Chapter 14

13 0 0
                                        

Autumn' POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Nakakasilaw at napaka sakit sa mata. Mabigat din ang pakiramdam ko sa bandang tiyan kaya tinignan ko kung bakit...kamay...isang kamay ang nakapatong sa aking tiyan....kamay? Ibig sabihin tao?!

Humarap ako sa taong nakayakap saakin...pinagmasdan ang kaniyang mukha. Hindi na ko nagreklamo dahil gusto ko din naman ang ideyang nakayakap saakin ngayon si Austine. Ang sarap lang sa pakiramdam na nakayakap sayo ang taong gusto mo...Teka, gusto ko? Gusto ko na nga ba talaga si Austine? Talaga bang sa maikling panahon na magkasama kami, talaga bang nahulog na ko sa kanya?

"Kanina ka pa gising?" hindi ako sumagot dahil natulala ako sa kanya at the same time ay baka maamoy niya ang morning breath ko. Nahiya naman ako, baka maturn off.

Tinitigan ko lang sya. Naisip ko lang na napakadaming beses nya ng nililigtas ang buhay ko. Lagi na lang syang nasa likuran ko kapag kailangan ko ng masasandalan. Mahirap man aminin pero bawat araw na dumadaan ay nahuhulog ako sa kanya...natatakot tuloy ako na baka hindi na ako makabangon muli kapag hindi nya ko sinalo.

"Autumn? Are you okay?" natauhan naman ako dahil sa biglang nagsalitang si Austine at ang tanging nai-sagot ko lang sa kanya ay isang malaking 'HA?'

"I'm asking you if you want some pancakes for breakfast. Bakit ba tulala ka dyan? Halika na at tumayo na tayo." sumimangot ako ng malamang kanina nya pa pala tinanggal ang pagkakayakap saakin. Hindi ko na masyadong inisip pa at tumayo na ako.

Binigyan ako ni Austine ng bagong tuwalya at toothbrush kaya agad kong ginawa ang morning rituals ko. Nung matapos ay lumabas agad ako at nakita si Austine na naka-apron at nagluluto.

"Umupo ka na, mabilis lang namang matapos ito." umupo ako sa dining at tinignan lang sya habang nagluluto. Natigil ako sa aking pagde-daydream ng mag-ring ang phone ko.

(Mngr.Lee Calling...)

I immediately tap the accept button. Bumungad saakin ang boses ni Mngr.Lee na halatang stress at pagod sa trabaho.

[Autumn, i need you to go to my office. Magpapatawag ako ng PressConference as soon as possible. Kailangan nating malinis ang pangalan mo.]

"Nagbigay na ba ng statement si Amara about sa issue-ng kumakalat about saakin?" i bit my lower lip because of frustration...I wanna make Amara pay for what she did!

[Yes, sabi nya na hack daw ang account nya. Hindi daw sya ang nag-post ng mga issue na iyon sayo.]

"Ganun po ba Mngr.Lee? Sige po pupunta po ako sa office nyo after ko pong mag-breakfast. Thank you so much Manager!" then i hanged up.

Napabuntong hininga naman ako at tumingin kay Austine na nakatingin na pala saakin ngayon. Nagsimula naman akong ma-concious sa di malamang kadahilanan.

"Who's that?"

"Si Mngr.Lee, sabi nya nagbigay na daw ng statement si Amara about that at sabi nya na-hack daw yung account nya at hindi sya ang gumawa ng issue na yun saakin. Tsk! Mukha nya! If i know talagang insecure lang talaga yung bruhilda na iyon saakin. Kapal talaga ng muk--"

"Stop, everything has a reason Autumn. Malay mo talagang na-hack ang account nya. Who knows? Atleast kahit papano ay may pruweba na kayong hindi totoo ang mga kwentong ibinabato nila sa iyo." then nilagyan nya ng pancake ang platong nasa harapan ko lang at inilapit pa ito sa akin ng konti hudyat na para saakin iyon.

"Pinagtatanggol mo ba ang Amarang iyon?" di ko mapigilan hindi mainis.

"It's not what you think. What I mean is that, Don't judge the person if you don't know the reason behind." kanino ba sya kampi? Sa Amarang iyon? Tss. Magsama silang dalawa!

Dahil sa inis ay tumayo na ko at dumertso sa Kwarto nya. Humiga sa kama at tumingin lang sa kisame. Nakakasura lang na kinakampihan nya si Amara samantalang ako ang naalipusta..hindi kaya may gusto sya dun? No way!

"Sarap mo talagang kalbuhin Amara!!"

Pero ano nga bang magagawa ko kung magkagusto si Austine kay Amara? Anong laban ko? Wala naman akong karapatan magalit dahil wala naman akong pinanghahawakan...Ano magiging kontrabida ako? Aba! Hindi kaya bagay sa beauty ko ang maging wicked antagonist! Psh! Kidding aside, alam kong lumalalim na ang nararamdaman ko para kay Austine at kapag nagpatuloy yun ako ang talo. Anong gagawin ko? Ayokong lumuha nanaman dahil sa bwiset na pag-ibig nanaman na iyan! Ayoko ng masira ang buhay ko dahil dyan...

Sabi ni Mama saakin, Kapag nasaktan ang tao ay dalawa lang ang maaring mangyari sa kanya...Una, sa sobrang sakit na naramdaman ay mamamanhid na lamang ang puso nya...Pangalawa? Magbabago ang pagkatao nya dahil sa sobrang sakit at galit ang mananaig sa puso mo na katulad na lamang ng nangyari kay mama noong umalis si Papa.

Sa kaso ko, iba ang nangyari...natakot ako....natakot akong magmahal ulit. Natakot na akong buksan ulit ang puso ko para sa mga taong nakapaligid saakin. Anong gagawin ko? Lumayo na lang sa kanya katulad ng gingawa ko sa iba? Kalimutan na lang ang nararamdaman ko para sa kanya? Siguro nga yun ang dapat kong gawin. To protect my heart from heartache..

"Autumn, I'm sorry. Hindi ko naman kinakampihan si Amara. Ang gusto ko lang naman sabihin ay...Aish! Just forget what I said...I'm sorry so please, lumabas ka na dyan at kumain ka muna ng breakfast." Inaayos ko ang aking sarili at nakangiting lumabas sa kwarto nya. Naabutan ko pa si Austine na nakatayo sa harap ng pintuan. I act like everything is okay para hindi sya makahalata. Act...buong buhay ko lagi akong umaarte na walang problema...na hindi ako nasasaktan kaya dapat hindi ako mahalata ni Austine. Act natural Autumn!

"Ah..Austine I need to go. Salamat sa lahat ng naitulong mo saakin. Hindi ko tuloy alam kung pano makakabayad sayo. Pwede bang credit card ko na lang ang ibigay ko sayo? Hahaha! Joke lang. Kailangan ko ng umalis dahil uh...pinapapunta ako ni Mngr.Lee sa office nya. Sorry sa abala." ngumiti ako sa kanya ng pilit at akmang aalis na pero hinawakan nya ako sa braso.

"Ihahatid kita, wait for--" i cut him bago nya pa matapos ang sasabihin nya.

"No thanks, masyado ka ng maraming nagawa for me. So, I think this is good bye?" I offered my hands to him for a shake hands. Nahalata ko naman sa mga mata nya na nagulat sya at naguguluhan kaya ako na lang ang nagabot ng kamay ko sa kamay nya at nagmadaling umalis sa unit nya.

Naabutan ko pa nga ang mga reporters sa labas pero wala na akong pakialam sa mga flash ng kamera at mga sinasabi ng mga reporters. Ang importante na lang saakin ngayon ay kung paano patitigilin ang pagpatak ng mga luha ko.

To Be Continued...
-----
Chapter 14 DONE! Alam na...hahahaha! Sorry sa wrong grammars and sa mga wrong spellings.

-Shell Sea

You'll Smile AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon