Dalamhati ng Isang Ina

1.6K 41 3
                                    

"Danaya, nabanggit mo sa akin noon na nasaksak ni Hagorn si Lira at nabuhay muli. Maaari mo ba akong samahan upang mahanap ang gamot upang mabuhay muli ang aming si Lira?" Hindi na malaman ni Ybrahim ang kanyang gagawin pagkat batid nya ang pagdadalamhati ni Amihan para sa kanilang anak.

"Patawad, Ybarro. Ngunit, iisa na lamang ang binhi ng mga Mulawin at ito ay nagamit na noon kay Lira." Nakayukong turan ni Danaya, at pakiramdam na din ng pagsisi dahil sa pagtatakip sa may sala ng pagkamatay ni Lira.

"Amihan, pagalingin mo muna ang iyong sarili. Nasa gitna pa din tayo ng laban at kailangan mong maging malakas... para sa ating anak." Pagsusumamo ni Ybrahim sa kanyang hara.

"Bakit ko pa nanaising mabuhay, Ybrahim? Si Lira na lamang ang natitirang pag-asa at dahilan ko para ako ay mabuhay. Si Lira na matagal kong pinangarap na makasama, mahagkan at maalagaan na bilang kanyang ina hindi ko man lang naiparamdam sa kanya ang aking pagmamahal. Hindi ko man ang siya naipagtanggol sa pangahas na gumawa nito sa kanya. Napakasakit na sa kaunting panahon na nakasama ko ang aking anak, nabuo ang isang pangarap na bubuuin ko ang isang pamilya na para sa kanya. Ngunit, tila yata hindi ito ang nakatakda." May poot sa tinig ni Amihan.

Akmang tatayo na si Amihan – sa isipa'y itutuloy ang laban. Ngunit, hinawakan ni Ybrahim ang kanyang kamay upang pigilan ito. Malalim ang sugat na natamo nito at hinding-hindi niya hahayaan na pati si Amihan ay mapahamak pa.

Masakit para sa kanya ang pagkawala ni Lira, at baka mas naisin na rin niyang mawala kasama ng dalawang taong dahilan ng kanyang paghinga at tibok ng kanyang puso. Ngunit, may mga dapat pa din silang isa-alang-alang at iyon ay ang kinabukasan ng Encantadia na nakasalalay sa kanila bilang pinuno ng natitira nilang hukbo.

Simula ng araw na malaman niya na isa din siyang pinuno, marami siyang natutunan mula kay Amihan. At una sa lahat ay pagsasakripisyo ng sariling kaligayahan para sa karamihan. Napakahirap bilang magulang ang sinapit ng kanilang anak. Ngunit, batid niya na may dahilan ang Bathalang Emre.

"Saan ka patutungo, Amihan? Hahayaan mo bang hanggang dito na lamang ang isinakripisyo ng ating anak? Sa tingin mo ba masaya ang ating anak na makita kang nawawalan ng pag-asa? Hahayaan mo bang dito na lang matapos ang lahat? Napakasakit nito para sa akin bilang ama ng ating anak, kaya batid ko din ang iyong nararamdaman. Huwag mo naman sanang hayaan na pati sarili mong buhay ay isakripisyo mo pa. Amihan, napakarami ng mga engkantado at engkantada ang sa atin ay umaasa. Batid kong alam mo na hindi ito gugustuhin ng ating anak na si Lira." Pagpapaliwanag ni Ybrahim at batid niya na pakikinggan ito ni Amihan.

"Aquil, Danaya, uurong tayo sa laban. Unahin ang mga sugatan at ipunin ang natitira pang mga kawal. Hindi man tayo nagtagumpay sa labang ito, nangangako ako na darating ang araw na mababawi natin ang Lireo at pababagsakin ang kasakiman ng mga hathor sa pangunguna ni Hagorn." Sambit ng isang reynang nagpumilit palakasin ang loob para sa anak, at paggalang sa himlayan nito.

Nakabalik na ang natitirang mga kawal, kasama ng mga sugatan at maging sina Aquil at Danaya sa Sapiro. Nagtulong-tulong ang lahat upang matulungan at mabigyang lunas ang mga sugatan. Pati na rin ang paghahanda sa himlayan ng Prinsesa ng mga Diwata. Kasabay ng pagpapagaling sa bawat isa ay ang kanilang pagluluksa. Na kahit sa kaunting araw na nakasama nila ang munting Diwani ay nagbigay ito ng kasiyahan sa kanila.

"Lira, anak, patawarin mo ako kung hindi kita nailigtas. Huwag mo sanang isipin na hindi kita mahal, anak. Mahal na mahal kita, Lira. Sandali lamang kitang nakasama. Nais ko sana na sa bawat paggising ko, nasa tabi kita, bawat araw nakikita kita, bawat araw nakakasama, nayayakap,nahahagkan at kasama kong sisilay sa bawat umaga. Patawarin mo ako, anak, sapagkat pinagkaitan kita ng isang buong pamilya. Hindi ko man batid ang mangyayari, sana makasama pa kita ng matagal..." Sukdulan ang paghihinagpis ng isang ina na walang ibang ninais kundi ang makasama ang kanyang anak.

There You'll BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon