Muling Pagbawi sa Lireo

1.6K 32 18
                                    

"Pagsisisihan ito ng mga Diwata, sapagkat hindi ko sila patatahimikin. Katatakutan nila ang pagdating ng sandaling maayos muli ang kalagayan, pati na si Lila Sari." May poot sa himig ni Hagorn.

.

Samantala sa Lireo, masaya ang mga diwata sapagkat muli na nilang nabawi ang Lireo sa kamay ni Hagorn. At tila hindi nagustuhan ang gayak ng palasyo. At ang tronong dapat ay sa Reyna lamang ano't may kapilyahan na naman sa isipan ni Danaya.

"Muli na nating nabawi ang Lireo Danaya. Avisala eshma sa inyong tagumpay." Masayang pahayag ni Amihan.

"Amihan, ito rin ay dahil sa iyong mahusay na pagpaplano. Nalansi natin si Hagorn nang hindi ito namamalayan."

"Ngunit Danaya, hindi ko yata nais ang tronong ito, hindi ito nababagay sa gayak ng palasyo." At kinindatan na si Danaya.

"Ako na ang bahala Amihan." Sagot ni Danaya.

"Wow, Inay kita mo nga naman oohhh, nabawi niyo na po ulit ang Lireo. Ibig sabihin 'nay dito na tayo titira? Woooo sa wakas inay! Pero Inay, di ba kay itay din 'yung Sapiro? Paano yan inay dalawa ang ating kaharian? Isa sa'yo at isa kay Itay.. ay!!!! Ang sosyal naman, kaso inay saan tayo titira nila itay? Dito o sa Sapiro? Ang hirap nmn noon inay. Reyna ka tapos Prinsipe naman si itay, e di magkahiwalay kayo ng kaharian? Ehh inay paano na yan? Magkakalayo na tayo nila itay?" Mahabang litanya ng makulit na si Lira. Na narinig naman ng kanyang ama.

"Anak, bilang Reyna ng Lireo wala akong dapat panuluyan kundi ang Lireo lamang, ikaw at ang Lireo lamang ang dapat ay aking unahin. Kung iyong nais, maari mong dalawin ang iyong ama sa Sapiro. Hindi ko ito ipagbabawal sa iyo anak, sapagkat ayokong mangulila ka sa iyong ama." Mahabang sagot ni Amihan. Na dahilan upang kumirot sa puso ni Ybrahim.

"Amihan!" Kasabay ang pagyakap sa kanyang anak, kunwa mang hindi narinig ang usapan ng kanyang mag-ina. Binati na lamang niya ito. "Nais ko sanang magpaalam sapagkat babalik na ako sa Sapiro. Naiwan doon ang aking mga tauhan at kawal na walang pinuno. Babalik na lamang ako bukas kapag naiayos ko na ang kaharian." May lungkot na mababakas sa tinuran ng prinsipe.

"Sasama ako kay Ybarro, Amihan! Nais kong tumulong sa pagtaguyod niya sa Sapiro." Singit ni Alena.

"Kung gayon, ikaw na rin Alena ang manguna upang pangasiwaan ang pagbalik dito ng natitirang diwata, dama at mga kawal na nasa Sapiro. Binabasbasan ko kayong dalawa na maitaguyod niyo ng may kapayapaan ang Sapiro." Hindi batid ang lungkot sa tinig ni Amihan. "Poltre. Ako muna'y magmamanman at magpapahangin."

Nagtungo sa azotea si Amihan at sinundan ito ni Ybrahim, doo'y malayang pinaagos ang luha na tila kanina pa nais humulagpos. Luhang nagbigay lungkot sa kanya. Sa isipa'y lungkot na tila mangungulilang makita ang Prinsipeng nais na sa t'wina'y masilayan, ang tinig na nais lamang ng pandinig at mga haplos na tila nakakapagpawala ng kanyang mabigat na saloobin. Ngunit kasama na nito ang pinakamamahal nitong si Alena. Hindi nais ang ito'y saktang muli sapagkat muli itong bumalik sa kanila, hindi man sa Lireo ngunit batid na ito'y magbabalik. Gaano man kasakit ang dalahin sa kanyang dibdib, piping panalangin na sana'y maging masaya ang kanyang kapatid at ang pinakamamahal nitong si Ybrahim.

"Mahal kong reyna, may nais lamang akong sabihin sa'yo." Bungad ni Ybrahim.

"Ybrahim, ano't nandito ka pa? Akala ko'y nakaalis na kayo ni Alena?" Kasabay ng pagpahid ng kanyang masaganang luha na hindi mapigil na dumaloy sa magkabilang pisngi nito.

"Nais ko sanang ika'y batiin sa matagumpay mong pagbawi sa Lireo. Ayoko man isipin na tuluyan ka ng mapapalayo sa akin, ngunit Amihan huwag mo naman sanang ipagkait sa akin ang dalawin ka dito sa Lireo, pati na ang ating anak. Amihan, batid ko ang muling pag-iwas mo. May nais akong sabihin sa'yo. Nasa Sapiro man ako, lagi mo lamang iisipin na nasa tabi mo lamang ako. Anumang oras na kailanganin mo, hindi ako magdadalawang isip na damayan ka at maging sandalan mo. Hindi ako magkukulang sa inyo ng ating anak, palagi ako sa tabi mo, magkalayo man tayo, Amihan, hindi ito magiging dahilan upang ika'y aking kalimutan. Tandaan mo iyan Amihan." Mahabang pahayag ni Ybrahim.

Kasabay ang pagyakap nito kay Amihan, dahilan upang hindi na mapigilan pa ni Amihan ang masaganang daloy ng kanyang mga luha, pakiramdam na ngayon pa lamang ay nangungulila na siya sa bisig ng pinakamamahal na prinsipe.

Hinawakan ni Ybrahim ang kamay ni Amihan, at lumuhod hinalikan ito ng pagkatagal-tagal. "Ybrahim, si Alena... si Alena ang piliin mo, hindi ko nais pigilan ka na gawin ang responsibilidad mo bilang ama ni Lira, ngunit wala kang responsibilidad sa akin, sapagkat si Lira lamang ang nagtatali sa atin. Hindi ko nais masaktan ang aking kapatid. Hindi ko nais agawin ang kanyang kaligayahan. Handa akong ibigay ang lahat para sa aking mga kapatid maging kapalit man nito ay ang aking buhay, hindi ko ito ipagkakait. Pakaingatan mo si Alena, Ybrahim, Mahalin mo siya at alagaan nang sa gayon, hindi mo na kailangang pahirapan ang iyong sarili sa akin. Hangad ko ang inyong kaligayahan. Baunin mo ang aking basbas. Ako ay para sa Lireo at kay Lira lamang."

Sa narinig ni Ybrahim, isang katanungan sa kanyang sarili ang nais nyang hingan ng kasagutan. Kaya nga ba niya ang tuluyang layuan si Amihan, ang diwatang nagbigay ng pangalawang buhay sa kanya, ang buhay na nagkaroon ng sigla, buhay na nagkaroon ng dahilan upang pahalagahan ito? Mga pangarap at matutuhang gampanan bilang isang mahusay na pinuno ang responsibilidad at tungkulin na nakaatang sa kanya at matutuhang unahin ang kapakanan ng nakararami higit sa sarili man niya?

Hindi sinadyang marinig ito lahat ni Alena, dahilan upang hindi na din mapigilan ang kanyang mga luha. Ano't tila totoo ngang nagkakamabutihan na nga si Amihan at si Ybarro. Bakit ganito ang kanyang pakiramdam? Dapat sanay magalit siya ngayon sa harap ng dalawa. Ngunit sa kanyang narinig ano't tila wala siyang karapatang pigilan ang mga ito. Ngunit...

"Ybarro? Amihan?" Pinaglipatlipat nito ang kanyang mga mata. Tawag na lamang ni Alena, sapagkat walang salitang mamutawi sa kanyang bibig. Kundi makikita na lamang sa kanyang mata ang pighati.

Nagulat si Ybrahim, kung kaya't unti-unti nitong binitawan ang kamay ni Amihan. At tumingin sa gawi ni Alena, at ibinalik ang tingin kay Amihan, nais sanang pahirin ang mga luhang naglalandas sa magkabilang pisngi nito, ngunit batid niyang iiwas lamang ito. Sagkat mas nanaisin nitong si Alena ang kanyang lapitan.

Nilapitan niya si Alena. Masakit para sa kanya ang nangyayaring ito. Walang duda na minahal niya noon si Alena, ngunit sa panahong inakala niyang patay na ito at unti-unting mahulog ang loob kay Amihan na hindi na niya mapigilan, napakasakit na wala siyang magawa upang ipaglaban ang pag-ibig na sa kanila ay namamagitan.

Mapaglaro nga ba ang tadhana? Sapagkat sa magkapatid na sang'gre pa umikot ang kapalaran niya sa pag-ibig? Walang nagawa si Ybrahim kundi ang linguning may pait ang Reynang sa kanya'y umakit sa katapangang taglay na tila umukit at ngayo'y nakapagkit na sa kanyang isip.

Humawak na ito sa balikat ni Alena, kapwa walang imik, kapwa nakikiramdam at kapwa dumidistansya. Sa isipa'y handa nga ba siyang muling painitin ang nanlamig na pag-ibig?

.

Batid ni Alena ang malamig na pakikitungo ni Ybrahim sa kanya, kung kaya't iwinaksi na lamang niya ito. Marahil ay may ginagawa lamang ito. Ngunit habang tumatagal ano't tila isa lamang siyang dama nito? Na tila hindi siya si Alena na babaeng sinasabing mahal nito? Napagdesisyonan na lamang na siya ay lilisan na sa Sapiro. Ngunit pinigilan ito ni Ybrahim.

"Alena saan ka patutungo?" Takang tanong ni Ybrahim.

"Marahil ay hindi mo na ako kailangan dito, Ybarro. Hindi mo ako pansin sapagkat pakiramdam ko hindi mo naman ako nakikita." May pagdaramdam sa tinig ni Alena.

"Patawad Alena, ngunit huwag kang umalis kailangan kita, kailangan ka ng Sapiro. Nais ko sanang tulungan mo ako na muli nating ibalik ang init ng pagmamahal na mayron tayo noon, pagmamahal na naramdaman ko noon sa'yo Alena. Patawarin mo ako ngunit kailangan kita sa tabi ko upang muling manumbalik ang pagmamahal na mayroon ako para sa'yo." Pagsusumamo ni Ybrahim. Kapwa umaasa na muling maibabalik sa isa't isa ang pagmamahalang kasing init ng tag-araw sa umaga, at walang kahati.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

There You'll BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon