Sa himlayan ni Kahlil, hindi mapigilan ang pagtangis ni Alena na naghihimagsik ang kalooban sapagkat kailan lamang niya nakapiling ang kanyang anak. Labis-labis ang kanyang pangungulila dito, kung kaya't nais niyang ipaghiganti ito.
"Alena, tahan na. Palayain na natin si Kahlil upang mapayapang makarating ng Devas." Mahinang pahayag ni Ybrahim na may himig pag-aalala kay Alena.
"Ybarro, saglit na panahon ko lamang nakasama si Kahlil. Nang dahil sa Lira na iyan, napahamak ang aking anak. Kasalanan ito ni Lira! Kung hindi dahil sa kanya, sana'y buhay pa ang aking anak!" Galit na turan ni Alena.
"Alena, walang kasalanan si Lira. Pareho silang bihag ni Hagorn. Kagaya mo, labis-labis din ang pangungulila ko sa ating anak. Ngunit, anong magagawa ng aking galit? Hindi na nito maibabalik ang buhay ng ating anak, Alena. Iwaksi mo na lamang ang iyong galit." Mahabang pahayag ni Ybrahim.
"Kung hindi mo ako matutulungan na ipaghiganti ang aking anak, gagawin ko itong mag-isa. At ipinapangako ko, ako ang tatapos sa buhay ni Hagorn. Hindi kita kailangan, Ybarro." Galit na pahayag ni Alena.
"Alena, nahihibang ka na ba? Napakalakas ng hawak na kapangyarihan ni Hagorn ngayon. Ikapapahamak mo lamang ito. Hindi ito ang oras upang maghiganti Alena. Maaari nating pagplanuhan ito." Pag aalala ni Ybarro.
"Hindi kita kailangan, Ybarro. Kaya ko itong mag-isa. Alam ko rin na tutulungan ako ni Pirena." Tinalikuran niya ito. "Kahlil, aking anak hangad ko na mapayapa kang makarating sa Devas at darating ang araw na tayo ay magkakasamang muli. E correi diu, anak." Himig paghihinagpis ni Alena.
'Hindi ko maaaring iwan si Alena, pagkat anumang sandali ay maari itong mapahamak sa anumang oras na naisin nitong sumugod kay Hagorn ng nag-iisa. Wala siya sa tamang huwisyo ng pag-iisip, pagkat masyado siyang naapektuhan ng galit niya sa pagkawala ng aming anak. Hangad ko na sana hindi siya tuluyang pamahayan ng galit sa kanyang puso.' Piping panalangin ni Ybrahim.
Kinuha na ng mga retre ang katawan ni Kahlil upang mapayapang makarating ng Devas. At bawat isa ay nakikiramay kay Alena.
"Alena, magpahinga ka na. Ihahatid na kita sa iyong silid. Kailangan mo ng ibayong lakas sapagkat anumang sandali ay hindi tayo nakatitiyak sa mga plano ni Hagorn."
Ni hindi na namamalayan ni Ybrahim ang dalawang nilalang na kapwa nagkatinginan na lamang pagkat pangalawang araw na ngunit tila hindi sila nakikita man lamang nito. Sa isipa'y nanaig na kailangan ito ngayon ni Alena. Kumirot ang puso ni Amihan sa bawat tagpong ito. Ngunit sa kanyang puso, pilit na inuunawa na lamang ito.
Hindi iniwan ni Ybrahim si Alena. Palagi niya itong sinasamahan. Ngunit, hindi pa rin kinaligtaan ang mga pulong na dapat ay nandoon siya.
Isang gabi...
'Patawad Amihan, alam ko na hindi ko na kayo naaasikaso ng ating anak. Ngunit alam ko naiintindihan mo kung bakit ginagawa ko ito.' Malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito, at pinagmasdan ang kalangitan. Hindi batid na may isang nilalang din ang nakatingin sa nagniningning na kalangitan.
"Alena, kumain ka muna. Kailangan mo ito upang makadagdag sa iyong lakas. Ilang araw ka na rin hindi nakakakain ng maayos. Huwag mo naman sanang hayaan na mawalan ng kabuluhan ang pagkawala ng ating anak." Himig pagtatampo ni Ybrahim.
"Bakit Ybarro? Hindi ka man lang ba nagalit dahil sa pagkawala ng ating anak? Dahil ba may isa ka pang anak na si Lira na hindi ka man lang nakaramdam ng pangungulila kay Kahlil? Hindi mo batid ang sakit na nararamdaman ko, Ybarro. Mabuti pa si Amihan. Nandyan lamang sila ni Lira. Samantalang ako, habang buhay akong mangungulila kay Kahlil. Sana'y si Lira na lamang ang nawala!" Hinagpis at galit na pahayag ni Alena.
BINABASA MO ANG
There You'll Be
FanfictionSa gitna ng unos at pagsubok, magkasama nilang haharapin ang mga ito dahil isa silang pamilya. Written by: ColdHeart DISCLAIMER: Characters and setting is owned and of EncaTeam and GMA. Most of the scene ay ginagawa kong inspiration, though some sce...