"Rehav Ybrahim, sa ngayon ay si Lila Sari na lamang ang naiwan sa Lireo. Sapagkat sa mga sandaling ito nakatitiyak ako na nakarating na sa Sapiro sina Hagorn at ang isang hukbong sandatahan nito. Nakapag-ulat na din sina Abog at Wantuk kay Reyna Amihan na anumang sandali ay naroon na si Hagorn upang makapaghanda ito. Nagbigay ng hudyat ang Reyna sa kampo nina Danaya at Aquil upang manguna sa pagsugod sa Lireo." Ang mahabang salaysay ni Muros kay Ybrahim, upang sa gayon makapaghanda na rin ito sa pagsugod sa Lireo.
"Avisala Eshma Muros, ngunit nais ko pa rin na mag-iwan ng kawal na siyang magmanman sa Sapiro, ano't anuman ang mangyari may isang makapaghahatid ng mga kaganapan dito. Sapagkat ako ay nag-aalala sa ating Reyna at aking anak, nag-iisa lamang siya." Mahabang pahayag ni Ybrahim.
Hindi man nya nais ang desisyong ito ni Amihan, ngunit wala siyang magagawa sapagkat utos ito ng kanyang Hara. Marapat na lamang na siya ay sumunod, dalangin kay Bathalang Emre nawa ay patnubayan ang diwatang kanyang iniibig.
Samantala, nakapasok na ang unang hukbong sandatahan nina Danaya, hindi man naging madali ang magapi ang kanilang mga kalaban, ngunit ipinagtataka na bakit tila kasabay nilang lumalaban si Lila Sari upang magapi ang mga kalaban.
"Diwataaa!" Ang sigaw ni Lila Sari sa gawi ni Danaya. Dahilan upang matanto ang balak ng kalaban.
"Avisala eshma, Lila Sari. Ngunit ano ang iyong dahilan bakit ka nakikipaglaban gayong ikaw ay asawa ni Hagorn? Bakit mo ito ginagawa?"
"Hindi ibig sabihin nito ay nakikianib na ako sa inyong mga diwata, sapagkat nakaririmarim na ang kasamaan ni Hagorn. Hindi ko na ito masikmura, at nais ko ng mawala siya sa aking landas, sapagkat ayoko magaya sa kanya ang aming magiging anak." Mahabang sagot ni Lila Sarri.
"Gayun pa man avisala eshma. Mag-iingat ka sapagkat may buhay na pumipintig sa iyong sinapupunan." Sagot ni Danaya.
Sumang-ayon na lamang si Lila Sari, at pagkatapos nito nagtungo siya sa lugar kung saan naroroon ang mga sandata upang makatiyak sa kanyang kaligtasan. Nagbigay naman ng hudyat si Danaya na maari nang pumasok ang kampo ni Ybrahim upang lipulin na lamang ang mga natitirang hathor.
.
Samantala, Sa Kaharian ng Sapiro,
"Ano't tila nag-iisa ka Amihan? "Natatawang bati ni Hagorn. Lihim na napangisi na lamang si Amihan, sapagkat tila nagtagumpay sila upang lansiin ito patungong Sapiro. At upang makatiyak na hindi ito makaramdam ng tila kakaiba, nakiayon na lamang siya dito.
Sa mukha ay ang tila nabiglang Amihan ito, animo'y may hinahanap pagkat palinga-linga ito sa paligid at may pag-aalalang wangis. Ngunit palihim ang isang pagbibigay hudyat. Maagap na nakuha ito ni Lira, upang sunduin ang ama at ang kanyang Ashti Danaya sa Lireo. Inilabas ni Amihan ang kanyang Brilyante, dahilan upang pagtawanan siya ni Hagorn.
"Amihan, Amihan, nagpapatawa ka ba? Alam mong walang laban ang nag-iisa mong brilyante sa hawak kong brilyante. Ano't tila yata iniwan ka ng iyong mga kasama dahil lamang sa pangangalap ng inyong makakain? Upang mangalap ng inyong mga sandata? Ha! Ha! Ha!" May pangungutya sa himig ni Hagorn. Kasabay ang paglabas ng tatlong brilyante nito.
"Maari ngang tama ka, Hagorn. Matalo man ako ng tatlong brilyanteng hawak mo ngunit nakasisiguro ka ba na hindi ko napaghandaan ang iyong paglusob na ito?" Ipinakita ang ngiting may panunuya ni Amihan. Kasabay ang paglabas ng pinagsamang mga kawal ng Lireo at Sapiro. At ang paglapit kay Amihan ng nilalang na naghatid ng balita kay Hagorn. Na siyang ikinagulat nito sapagkat hindi nabatid na siya'y nalansi ni Amihan. "Hagorn, alam mo ba na sa mga sandaling ito ay naroroon na ang aking kaptid at sina Ybrahim upang sakupin muli ang Lireo, samantalang ikaw 'y naririto at nakikipagtalastasan lamang ng isang walang kwentang bagay? Nakasisiguro ako na ngayon ay natalo na ang iyong mga kasapi, at maging ang iyong asawa." Muling panunuya ni Amihan, na ikinagalit ni Hagorn.
BINABASA MO ANG
There You'll Be
FanfictionSa gitna ng unos at pagsubok, magkasama nilang haharapin ang mga ito dahil isa silang pamilya. Written by: ColdHeart DISCLAIMER: Characters and setting is owned and of EncaTeam and GMA. Most of the scene ay ginagawa kong inspiration, though some sce...