Bugso ng damdamin ng isang ina, hindi napigilan ang sarili na magtungo sa ninunong si Cassiopea.
"Mata, anong maari kong gawin upang makasama kong muli si Lira? Hindi ba't siya ang itinakda ng Bathalang Emre upang maging tagapagligtas ng Encantadia? Ngunit, bakit ipinahintulot niya itong mangyari kay Lira?" May pait sa tinig ni Amihan.
"Patawarin mo ako Amihan, ngunit huli na para baguhin ko ang kapalaran ni Kahlil. Wala na akong magagawa pa doon. Ngunit, may isa pang paraan para mabuhay muli si Lira. Iyon ay ang gintong binhi ng mga Mulawin. Halika't sumama ka sa akin. Tutungo tayo sa Lavenea upang kunin ang gintong binhi ng buhay. Magmadali ka Amihan."
Hindi na nag-aksaya sina Amihan na kunin ang gintong binhi. Gagawin niya ang lahat para sa anak. Dumaan man siya sa pagsubok upang makuha ang binhi, hindi niya ito inalintana.
Samantala'y sa Sapiro kung saan nagkakagulo ang mga diwata at mga Sapiryan dahil sa pagkawala ng Reyna.
"Aquil, nakita mo na ba si Amihan?" Tanong ni danaya.
"Hindi pa, Sangre Danaya. Tumutulong na ang lahat upang hanapin si Hara Amihan."
"Danaya, Aquil, nakita niyo na ba si Amihan?" Nag-aalala na si Ybrahim pagkat may sugat na natamo ang kanyang mahal na hara.
SA KABILANG banda, nakuha na ni Cassiopea at Amihan ang gintong binhi at hindi na nag-aksaya pa na makabalik sa Sapiro upang mabuhay na muli si Lira. At sa muling paglitaw ni Amihan na ikinagulat ng lahat, dala ang natitirang pag asa para sa minamahal na anak. Pagkatapos mabigay ang gintong binhi.
"Amihan, saan ka nanggaling? Nag-alala ang lahat sa iyo. Nawala na nga si Lira, pati ba naman ikaw? May sugat kang natamo, kaya huwag mo naman sana kami balewalain. Anak ko rin si Lira at may responsibilidad ako sa ating anak. Huwag mo naman akuin ang lahat." May sama ng loob sa himig ni Ybrahim.
Hinawakan na lamang ni Amihan ang mukha ni Ybrahim, habang masaganang pumapatak ang kanyang mga luha, sa sarili sinasabi. "Kung malalaman mo lamang sana ang kapalaran ni Lira sa kamay ng iyong anak na si Kahlil, hindi ko na mababatid pa ang mga mangyayari Ybrahim. Masakit ito sa akin ngunit batid ko ang iyong magiging paghihirap pagkat, bilang isang ama, hindi mo nanaisin pa ang malaman ang lahat ng ito."
Nagmulat ang mga mata ni Lira, dahilan upang ikagulat ng lahat.
"Inay..." Sabay yakap sa kanyang inang hilam sa luha at tila nanghihina na. "Maraming salamat inay."
At tuluyang nagyakap ang mag ina. Dala ng galak at pagkagulat ng lahat hindi na inalintana ang unti unting panghihina ni Amihan.
"Lira, anak..." At tuluyan nang bumigay at nawalan ng malay si Amihan.
"Amihan!" Dali-daling sinalo ni Ybrahim ang nawalang malay na si Amihan, at pinagaling ito Danaya.
"Hindi pa ito ang nakatakdang kapalaran ni Lira. Ngunit, mag iingat ka sapagkat hindi pa rin nababago ang kapalaran ni Kahlil na siyang muling magtatangka sa buhay ni Lira. Pakaingatan ninyo sana si Lira." Muling babala ni Cassiopea sa nahihimbing na reyna.
Narinig ito ni Danaya, na tila hindi makapaniwala sa kapalaran ng kanyang hadiang si Kahlil. Bakit tila mapaglaro ang tadhana para sa kanyang dalawang hadia? Hindi mapigilang tanong sa sarili kung ito ba'y sumpa. Ngunit, anong klaseng sumpa?
Walang mapagsidlan ang kasiyahan sa mukha ni Ybrahim. Nagpapasalamat siya sapagkat buhay ang kanyang mag-ina. 'Hindi na siya muli pang papayag na masaktan silang muli, at magbabayad ang mga taong gumawa nito sa kanila.' Wari niya sa sarili habang pinagmamasdan ang dalawa na magkayakap, hindi alintana ang nagbabadyang kapahamakan sa kanyang mag ina.
Muling nanumbalik ang kasiyahan sa Sapiro sa muling pagkabuhay ni Lira, ngunit may isang ina ang hindi mapalagay sa magiging kapalaran ng kanyang anak na sa anumang sandali ay maaring maulit itong muli hanggat buhay si Kahlil.
'Hanggang kailan ang mga paghihirap na ito, kailan na kaya ang araw na muling makakamit nila ang kapayapaan sa buong Encantadia.'
Sa kabilang banda habang ginagamot ni Alena ang kanyang nasugatang anak...
BINABASA MO ANG
There You'll Be
FanfictionSa gitna ng unos at pagsubok, magkasama nilang haharapin ang mga ito dahil isa silang pamilya. Written by: ColdHeart DISCLAIMER: Characters and setting is owned and of EncaTeam and GMA. Most of the scene ay ginagawa kong inspiration, though some sce...