Prologue

728 20 1
                                    

Author's Note: Una sa lahat, ang story na to ay naka set sa Joseon Era kung san uso yung mga Prince, King, Princess, Mga shaman ganun ganun. Kaya wag na kayo magtataka kapag masayadong deep yung mga salita nila. Tsaka filipina si Ariane yung lugar na napuntahan niya Old Korea kaya imaginin niyo nalang na nagkakaintindihan sila.

Medyo nag research din ako kaya yung ibang pangalan ng hari at reyna dito pati mga prinsipe galing sa totoong history. Pero pure fiction lang to hindi ganito yung nangyare sa Joseon Era na pinamumunuan ni Emperor Gwangmu. Lol.

So yun na nga binriefing ko lang kayo ng onti para wala nang tanong tanong. LOL.







****************************************



Ariane's POV

Minsan ba napapaisip ka kapag mag isa ka lang? Kung san ba talaga galing yung mga tao, kung sa unggoy ba o sa clay o iniluwal lang talaga ni God? Tapos kung me ancestor kaba talaga, yung ganun? Pero in the end wala namang kahahantungan yung pagiisip mo kasi di mo rin masasagot. So, para san pa pala tong pagaaral ko ng History? Ugh.

"Ariane, pinapatawag ka ni Sir Jonas, tulungan mo daw siya sa pag chcheck ng thesis na gawa ng mga high school student." Tinanguan ko nalang si Lyka, classmate ko siya sa isang subject at ngayon magkaparehas kaming member ng history club. Dapat di ako dito eh, dapat nasa Medicine Building ako. Haay.

Tumayo nalang ako at dinala yung sarili ko papunta sa faculty. Dun ko naabutan ang kuya kong si Jonas na nangangamot ng ulo.

"Bakit ka kasi nag teacher?" Tanong ko. Nagulat pa siya pero agad siyang nakarecover. History teacher ang kuya ko. Actually, madami sa family ang mga historians, si Mom, Aunt at Uncle Terry eh mga Geologists, Samantalang sa side naman ni Dad eh mga Medicine Professionals. Ewan ko ba kela Mom kung bakit trip nilang maghukay ng mga buto buto nang mga 100 years nang nakabaon. Yung bahay din namin mukha nang haunted house sa dami ng antique na gamit. Hindi ko rin alam kung bakit ako pumayag na mag take ng Major in History? Hindi ko na maalala.

Umupo ako sa tabi ni Kuya.

"Kelangan matapos ko to bukas, hindi ko alam kung bakit ang dami kong mga estudyante."

"Eh, may kapalit kapag tumulong ako." Nilingon niya ko habang nakakunot ang noo. HIndi paba siya sanay na may hinihingi ako laging kapalit? Lol.

"Haay, kelangan talaga palaging me bayad kapag hihingi ng tulong sayo?"

Nagisip ako ng magandang kapalit, lately naiinggit ako sa mga classmate ko na nakakapag hiking, gusto ko rin matry yun kaso wala akong time na maghanap ng magandang bundok or magandang trail o kaya mga hiking groups, kaya di ko maharap.

Hiking package nalang!

"Maliit lang hihingin ko sayo ngayon kuya, how about a hiking package?"

"HIking?" Iniabot niya na sakin yung mga papel na checheckan ko.

"Yup."

"Meron nagbigay sakin ng pass sa isang gathering para sa hiking event, ang balita ko pupunta ata sila sa Moon's Peak. Gusto mo ba dun?" Moon's Peak?


"Ano yun?"


"Eh, wag mo nang kunin yun kung di mo alam kung san."


"Eh! Sige na, kahit san pa yan. me makakasama ba kong group?" Tumango si Kuya.


"Oo, group na nagbigay sakin nung pass. Pwede ko naman daw ibigay kahit kanino yun, buti nalang at yun ang trip mo ngayon. Dati trip to Boracay!" Natawa nalang ako.


"Sige, pwede na yun."

"Go ka sa Moon's Peak?"

"Yup,"


"Okay, nga pala may legend yun. Dun daw nagkikita yung magjowang taga ibang mundong." Alam kong tinatakot lang ako ni Kuya kaya hindi ako nagpatalo. Nagkibit balikat nalang ako at nagstart ng mag check.


"Kelan nga pala yung gathering na yun kuya?" Tanong ko.


"Next week na, date na lalabas yung meteor shower at full moon ng sabay."


Parang nagningning yung mga mata ko s anarinig ko. Excited na ko!




(End of prologue.)

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon