ATTITUDE 5

4K 172 12
                                    

Wala na! Badtrip na ako ngayong gabi. Wala na talaga! Nasira na ang gabi ko. Bwiset! Bwiset! Nakapabwiset talaga. Umawra pa naman ako ngayong araw para magsaya. Tapos! Isang bwiset na lalaki ang sisira ng gabi ko?! Hindi ako nagsuot ng Gucci para maimbyerna! Wala sa plano ko yun.

BWISET! NAKAKABWISET?!

Padabog akong umakyat sa VIP at natigilan silang dalawa sa paglalandian nila nang mapansin ang masama kong aura.

"Hoy, nakita ko 'yun!" Biglang sabi ni Alex na pinagtaka ko.

"Nakita, ang alin?"

"The nakakalerking eksena with the meanest guy in the town...." Biglang sulpot ni Teddy kasama ang boyfriend nyang si Uno. Hindi ko sya binati. Wala akong time!

Hinanap ko naman si Robbie pero nawala sya pati yung lalaking kausap nya kanina.

Pero back to these bitches! Ano raw?!

"The asaran moments!" Sabay pa nilang sabi.

"At talagang pinanuod nyo lang ako all through out! Anong klaseng kaibigan kayo?! Mga kaibigan ko ba talaga kayo?!" Hysterical kong sabi. Aba! Nanakagigil lalo. Hindi man lang nila ako binack upan kanina. Mga salawahan!

"I thought kaya mo sya! But we're wrong! Nakakahanap ka ng match mo gurl!" dagdag pa nya.

Pero hindi gumaan ang loob ko. Mas lalo akong nainis!

Pinagsasabi n'yang katapat? Ako? May katapat?! Sa ganda at yaman kong 'to?! Ha! Funny.

"Teddy sinasabi ko sayo masama yang pakikipagjowa mo kung ano ano ang pinagsasabi mo!"

Ngumuso, naman sya, sabay kapit kay Uno.

"Hey! Meany. Uno, oh!" Sya. Natarawa na lang yung kasama nya. Pwes, ako hindi natatawa.

"Grabe Toni! Laptrip ang ginawa nyo, halos di ka makapalag dun! Tawang tawa ako mga seven!" Si Alex at humagalpak ng tawa. Ayan na naman sa pagbibilang ng lesteng tawa! Bwiset bakit ba kailangang bilangin?! Para saan?! Nakakabobo!

Lahat kami napangiwi,

"Hoy! Babaita yung ngalangala mo kitang kita na! Mahiya ka naman sa kahook up mo. Makita pa kung gaano ka kabalahura." Hindi lang kasi tawa ang ginagawa ni Alex kundi makalaglag pangang tawa. Literal. Dahil nasa sahig na sya kakatawa.

"Hindi nya ako iiwan--huh? San na yun?" Nagtatakang tanong nya habang nasa lapag.

"Ayun tumakbo na! Natakot sa ngalangala mo." Sigaw ko sakanya. Punyeta ka huh! Deserve.

Napakamot naman sya ng ulo.

"Hey Toni! That's really nakakatawa talaga haha! Look oh! May myday pa ako with matching cutie stickersss! Hihi!"

WHAAAT?!

Halos lumawa naman ang mata ko dahil sa sinabi nya. Wala na akong sinayang na panahon kahit nagsasalita pa sya ay kinuha ko ang cellphone nya at pinagbubura ko ang myday nya.

Kukunin pa sana kaya lang iniwas kong ang phone nya,

"Huwag kang magulo kung ayaw mong lumilipad itong cellphone mo!" Saka ko pinagdedelete ang mga kalat ko sa cp nya.

Mga bwiset talaga!

"Hey ang kj mo naman!" Sya sabay nguso at may pagkapit sa jowa nya.

"Ako KJ? Halos umusok na na dun sa galit kanina tapos malalaman kong nagsasaya lang kayo dito!l habang pinapanuod nyo ko. Sabihin nyo nga. Mga kaibigan ko ba talaga kayo?"Paguulit ko about friendship. Hindi ko talaga matake itong mga burikat na ito!

Toni BAKLITA SEASON1 [UNDER REVISION] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon