Payo ng Mapagmahal na Ina

1.1K 46 13
                                    

"Magandang umaga po, inay." Nakangiting bati ni Lira sa kanyang ina.

Nang magisnan niya itong nakatitig sa kanya. Na tila kinakabisa ang bawat parte ng mukha nito. Ngunit, tila nakaramdam siya ng pagkabagabag sapagkat tila malayo ang isip ng kanyang ina. Dahilan na tila hindi nito nadinig ang kanyang pagbati.

Namumuong luha na tila anumang sandali ay babagsak na sa mga pisngi nito. Bilang anak, hindi na napigilan ang makaramdam ng awa para sa kanyang ina. Hindi na napigilang tumulo ang luha na tila may sariling isip na damayan ang kanyang ina. At kanya itong niyakap. At tila nagbalik naman sa kanyang katinuan si Amihan.

Sa ginawa ng anak ay tuluyan na niyang pinakawalan ang kanyang kinikimkim na hinagpis. Tanging si Lira na lamang ay sapat na upang ipagpatuloy niya ang kanyang buhay. Si Lira na kanyang lakas at pag asa upang lumaban para sa kinabukasan ng Encantadia. Maging ang pagpaparaya para kay Ybrahim at Alena. Dahil una pa lamang ay sila na ang nagmamahalan, sapagkat hindi man sinadya na ibigin niya si Ybrahim.

Bilang isang karaniwang diwata, noon, nangarap din siya na mahalin, magkaroon ng simple, buo at masayang pamilya. Bilang isang anak rin, masakit para sa kanya na lumaking wala ang ina, at nawala rin ang kanyang ama. Ngunit, hindi ito ang nakatakda para sa kanya, at bilang reyna, nararapat lamang na ang isip at puso niya ay para lamang sa Encantadia. Hindi niya maaring isipin ang kanyang pansarili lamang. At lalong hinigpitan ang yakap sa kanyang anak.

"Maraming salamat, Lira, aking pinakamamahal na anak. Sana'y hindi ka mawala sa akin. Ikamamatay ko ito, anak." Lumuluhang pahayag ni Amihan.

"Mahal na mahal kita, inay. Hinding-hindi po ako mawawala sa inyong tabi ni itay." Lumuluhang sagot ni Lira.

"Lira, anak, halika. Tayo ay mamasyal sa tabing dagat. Nais ko lamang tayo ay maglakadlakad. Nais ko ring makasagap ng sariwang hangin upang makalimutan ang masalimuot na pangyayaring ito dito sa Encantadia, nang sa gayon, sa ating pagbabalik ay makapag-isip tayo ng panibagong pagpaplano." Ngiting anyaya ni Amihan kay Lira.

Masayang naglalakad ang mag-ina paglabas ng kanilang silid. Hindi sinasadyang nasalubong nila si Ybrahim na patungo sana sa kanilang silid. Nais niya sanang gisingin at sunduin ang mga ito sapagkat mataas na ang araw ngunit hindi pa dumudulog sa hapag.

Nagulat siya sa nakitang tila mugtong mga mata ng kanyang mag-ina. Isang matipid na ngiti lamang ang ibinungad ni Amihan kay Ybrahim at tuluyan itong nilisan. Hahawakan sana ni Ybrahim si Amihan sa balikat nito ngunit umiwas lamang ito. Nasaktan ito sa ginawa ni Amihan, sapagkat nakaharap sa kanila si Lira na nakaawang ang labi.

Ipinagtataka ni Lira ang kalamigan ng kanyang ina sa kanyang itay. Ngunit wala syang nagawa kundi ang mapasunod sa kanyang inay.

Maghapong wala ang mag-ina, na hindi inalintana ang panganib na maaring suungin nila. At dahilan upang magkagulo ang buong kaharian sa pagkawala nila

Sa lugar kung saan nagkakasiyahan ang mag-ina, na tinatawag ni Lira na 'bonding' nilang mag-nanay, sila ay naghahabulan, naghaharutan at nagtatawanan. Isa ito sa pinakamasayang araw na nangyari sa kanila. Naisip ni Lira kung sana kasama nila ang itay nila.

"Inay, siguro napakasaya natin kung pati si itay kasama natin na nagba-bonding dito ngayon. Malayo sa gulo, sa kapahamakan, sa isipin kahit ngayong araw lamang na ito. Ngunit kailangan siya ni Ashti Alena. Inay, huwag niyo po sana mamasamain. Itatanong ko lamang po kung nasaktan po ba kayo ng malaman niyo na nagka-anak si Ashti Alena at si itay? Na-hurt po ba kayo na mas malapit si itay kay ashti?"

Napangiti na lamang si Amihan, ngunit damang-dama ang kirot sa tinuran ng kanyang anak. Na kung malalaman lamang ni Lira na ang kanyang Ashti Alena ang babaeng minamahal ng kanyang itay noong una pa lamang, baka maintindihan nito kung bakit siya nananatiling walang kibo. Kahit na sa kanyang kaibuturan ay nasasaktan siya.

"Lira, anak, sa tamang panahon, iyong maiintindihan ang lahat ng ito. Kung anuman ang nakikita at nararamdaman mo, sana, anak, maging malakas ka. Isipin mo ang iyong buong nasasakupan higit pa sa iyong sarili. Na kung maaari lamang ay isakripisyo mo maging ang iyong sariling kaligayahan. At handang manganib ang sariling buhay para sa kaligtasan ng nakararami. Ngunit minsan, hindi rin masamang sumunod sa nais ng iba, huwag lamang mapahamak ang mga mahal mo sa buhay." Mahabang pahayag ni Amihan, dalangin na sana ay isapuso ng kanyang anak.

"Opo inay, hinding-hindi ko po makakalimutan ang lahat ng iyong mga pangaral. Palagi ko po itong isasabuhay, lalo na inay, andami niyo na po pala talagang sakripisyong nagawa. Pero inay, gaya ng sinabi ko sa inyo, dati gusto ko sana yung boyfriend ko talaga sakin lang (insert kindat at big smile). Ayoko po kasing maging kumplikado, na gusto ko kaya ko isigaw sa buong universe na siya ang mahal ko. Pero anyways inay, kung gayun naman ang magiging kapalaran ko bilang susunod na reyna, kayo po ang magiging idol ko. Isasaalang-alang ko po lahat ng sinabi niyo po sa akin." Mahabang sagot ni Lira sabay yakap sa ina.

Sa kanilang kasiyahang nadarama, hindi na namalayan ang paglubog ng araw. At napagpasyahan na nilang bumalik sa kaharian. Ngunit sa kanilang pagbabalik, isang galit na Ybrahim ang kanilang nadatnan sa kanilang silid. Hindi na nila nais pang makaistorbo sapagkat may kalaliman na rin ang gabi, kung kaya't dito na sila dumiretso. At bukas na lamang magpaliwanag sa mga kasamahan na batid nilang labis-labis na ang pag aalala.

"Lira, maaari mo ba kaming iwan muna ng iyong ina?" Bungad ni Ybrahim sa kanyang mag-ina.

"Lira, maari bang tumungo ka sa iyong Ashti Danaya, at ipabatid mo na tayo ay nakabalik na dito." Utos ng kanyang ina.

Yumakap at humalik muna sa kanyang ama bago tumango si Lira, at nagpaalam sa ama at ina. At naguguluhang lumabas ng silid at tinungo ang silid ng kanyang Ashti Danaya.

"At sa inyong palagay ba ay tama ang inyong ginawang pag-alis dito ng hindi nagpapaalam? Batid ko ang iyong pananahimik Amihan, ngunit hindi tamang umalis kayo ng wala man lang nakakaalam ng inyong patutunguhan. Amihan, may suliranin pa ako kay Alena, ayoko na pati kayo ni Lira ay dumagdag pa sa aking suliranin. Sana man lang nagsabi kayo kung saan kayo patungo upang hindi na magkagulo ang lahat dito sa paghahanap kung nasaan kayo."

"Patawad Ybrahim, kung sa tingin mo ay suliranin pa kami ni Lira sa iyo. Hayaan mo, hindi na ito mauulit pa. Hindi ko hahayaang maging suliranin mo pa kami ni Lira, pagkat alam ko na nakakabigat na kami dito." May himig pagtatampo sa tinuran ni Amihan.

Nakaramdam ng pagkahabag si Ybrahim sa tinuran ni Amihan, at nagsisi sa kanyang nasabi. Nilapitan niya ito, at akmang hahawakan sa balikat ngunit iniwasan siya nito.

"Ybrahim, nais na namin ni Lira magpahinga. Tatawagin ko muna siya sa silid ni Danaya." Walang emosyong turan ni Amihan. At tuluyan ng naglaho.

Dahilan upang makaramdam ng sakit ng kalooban si Ybrahim. Iniiwasan ba siyang muli ni Amihan? Bakit ganito ang nararamdaman niya? Ngunit si Alena, nasa tabi niya lamang. Bakit nangungulila sya kay Amihan? Bakit tila siya nakakaramdam ng takot sa paglayo ng kalooban nito?

.

.

.

Tuluyan na bang ilalayo ni Amihan ang kanyang sarili kay Ybrahim, at parayain ito upang maging masaya si Alena. Ngunit bakit tila hindi nagpaparamdam si Pirena?

There You'll BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon