ATTITUDE 7

3.4K 148 5
                                    

"See you later, president."

Napapikit ako dahil sa nabasa kong text. Shit! Oo nga pala. Nasabi kong magbabar kami ni David.

Hay!

Pabalang akong napahiga sa kama ko. Feeling ko naubos lahat ng energy ko kanina. Nakakapagod makita si Gori dagdag mo pa na masakit sya sa mata.

Pero kahit papaano. I'm little bit, happy sa pagusad sa pagrerevange ko. Kaso nga lang kulang pa. Kulang pa! Dahil wala dito ang puno't dulo ng mga lahat ng ito.

Timmy,

That bitch!

Marinig ko pa lang ang pangalan. Gusto ko nang masuka at mandiri. Well, sya lang naman ang taong sumira sa buhay ko. Sya lang naman ang taong gustong- gusto ako mawala sa mundo. Partida, kapatid ko sya pero nagawa nya sakin ito.

Naalala ko yung mg ginawa nyang kabalasgutan para lang masira ako sa iba at lalong lalo na sa mga magulang ko.

At dahil sa kanya kaya ang personalidad kong si Toni kawawa ay naging si Toni Baklita.

Napapikit ako habang sinasariwa ang mga ginagawa nya sakin. Gustong gusto ko na maipon lahat ng galit ko sa kanya hanggang sa magkita kami ay ilalabas ko ng todo nang sagad at walang preno ang galit ko sa kanya.

Pumunta ako sa drawer ko,

At binuksan saka ko kinuha ang USB. Ito ang susi ko sa paghihiganti sa kanya. Ito ang susi sa pagbagsak ng isang Timmy Pinagpala.

Napangiti na lang ako,

Kailan ka kaya babalik kapatid. Sobrang miss na miss kita. Sa sobrang pagkamiss ko, nagipon ako ng mga kalat mo. Ang kalat na ikakasira ng reputasyon mo,

Habang nagaayos ako ay nakita ko sa tablet ng cctv. Yes, may cctv sa bawat sulok dahil gusto kong pagmagtyagan ang kilos ni Gori. Anyways, si Gori nakita ko tablet na parang aligaga at kanina pa tumitingin sa cellphone,

Ano kaya ang eksena ng gorilyang 'to?

Kaya nagmadali akong magayos at bumababa na. Saka ako pumunta sa kinaroroonan ni Gori, sa kitchen.

So para hindi nya ako marinig tinanggal ko ang ankle boots ko. At pasimpleng pinagmamasdan kung gaano sya kapangit.

Napakunot naman ang noo ko dahil sa kagagahan na ginagawa nya.

"He-hello? Naririnig mo na ako?!"

"Buti naman... Nakuu! Napakasama na talaga ng ugali ni Toni. Hindi ko na sya kaya...Oo, simula nang dumating ako dito.. Grabe na ang pasakit na ginawa sakin ni Toni..... Nilalait na nya ako, sinasaktan na nya ako... Oo kanina nga lang. Pinagsasampal sampal nya ako..... " Narinig ko pang humihikbi ang gorilya.

Mas lalo akong nacurios kaya mas lumapit pa ako.

Pinagsasampal- sampal? Ha! Dapat pala tinotoo ko na.

"Oo... Wala na talaga syang ikasasama.... Grabe sobrang nagbago na sya... Totoo yung sabi mo...... Oo, yung hinala mo pala..... Grabe may pagkasademonyo sya... Alam mo bang naospital ako dahil may isang vase na tumama sa ulo ko pakiramdam ko sya may gawa nun eh.. "

Ha! The one and only. Sayang nga yung vase na yun, medyo mahal pa naman. Hindi nya deserve!

"Oo... Buti naman nacontact na kita..... Alam ko yun na busy ka... Naiintinidhan ko... Pero gusto kong malaman mo na may parang pinaplano sya sayo pagbalik mo kaya magiingat ka...."

Sinamaan ko sya ng tingin. Sino ba yung kausap nya? Hindi na ako nagantay pa at kinuha ko sa kanya ang telepono nya.

Pinakitaan ko sya ng kamao para pagbabanta na pagkuha nya. Buti naman at umatras sya.

Toni BAKLITA SEASON1 [UNDER REVISION] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon