ATTITUDE 3

4.6K 169 5
                                    

Kung nakakatunaw ang pagtitig. Malamang sa malamang lusaw 'tong orasan.

Bakit ba ang tagal ng oras kapag binatanyan mo pero kapag napapasarap ka sa isang bagay napakabilis, palong palo ah!

Aish!

Alas osto pa lang! Ang haba pa ng oras, sumasakit ang bangs ko di ko kinakaya.

"Grr, ang tagal naman ng oras. Gusto ko nang makapiling kama ko!" usal ko,

I'm fucking sleepy. Isang oras palang ako dito sa opisina ko pero nanghihina na ako. Adulting ba ito?

Hays!

Nakailang singhot na ako ng herbal scent para magising lang diwa ko pero walang talab!

What's happening self?

Ayaw ko naman pumasok sa klase ko. Baka matuluyan pa ako dun. Gusto ko na talagang ipikit itong maririkit kong mata--*

"President!"

Santisima! Papakit na ako eh,

Sinamaan ko ng tingin ang hudas na pumasok sa opisina ko,

"David... Ang aga aga wag mong padilimin ang paningin ko,"

Btw, he's my secretary for one and a half year. Surprisingly tumagal ang gago. Actually s'ya ang pinakamatagal na naging secretary ko dahil bago s'ya dumating halos lahat ng mga nagapply isang oras lang ang pinakamatagal na nagtagal sakin.

I wonder why?

Di naman ako nangangagat.

... Nananampal lang!

And I don't, know kung bakit s'ya nagtatyaga.

"Umm,"

Kumamot naman s'ya ng ulo n'ya. Nagdadalawang isip pa ata kung sasabihin n'ya ang dahilan ng pagpunta n'ya.

Ayoko sa lahat yung pinapasuspense pa ako.

"Magsasalita ka ng kusa o hihilain ko yang dila mo para magsalita ka, mamili ka!"

Kapag mga ganitong inaantok ako. Tumaas ang level ng pagiging maldita ko, di lang matalas ang dila ko mabilis din ang kamay ko.

"Kasi president... may nagaaway sa quadrangle."

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko,

"WHAT?!"

"Yes president, kanina pa sil-*

"What the actual fuck?! Inistorbo mo ko para d'yan? David For real..?? For fucking sake, bawat oras na humihinga ka may nagaaway sa school na ito... kaya David utang na loob, lumabas ka na pwede lang."

Pigil na pigil ako sa sobrang bad trip yung tipong gusto ko s'ya batuhin ng kahit anong malapit sakin kaya lang mga expensive materials ito. Isipin nyo ang nararamdaman ko ngayon!

"Pero po kasi president--*

Talagang hihirit pa,

Pinanlakihan ko s'ya ng mata kahit na chinita ako,

"May duguan ba? Kung meron. Tumawag ka lang ng ambulansya... Kung may namatay. David, ganun talaga ang mundo pero sa sitwasyon ngayon baka mas mauna ka pang magpaambulansya pag nagdilim ang paningin ko,"

At hindi ako nagbibiro,

Alam n'ya yun.

Kaya tumalikod ako sa kanya. At sinubukan kong pumikit ulit,

Ang sarap matulog--

"President kasi nandyan yung mga investor. Paparating na sila!"

Investor lang pala. So what kung parating----*gulp

Toni BAKLITA SEASON1 [UNDER REVISION] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon