'Napakasama nila. Wala silang karapatang saktan ang aking anak. Pagbabayaran nila ang lahat ng ito ' Piping sambit ng isang ina na tila bulag na sa katotohanan.
'Ako si Kahlil, anak ni Alena at Ybarro.' Tanging iyon na lamang ang kayang sambitin ng kanyang anak, na kahabag-habag sa puso niya.
Gumulantang sa kanyang pandinig ang huling tinuran nito. 'Ako si Kahlil, at ako ang papaslang kay Lira.' At tila nawala sa kanyang sarili. Bakit nga ba ito ang salitang namumutawi ngayon sa kanyang anak? Ano ang dahilan ng lahat ng ito?
Upang magabayan ang anak, hindi nya nais na mawalay pa ito. Ngunit tila mapaglaro ang tadhana. 'Mapaglaro nga ba o sumpang nakatadhana...'
.
Sa kuta ng mga mandirigma...
Isang pasya ang nabuo sa kanyang isipan. "Anak, kumusta ang iyong pakiramdam?" May halong pangamba pa ring tanong niya rito.
"Maayos naman po ako, inay. Maraming salamat po sa pagliligtas niyo sa akin. Inay, napakarami na pong pangyayari dito sa Encantadia. Natatakot po ako sa mga susunod pang mangyayari. May halaga nga po ba ako dito sa Encantadia? Hindi nga kaya ako ang dahilan ng kaguluhan na ito. Inay, buhay ko ba ang kabayaran upang tuluyan nang maging mapayapa ang Encantadia at maibsan ang galit ni Ashti Alena? Simula ng pagkadating ko dito, akala ko makakasama at mayayakap ko na kayo ni itay. Hindi pala ganun kadali ang lahat. Bakit parang silang lahat gusto ako mapaslang?"
Hindi malaman ang magiging reaksyon at hindi alam kung papaano palulubagin ang naghihinanakit at nasasaktang kalooban ng anak. Piping panalangin na sana'y siya na lamang ang makaramdam ng dinaramdam ng anak.
Sa labas ng kubol, hindi sadyang marinig ni Ybrahim ang tinuran ng kanyang anak. At tumusok sa kanyang puso ang tila bangungot na karanasan. Nakakaawa ang sinapit ng kanyang anak. Totoo ngang halos lahat ay nais itong patayin. Bilang mga magulang, kumirot ang kanilang puso sa anak na matagal na nawalay at muli ngang nakabalik ngunit nakabuwis ang buhay. Walang ibang pinangarap kundi ang maibigay ang payapa, buo at simpleng buhay. Sa kaibuturan ng kanilang puso, kapayapaan para sa kinabukasan ng kanilang anak ang kanilang pinapangarap, kaakibat man ang sakripisyo para sa buong Encantadia.
"Lira, gusto mo bang lumayo?" Wala ng alinlangang pagtatanong ni Amihan sa anak. Na ikinagimbal ni Ybrahim, kung kaya't sa pagkabigla, ay bigla na lamang itong pumasok sa kubol at hindi na napigilan ang sarili na magtanong sa tonong may sama ng loob.
"Anak ko rin si Lira, Amihan. Ngunit, anong iyong plano na aalis kayo? Hindi ako makapapayag na lumayo kayo, Amihan. Hinding-hindi ako makakapayag na wala kayo sa aking tabi. Ngayon pa't anumang sandali ay maaaring may mangyaring masama sa inyo." May galit sa tinig ni Ybrahim.
"Nakapagpasya na ako, Ybrahim. Ilalayo ko si Lira sapagkat anumang sandali ay maaring maulit muli ang nangyari sa kanya, lalo pa't hindi lamang si Hagorn ang nais pumaslang sa kanya. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko at lalong-lalo na ang mga taong nais pumaslang kay Lira."
"Hindi, Amihan. Dito lamang kayo kasama ko. Ako mismo ang papatay sa sinumang magbanta sa buhay ng ating si Lira huwag niyo lamang akong iwan. Hindi ko kakayanin na isa sa inyo ang may mangyaring masama na wala ako sa inyong tabi. Amihan, batid ko ang iyong takot para sa ating anak, at bilang isang ama, handa akong gawin ang lahat na maging buhay ko, isasakripisyo ko para sa inyo."
Ngunit, sa kanyang isipan. 'Ybrahim, paano nga ba kung iyong malalaman na ang iyong sariling dugo ang mismong magpapadanak ng sarili mo ring dugo? Hindi ko rin kakayanin ang sakripisyo mong ito. Handa akong isakripisyo ang sariling kaligayahan para sa iyo at sa ating anak, maging sa aking kapatid. Patawarin mo ako mahal kong Ybrahim...'
A/N: Ano nga ba ang balak ni Reyna Amihan? Mapigilankaya siya ni Ybrahim? At paano kung malaman nito na mismong si Kahlil angpapaslang kay Lira?
BINABASA MO ANG
There You'll Be
FanfictionSa gitna ng unos at pagsubok, magkasama nilang haharapin ang mga ito dahil isa silang pamilya. Written by: ColdHeart DISCLAIMER: Characters and setting is owned and of EncaTeam and GMA. Most of the scene ay ginagawa kong inspiration, though some sce...