Ang Pagsugod Sa Lireo

983 33 10
                                    

Sa bulwagan, pinaghahanda ni Amihan ang buong Sapiro Sapagkat buo na ang kanyang desisyon ukol sa pagsugod sa Lireo, kasabay ng panlalansi kina Hagorn. Ipinag-utos ni Amihan kay Aquil na pamunuan ni Abog kasama si Wantuk ang pagbabantay sa lagusan ng Sapiro upang makapaghanda sa nakaambang pagsalakay nina Hagorn.

Samantala, may isang nilalang na ang nakapag-ulat kay Hagorn na nag-iisa ang Reyna ng mga Diwata sa Kaharian ng Sapiro, at sinabing alam niya ang daan pasikut-sikot patungo sa loob nito, sapagkat sa ginawang harang ni Danaya, nahirapan na silang matunton ang daan patungo sa Sapiro. Nakatulong rin ang pagbigay ng dahilan ng nilalang upang siya ay pagkatiwalaan ni Hagorn.

Naghanda ang hukbong sandatahan ni Hagorn sa pagsalakay. Magandang pagkakataon aniya ito upang tuluyang mawala sa kanyang landas si Amihan at makuha ang brilyante nito. Naging daan ang nilalang upang madaling matunton ni Hagorn ang punong bulwagan ng Sapiro. Dinatnan ni Hagorn si Amihan sa bulwagan ng hindi namamalayan ang pagdating ni Hagorn.

"Ano't tila nag-iisa ka Amihan?" Natatawang bati ni Hagorn.

...nakaraan...

"Ipinatawag ko kayo sa kunsehong ito upang ipaalam sa inyo ang napipintong pagsugod natin sa Lireo. Patawad sapagkat biglaan ang desisyon kong ito ngunit nakatitiyak akong malalansi natin si Hagorn at matiwasay na makakapasok sa Lireo." Mahabang pahayag ni Amihan. Sa sarili'y naninindigan sa sakripisyo para sa mga encantado at encantadang mahal niya upang muling makamtan ang kapayapaan lalo pa't napakaraming suliranin ang kakaharapin.

Nakabuo na ng plano ang kampo ni Amihan. Binusisi at maayos na pinagplanuhan at inaral ng mga kawal, maging sina Ybrahim, Danaya, Aquil, Muros, at nunong Imaw. Tutol man sa gagawin ni Amihan, wala ng magawa sapagkat desidido na ang reyna sa desisyon nito.

"Ybarro, natagpuan mo na ba si Alena?" Tanong ni Danaya.

"Oo, Danaya, ngunit may galit pa rin siya sa akin. Nakiusap ako na bumalik na siya dito. Nasabi ko na rin ang napipintong pagsalakay natin sa Lireo. Umaasa akong magbabalik siya." Sagot ni Ybrahim.

"Nawa ay hindi mo pagsisihan ang ginawa mo, Ybarro. Sana'y totoo ang kanyang magiging pagbabalik." Makahulugang sambit ni Danaya, kasabay ang pagtalikod dito.

May hindi ba ako nalalaman, at gayon na lamang ang mga sinabi ni Danaya?

Naguguluhang tinungo na lamang ni Ybrahim ang kinaroroonan nina Amihan at Lira. Batid ng Prinsipe ang panganib para sa Reyna. Nais niyang pigilan ito ngunit walang sinuman ang makakabali nito lalo pa at tila naglagay na naman ito ng harang sa pagitan nilang dalawa.

Batid din sa sarili ang dahilan nito, ngunit sa para sa kanya ay nag aalala lamang siya para sa kanyang mag-ina. Dinatnan niya ang dalawa sa isang nakakaantig na kalagayan.

"Poltre anak, wala akong magawa sa ngayon upang maibalik natin ang iyong tinig, ngunit nangangako ako na darting ang araw, kapag nabawi na natin ang Lireo, hahanapan natin ito ng lunas." May pag aalala sa tinig ni Amihan,sapagkat tila hindi na gaya ng dating masayahing wangis ang kanyang anak.

"Inay, huwag po kayong mag alala sa'kin. Keri lang po 'to. Boses lng po nawala sa'kin, hindi po kayo ni itay. Saka naiintindihan ko naman po si Ashti Alena kung bakit niya—" naputol ang sasabihin ni Lira sapagkat, sumabat na sa usapan ang kanyang ama.

"Si Alena? Anong kinalaman ni Alena dito Lira?" Takang tanong ni Ybrahim kay Lira. "Amihan, Lira hindi niyo ba sasagutin ang aking katanungan? Ano't kapwa kayo tigagal?" May galit na sa tonong ito ni Ybrahim.

"Ssheda Ybarro! Huwag mong pagtaasan ng boses ang iyong mag-ina sapagkat wala silang kinalaman dito!" Sigaw ni Danaya mula sa likuran.

"Anong ibig mong sabihin Danaya?" Takang tanong ni Ybrahim.

"Si Alena, si Alena ang sisihin mo huwag si Amihan at Lira." May galit na din sa tinig ni Danaya.

"Danaya!" sigaw ni Amihan. Ngunit, huli na para pigilan ito.

"Bakit Amihan? Pagtatakpan mo na naman ba ang kabaluktutan na ginawa ni Alena at Pirena? Husto na Amihan. Ano't nananatili kang mapagkumbaba sa ating mga kapatid gayong maging buhay ng iyong anak ay kanilang nais tapusin?" Pagmamatigas sa tinig ni Danaya.

"Danaya, huwag mo sanang kalilimutan na kapatid pa rin natin sila. Umaasa pa rin ako na magbabago sila. Pinamamahayan lamang sila ng galit, ngunit alam kong may panahon na ito'y maiibsan din." Mapagkumbabang saad ni Amihan.

"Hindi ako makapaniwala Amihan na nalagay sa panganib si Lira ng dahil kay Alena." May galit sa tinig ni Ybrahim

"Saan ka patutungo Ybrahim?" Habol na tanong ni Amihan.

"Hahanapin ko lamang si Alena." Sagot nito, kasabay ang paghawak sa mukha ni Amihan. Sa isipa'y siya ay nagagalak sapagkat ang reynang itinatangi ay kalugodlugod.

"Ybrahim, huwag mo sanang kalimutan wala sa tamang pag-iisip si Alena sapagkat pinamamahayan pa rin siya ng galit. Hikayatin mo na lamang siya na bumalik dito upang sa gayon ay makadagdag pa din siya sa ating pwersa." Pagpapaalala ni Amihan.

"Masusunod, e correi... hara" May pait sa mga ngiti ni Ybrahim.

Samantala, magkasama sina Alena at Pirena sa isang kubol.

"Pirena, nais kong mabawi ang aking brilyante upang sa gayon ay maipagtanggol ko ang aking sarili at ang aking minamahal. At makatiyak akong maipaghihiganti ko ang pagkamatay ng aking anak." May galit sa tinig ni Alena.

"Ngunit, alam mong parehong wala sa atin ang ating mga brilyante kaya kailangan nating makipagkasundo sa ating mga kapatid. Alam mong madali mong malalapitan si Amihan. Alam kong alam mo ang kanyang kahinaan kaya gamitin mo siya upang maibalik sa'yo ang iyong brilyante."

Sa tabing dagat kung saan tila nag-aagam-agam si Alena. Tama nga ba ang plano nila ni Pirena?

"Alena." Rinig niya.

"Ybarro!" Sigaw niya kasabay ang pagyakap dito. "Ybarro, nangungulila ako sa ating anak."

Naghihinagpis pa rin ito. Hindi nabatid ang kanyang ginawa. Sambit ni Ybrahim. Isinantabi na lamang niya pansamantala ang pakay na kausapin itotungkol kay Lira. Dinamayan na lamang niya si Alena. At katulad ng habilin ni Amihan, mabigat man sa kanya na dahilan pa rin ito sa kapahamakan ng kanyang anak, hinikayat niya pa rin ito upang bumalik sa kaharian at iniulat ang napipintong pagsalakay sa Lireo.

"Umasa ka Ybarro, babalik ako. Ngunit nais ko munang mapag-isa." Saad ni Alena. At tila ito isang bula na nawala. At siya'y bumalik muli sa Sapiro.

Samantala nakipagkita si Alena kay Pirena upang iulat dito ang napipintong pagbawi ni Amihan sa Lireo.

There You'll BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon