA mo? Aba! Malas ng mapapangasawa mo!" sinamaan nya ko ng tingin na napalitan ng isang smirk.

"So, gusto mong totohanin na asawa kita?" at dahan-dahan pa syang lumapit sa akin na may mapang-asar pang ngiti.

"Oy! Anong gagawin mo ha?! Aba! Baka gusto mong bigwasan kita!" maangas na sabi ko pero deep inside talaga ay kabadong-kabado na ko. Jusko po! Lapit pa din sya ng lapit hanggang sa na corner na nya ko sa sofa.

"Austine...naiinis na ko sa ginagawa mo!" di nya ko pinansin at lumapit pa sakin  hanggang sa one inch na lang ata ang layo namin sa isa't-isa.

"I didn't know that you have a very beautiful eyes..." titig na titig na sabi nya saakin.

"I-ingat ka. B-baka magulat ka na lang inlove ka na sakin. L-lahat pa naman ng tumititig dyan nababaliw saakin..." pagbibiro ko pa para lang mawala ang akwardness.

Lumayo naman sya saakin. Para bang hindi niya nagustuhan ang mga sinabi ko at dahil dun ay kumirot ang puso ko.

"Kung makilala mo kaya ang totoong ako ay gugustuhin mo pa din kaya na mapalapit ako sayo?" nakakunot pa ang noo nya saakin.

"Anong ibig mong sabihin, Austine?"

"Nevermind, dun ka na lang sa kwarto ko matulog. Dyan na lang ako sa sofa. Nakakahiya naman kasi sayo diba?" he said with sarcasm.

Di ko na lang pinansin ang sinabi nya at sumunod na lang sa kanya sa kwarto na pinasukan nya. Yun yung kwarto kung saan ako nagising nung nawalan ako ng malay noon.

"Ayan, dyan ka na. Kung may kailangan ka, mahiya ka saakin dahil hindi ka bisita. Bahala ka na sa sarili mo." Aba't...

*PAK*

Binatukan ko lang naman sya. Mwehehehe.

"Hey! Bakit mo ko binatukan?!"

"Ang sama kasi ng ugali mong unggoy ka! Dapat lang sayo yan" hindi nya ako pinansin at lumabas na ng kwarto. Gago talaga!

Napatingin ako sa kama ni Austine na maaysos na maayos. Infairness...maalaga sa gamit. Ano kayang itsura nya kapag natutulog dyan?

*Imagination*

"Honey, halika na matulog na tayo..." Austine said with a very sexy and low voice.

"Kung ayaw mo pa naman matulog pwede tayong....." ngumiti sya ng sobrang sexy din at tinanggal ang dalawang butones ng polo.

"Pwede tayong...."

.
.
.
.
.
"Autumn, buhay ka pa?" nasira ang pagi-imagine ko ng tumambad ang mukha ni Austine na walang pang emosyon sa harap ko.

"H-ha?"

"Bat ka lutang? Wag mong sabihing nagdu-drugs ka dahil problemado ka."

Itinaas ko ang kamay ko sa harap ng mukha nya. Pagkatapos ay ang middle finger ko naman.

"LAYAS!!!"

------------
Hey Guys! I'm so sorry kung ngayon lang ulit ako nag-update. Marami lang talagang nangyayari sa buhay ko nung mga nakaraang linggo eksdii! Hahaha! Sorry na.

-Shell Sea

You'll Smile AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon