Chapter 1

43 2 0
                                        

3rd Person's POV

"And...CUT! Job well done everyone lalo ka na Autumn my dear! Thank you for the hard work everyone! PACK UP NA TAYO" sabi ng Direktor. Katatapos lang kasi nila mag-shoot para sa isang TV commercial. Napabuntong hininga naman si Autumn dahil tapos na agad ang trabaho niya. Oo, isa syang artista, isa sa mga sikat na artista na iniidolo ng halos lahat ng kabataan dahil sa husay nitong umarte at sa kagandahan na din nitong taglay.

"Ano ba yan! Balik nanaman sa pag-aaral tsk! Wala naman akong mapapala dun. Samantalang sa pag-aartista nagkaka-pera ako at sumisikat. Oh well, baka mapakiusapan ko pa si Manager Lee na kumuha ng isa pang project para maka-absent ako bukas" bulong niya sa sarili.

Ayaw na ayaw nya kasing nag-aaral dahil medyo tagilid siya pagdating sa ganitong bagay. Laging pasang awa ang mga grades nya. Tamad na nga sya mag-aral hindi pa sya ganun katalino.

"Hi Autumn! Nice working with you! Sana maging magka-trabaho ulit tayo! Bye!" bahagya pa syang nagulat sa biglang pagsulpot ni Amara sa kanyang harap.

"Oh hi Amara!Same to you and I hope so too! Bye!" she gave her sweetest smile to Amara na agad namang napalitan ng irap pagtalikod nito.

"Gaga ba sya? Akala nya di ko makikita yung irap nya sakin pagtalikod nya? Psh! May salamin kaya sa harap nya kaya nakita ko yung reflection nya. Plastik!" she said after Amara left.

Si Amara kasi palaging Supporting Actress sa mga projects nila na magkasama at si Autumn naman ang bida kaya malaki ang pagka-inggit ni Amara sa kanya. Actually mag-bestfriend nga yan dati kaya lang may mga bagay na nangyari sa nakaraan.

*FLASHBACK*

"Lumilindol! Kumapit kayo lumilindol!" napataas ang kilay ni Autumn dahil sa kalokohan nanaman ni Gavin ang number one bully nila ni Amara.

"Kaya pala lumilindol dahil sa dumating na ang Dambuhala Sisters!" tumawa naman ang iba pa nilang kaklase dahil sa sinabi ni Gavin.

"Halika na Amara wag na lang natin sila pansinin. Mga walang magawa sa buhay" bulong ni Autumn kay Amara.

Pumasok naman sila pareho sa room pero di  pa sila nakakapunta sa kanilang upuan ay binato silang dalawa ng mga.kaklase nila ng hilaw na itlog kaya mukha na silang basang sisiw.

Palagi na lang silang ginaganito na kanilang mga kaklase. Kung hindi tinatapunan ng kung anu-ano ay sinasabihan sila ng masasakit na salita. Napapa-isip tuloy silang dalawa kung ano ang problema ng mga tao sa katulad nilang mataba at panget samantalang wala namang ipinanganak na perpekto sa mundong ito kaya ang isat-sa lang ang kanilang nasasandalan pati na din ang isa pa nilang tinuring na kaibigan si...

"Hoy! Ano ba? Itigil nyo nga yan kung ayaw nyong ipa-expel ko kayo sa school na toh!" natigilan ang lahat dahil sa sinabing iyon ni Kenshin Takishima ang anak ng may-ari ng school nila at ang ultimate crush ni Autumn.

"Friend! Niligtas nanaman tayo ng knight in shining armor mo! Hihihi. Pati ako dinamay na. Crush ko na tuloy sya para sayo" hindi naman napigilan ni Autumn ang sarili na kiligin dahil sa sinabi na iyon ni Amara.

"Naku magtigil ka Amara!"

*End of Flashback*

Napailing si Autumn dahil sa naalala. Alaalang pilit nyang kinakalimutan.

"Ms.Autumn sa totoo lang parang kayong shunga! Ang tagal nyo pa namang naka tulala habang naka nganga." Napa laki naman ang mga mata ni Autumn sa sinabi ni Ynnazel o si Yin ang P.A niya.

"Paki ulit nga ang sinabi mo at bukas na bukas ipasa mo na sakin ang resignation letter mo sakin ha!"

"Ah eh! Hehehe. Sabi ko po ang ganda ganda nyo po talaga. Halika na po at umuwi na po kayo para makapagpahinga." at inalalayan na sya nito papuntang Van.

TO BE CONTINUED
-----> si Autumn nga po pala.

Hihihi. Sana nagustuhan nyo kahit papano yung first chapter. Actually it's my first time to write a story here in wattpad. I promise i'll try my best for the next chaptie. Thank you for reading :-)
-Shell Sea

You'll Smile AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon