Bugso ng Galit

1.3K 48 2
                                    

Sa kabilang dako, nagkita na sina Pirena at Alena. Kasama ni Pirena si Kahlil at may takot sa kanyang mga mata. Tila nagkatotoo ang basbas na ginawa niya para dito, at nakaramdam ng pagsisisi sa kanyang nagawa.

"Pirena, sino ang nilalang na kasama mo? At bakit tila siya ay duguan?" Nakaramdam si Alena ng lukso ng dugo para sa nilalang na kaharap.

"Siya si Kahlil, ang iyong anak, Alena." Pagpapakilala niya dito. Tila isang batang wala sa kanyang katinuan, bigla na lamang nitong inagaw ang sandata mula kay Pirena.

"Ako si Kahlil, ang anak ni Alena at Ybarro. At ako ang papatay kay Lira." Walang kamuwangang turan nito.

Hindi makapaniwala ang dalawa sa narinig. Bilang isang ina, masakit para sa kanya ang narinig mula rito.

"Ako si Alena, ang iyong ina, Kahlil, anak ko." Umiiyak na turan nito.

"Ikaw si Alena? Ikaw ang aking ina." Parang paslit na yumakap sa kanyang ina.

"Oo, anak, ako nga ang iyong ina." Napakasaya ng kanyang puso ngunit batid ang isang kapahamakan. Binalewala niya ito. Importante ay nasa tabi niya na ang kanyang anak, at pinatulog gamit ang kanyang tinig.

"Maaari ba kitang makausap, Alena?" Tanong ni Pirena.

"Maraming salamat, Pirena, sa pagbabalik mo sa aking anak. Ano ang iyong nais pag-usapan?" Balik tanong ni Alena.

"Alena, napatay ng iyong anak ang anak ni Amihan na si Lira. Binasbasan ko siya noon na siya ang tanging diwata na makakapaslang kay Lira at gayon din ang pagbabasbas sa kanya ni Ether. Nagluluksa ngayon sina Amihan, Alena."

Ngunit tila yata bato na ang puso ni Alena, at hindi niya inasahan ang tinuran nito.

"Marapat lamang na mangyari ito sa kanila pagkat sila ay mga taksil. Pinagtaksilan nila ako. Hinding-hindi sila magiging maligaya sapagkat hindi ko ito pahihintulutan. Napakasakit ng kanilang ginawa sa akin. At ito ang kanilang kabayaran." May pagmamatigas at pait sa tinig ni Alena.

Hindi inasahan ni Pirena ang sagot ni Alena. Sa kanyang pakiramdam, siya ay nahabag sa kanyang dalawang kapatid. 'Ito nga ba ang nagagawa ng sinasabi nilang pag-ibig?'

Tila yata iba ang pakahuluganan nito sa kanyang nakababatang kapatid na si Alena. Bakit tila galit ang namamayani sa puso nito? May magagawa nga ba siya upang maibsan ang poot na nararamdaman nito para kay Amihan? Na sa oras na ito ay labis labis ang pagdadalamhati sa pagkawala ng pinakamamahal nitong anak. Alam niya, sapagkat ganito rin ang kanyang naramdaman ng makita ng kanyang mga mata ang ginawa ng kanyang anak sa sarili sa kanyang harapan, at wala siyang nagawa.


Sa Sapiro...

Habang pinagdarasal ng mga diwata ang ivtre ng kanilang mahal na Diwani upang maayos na makapasok sa Devas, tulala si Amihan at tila walang sariling buhay. Hindi pa din siya nagagamot mula sa kanyang pagkasugat.

"Amihan..." Tawag ni Ybrahim, "ipagagamot natin ang iyong sugat. Malalim ito, Amihan. Baka ika'y manghina kung pababayaan mo lamang iyan."

"Huwag mo akong alalahanin, Ybrahim. Mas masakit ang sugat sa aking puso. At walang kahit anong mahika ang makakapag-gamot dito."

There You'll BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon