Ang Kapahamakan ng Isang Sang'gre

1.2K 38 6
                                    

Hindi na nawala sa isip ni Ybrahim ang narinig sa pag-uusap ng magkapatid na Sanggre. Ano nga ba ang mukhang maihaharap niya pa sa kanyang minamahal na hara kung sa pagkakataong ito nakasalalay sa kanya ang kapalaran ng kanyang mga anak o ang desisyon kung kanino siya papanig? Hindi nag-atubili pa si Ybrahim. Hinanap niya si Wantuk upang mauna na sila sa Moog ng Sapiro upang maihanda ang lahat bago pa man pumaroon sina Amihan.

"Wantuk, halika na. Mauna na tayo upang tayo ay makapaghanda. Sapagkat may mga kailangan pa akong asikasuhin." Nagmamadaling yaya ni Ybrahim kay Wantuk.

Habang nasa daan, hindi maiwasan ni Ybrahim ang isipin ang tungkol sa kanyang narinig. Gulong gulo na ang kanyang isipan. Kailangan na marahil ay hanapin niya na si Alena.

---

Sa Sapiro

"Wantuk, naipaayos mo na ba ang kwarto ni Amihan?" Ang tanong ng prinsipe.

"Mahal na Prinsipe, naipaayos ko na ang lahat ng kwarto na gagamitin." May diing turan ni Wantuk. "Hindi lamang ang sa iyong Reyna." May himig panunuksong dagdag pa nito habang kinikilig.

"Tigilan mo nga ako Wantuk. Baka gusto mong mahimbing sa sabsaban ng palasyo?" Nangingiting pananakot sa kanyang kaibigan na tila kinikilig sa kanyang inasal.

Masaya pa rin siya sapagkat mabibigyang seguridad niya ang kanyang mag-ina upang mailayo sa kapahamakan. Ngunit, lingid sa kaalaman ng lahat, habang nasa paglalakbay sina Amihan, ang nakatakda ay tila nakatakda. Tila mapaglaro ang tadhana pagkat hinarang sila ng kampon ni Hagorn.

---

Sa kagubatan

Magkakasamang naglalakbay sina Alena, Pirena, Kahlil at Gurna. Nakasalubong nila si Hitano na sugatan.

"Hitano!" Gulat na tawag ni Pirena. "Anong nangyari sa iyo? Bakit ka sugatan?" May pagtataka sa tinig ni Pirena, ngunit alerto.

"Pirena, sinubukan ng iyong ama na ako'y paslangin sa pamamagitan ni Lila Sari. Ngunit, hindi siya nagtagumpay sapagkat tinulungan ako ni Lila Sari. Gumawa din siya ng paraan upang ako ay makatakas. Pirena, maaari kayong magtulungan ni Lila Sari sapagkat maging siya ay nais ng mawala na ang kasamaan ng iyong ama."

"Pirena, bakit mo kinakausap ang taksil na iyan?!" Sigaw ni Alena. "Isa kang taksil! Umalis ka dito." May pagbabadya sa tinig ng sang'gre.

"Alena, huminahon ka. Nalagay sa panganib ang buhay niya ng dahil sa iyo. Makinig ka. Maaari natin siyang gamitin upang magkaroon tayo ng laban kay Hagorn, maging kina Amihan. Kaya utang na loob huminahon ka." Pagpapakalma ni Pirena sa kanyang kapatid.

"Makinig ka Alena, wala akong masamang hinangad sa iyo. Patawarin mo sana ako. Nais ko lamang iparamdam sa iyo ang aking pagmamahal, ngunit batid kong hindi ako ang iyong kailangan. Sapat na sa akin na nakikita kita, at handa akong gawin ang lahat matulungan lamang kita." Pahayag ng kawal.

"Tayo na. Mahaba-haba pa ang ating lalakbayin. Kinakailangan natin ng lugar na matutuluyan pansamantala." Udyok ni Pirena.

---

Habang daan patungo sa Dakilang Moog

"Inay, maaari po ba tayong magpahinga muna? Kanina pa po kasi tayo naglalakad. Masakit na masakit na po ang aking paa. 'Yung bukung-bukong ko inay masakit na po. Tapos yung binti ko po naninigas na. Saka tingnan mo inay o, maging sila bakas na sa kanilang mga mukha ang pagod." Nagmamakaawang sabi ni Lira sa kanyang ina.

"Mga kasama, tayo muna ay humimpil pansamantala upang maibsan ang ating pagod. Maaari kayong maupo muna. Muros, magbantay kayo sa bawat sulok upang makasiguro ang ating kaligtasan." Pahayag ni Amihan.

There You'll BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon