Chapter 15

1 0 0
                                        

Autumn's POV

I can say that everything is fine now at makakahinga na ko ng maluwag...siguro. Katatapos lang ng Press Conference at pabalik na kami ngayon sa sarili kong Van kasunod si Mngr.Lee at Yin-yin (P.A ko).

Nagulat kami sa dami ng reporters na nagaabang pa din sa labas. Sobrang dami ng Reporter ang humaharang saamin..hindi dahil sa issue namin ni Amara kundi sa.... paglabas ko ng Condo Unit noon ni Austine.

"Ms.Autumn, totoo bang may relasyon kayo ng lalaking may-ari ng condo unit na si Mr.Austine Hernandez?"

"Ms. Autumn, ano pong relasyon nyo kay Mr.Austine?"

"Totoo po bang matagal na kayong magkarelasyon?"

At napakadami pa nilang mga tanong. Sumasakit na din ang ulo ko sa sobrang ingay at liwanag ng mga flash ng mga cameras nila.

"What the--! Ano nanaman ba ito?" inis na bulong sakin ni Manager pero mas pinili ko na lang din na tumahimik at huwag kumibo.

Nung makarating sa Van ay agad kaming pumasok at laking pasasalamat ko na tapos na ang kalbaryo ko sa mga reporters...Or not.

"Autumn, tapatin mo nga ako. Boyfriend mo ba yung lalaking  tinutukoy nung mga reporters ha?" nabalot ang loob ng Van ng katahimikan. Walang gustong umimik kahit si Yin ay natameme. Nabasag lamang ang katahimikan nang magsalitang muli si Manager.

"Ngayon palang sinasabi ko na sa iyo Autumn. Layuan mo ang lalaking iyon dahil mas lalo lang ikaw lulubog at mawalan ka ng career sa oras na lumapit ka pa sa kanya. Baka nakakalimutan mong marami sa iyong mga fans ay lalaki at kapag nagka-boyfriend ka ay baka mawala ang kalahati o higit pa sa mga fans mo." hindi ako umimik dahil tama ang sinabi ni Manager na baka mawala ang mga fans ko kapag nagka-boyfriend  ako.

Nagdaan ang mga araw...mga araw na walang Austine. Di ko sya pinapansin at ganun din naman sya. Sa mga araw na nagdaan maraming nagbago. Si Austine lagi nyang kasama si Amara samantalang ako ay nagiisa parati.

Pumunta na lang ako sa Cafeteria para kumain. Nagugutom na din kasi ako dahil di ako nakakain ng maayos kagabi kakaisip kay Austine...Haay! Letse naman oh.

"AY PRINCE FROG!" Nagulat ako dahil sa lalaking nabunggo ko. Tss, buti na lang di ako na out of balance.

"Oh, my fault. I'm so sorry Miss. Are you okay?" Isang lalaking nakasalamin ang bumungad saakin. And honestly ang hot nya sa suot nyang glasses.

"Ah..I'm fine sorry din kung hindi din kita napansin." I politely said.

"Diba Ikaw si Autumn, Yung sikat na artista? Actually I'm a big fan of yours because of your modeling skills and taste mo sa fashion." Amaze na amaze nya kong tinignan at ako naman ay napakunot ang noo.

"No, Don't get me wrong. I'm not a gay. I'm totally straight. Ahahaha! I'm Terrence Santos by the way but you can call me Rence. It's an honour to meet you." He offered his hand na agad ko namang inabot ng kamay ko.

"I'm Autumn-ly Summer Marquez. Nice meeting you." Bahagya pa kong nagulat ng pagkatapos ng shake hands namin ay hinalikan nya ang likod ng kamay ko at tsaka ito pinakawalan.

Ngumiti sya ng pagkatamis-tamis sakin, nagpaalam at saka umalis.

"Lumayo ka sa kanya Autumn..." tumaas ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa taong bumulong sa aking tenga hindi dahil sa nakiliti ako kundi sa lamig ng tono ng boses nya.

Humarap ako sa taong bumulong saakin at sinamaan sya ng tingin.

"Wala ka sa posisyon para diktahan ako, Austine." Magwa-walk out na sana ako kaya lang hinawakan nya ang kamay ko at hinarap ulit sa kanya.

"I'm just trying to protect you..lumayo ka sa kanya." Malambot ang pagkakasabi nya ng bawat salita. Para bang nag-aalala nga sya sakin...hindi ko alam ang dapat isagot sa kanya kaya mas pinili ko na lang na manahimik...at unti-unti na ding bumagsak ang mga luha sa mata ko.

"Hey, Why are you crying?" Hinawakan ni Austine ang aking pisngi at marahang pinunasan ang mga luhang patuloy pa din na bumabagsak.

"I hate you...No, I hate myself because I'm starting to fall inlove with you." Kitang-kita sa mga mata nya ang pagkagulat at ang hindi ko maintindihan ay bakas din ang pagkatakot sa kanyang mga mata.

"You should not fall inlove with me. Kahit anong mangyari wag kang mahuhulog sakin." pagkasabi nya ng mga salitang yun ay tinalikuran nya ko at umalis. Kasabay nun ay ang mga pagbagsak pa lalo ng aking mga luha.

TO BE CONTINUED...

-----
Hii! May nagbabasa pa ba neto? HAHAHAA Kung meron man sorry at ang tagal ko magupdate. Sobrang daming nangyari sa 2019 ko. Hahhahaa!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 17, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You'll Smile AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon