"Tumakbo ka na Lira. Iligtas mo ang yong sarili!" Sigaw ni Muros habang nakikipaglaban sa lalaking nakamaskara dahilan upang makaligtaan niya ang pagtama sa kanya ng sandata.
"Oh my gosh, nakakagulat ka naman lalaking nakamaskara. Hindi mo sinabi kaagad na andyan ka na pala." Panlilito ni Lira sa kaharap. Tatalikod na sana ngunit tinutukan na siya ng sandata nito.
"Ako si Kahlil at ako ang papatay sa'yo!" Sigaw ng nakamaskara kasabay ang pag-amba ng espada nito. Ngunit nasalag ito ni Lira. Hindi man sanay sa paghawak ng sandata ngunit hindi hinayaan ni Lira na maisahan siya nito. Nalilito man sa asta nito, nanatiling nakikipagsabayan siya dito.
Dahil na rin sa basbas at angking kakayahan ni Kahlil sa pakikipaglaban, naging dahilan ito ng isang nakagigimbal na pangyayari.
"Liirrraaaa!!!" Sigaw ni Danaya, at nakipagtunggalian sa lalaking nakamaskara. At sa hindi sinasadyang pagkakamali, naalis ang maskara nito at nakilala niya si Kahlil.
"Kahlil, aking hadia, ano't nagawa mo ito? Bakit?" Akma sanang sasaktan siya nito nang bigla na lamang lumitaw si Pirena at pinigilan ito, kasabay ng kanilang paglaho.
"Lira, aking hadia, gumising ka Lira," Umiiyak na sigaw ni Danaya. "Aking brilyante, sundin ang aking pagsamo. Pagalingin mo ang aking hadia." Ngunit walang nangyari. "Bakit hindi mo ako sinusunod?!"
Narinig ni Mashna Aquil ang pagtangis ni Danaya, at sinundan niya ito. Upang makita lamang ang kanyang mahal na diwani na tila wala ng buhay.
"Sino ang may gawa nito Danaya?" May pag-iingat sa tanong ng Mashna.
"Si Kahlil, ang anak ni Ybarro at Alena, Aquil. Ngunit, bakit niya nagawa ito kay Lira?"
.
NAKARAMDAM si Amihan ng kakaibang bugso ng damdamin, kasabay ang pagbulong ng hangin na naging dahilan ng pagsikip ng kanyang paghinga habang nakikipaglaban. Hindi nito mamalayan ang pagsugod ng kalaban at siya ay nasaksak mula sa likuran.
Nakita ito ni Ybrahim at walang pag-aatubiling tinulungan agad si Amihan. Napansin niya ang paghihirap nito ngunit kalabisan pa din lumalaban. At sa kanilang paglalapit...
"Ybrahim, nakaramdam ako ng hindi maganda paukol sa ating anak na si Lira. Hanapin natin siya. Hindi ko gusto ang bulong ng hangin."
Napansin ni Ybrahim na tila nanghihina na ito dahil sa sugat na natamo. Sa kanyang pag-aalala, nakarinig siya ng pagtawag mula kay Danaya na tila tumatangis at nahihirapan.
"Amihan! Ybarro!"
Agad hinanap ito ni Ybrahim, habang inaalalayan pa din si Amihan. At sa hindi inaasahan, si Lira ay duguan at tila wala na itong malay.
"Lira!!" Pagtangis ni Amihan na hindi alintana ang sariling sugat. Nanghihina man ngunit mas masakit ang makitang duguan ang anak na matagal niyang pinangarap na makasama – na hindi nawalan ng pag asa kahit pa abot langit na ang pangungulila niya. Bakit tila mapaglaro ang tadhana para sa kanyang munting si Lira?
"Lira! Anak ko, gumising ka Lira! Hindi ito ang oras ng pagbibiro, Lira. Gumising ka, anak. Utang na loob huwag mong gawin sa'kin 'to!"
Hilam sa luha at tila wala na sa sarili si Amihan na nagmamakaawa. "Mahabaging Emre, bakit mo ito ipinahintulot na mangyari? Bakit tila yata nakikipaglaro sa akin ang tadhana? Sandaling panahon ko lamang nakasama ang aking si Lira. Bakit mo pa kami pinagtagpo kung kukuhanin mo rin siya sa akin!"
Hindi na mapigilan ang silakbo ng damdamin bilang isang ina na nangarap makasama ang kanyang anak.
"Danaya, sino ang may kagagawan nito? Bakit mo hinayang mangyari ito sa kanya?" Kontrolado pa din ang emosyon, ngunit bilang isang ama na matagal nangulila sa anak na kababalik lamang sa kanila, tila nawawala na din ito sa sariling katinuan. Pagkat hindi lamang si Lira ang nasa panganib ngayon, maging si Amihan.
Hindi malaman ni Danaya kung ipagtatapat niya ba na mismong anak nitong si Kahlil ang gumawa nito kay Lira, o ipaglilihim nya. Ngunit, batid niya na napakabigat nitong dalahin sa kanyang puso sapagkat hindi ito magiging patas para kay Lira. Ngunit, ano nga ba ang kahahantungan ng lahat ng ito sa piping pagdadalamhati ni Danaya.
BINABASA MO ANG
There You'll Be
FanfictionSa gitna ng unos at pagsubok, magkasama nilang haharapin ang mga ito dahil isa silang pamilya. Written by: ColdHeart DISCLAIMER: Characters and setting is owned and of EncaTeam and GMA. Most of the scene ay ginagawa kong inspiration, though some sce...