Chapter 13

131 7 2
                                    

Ariane's POV

Pasimple kong sinilip yung kulungan ng mga alipin nung tanghali para bigyan ng pagkain si Choi. Nung nakita kong umalis saglit yung bantay agad akong tumakbo papasok, naabutan ko siya na natutulog. "Choi." Bulong ko. Pumulot ako ng maliit na bato at inihagis sa kanya para magising siya.

Pagbangon niya agad siyang lumapit sakin. "Mahal na Prinsesa, bakit nandito na naman kayo? Baka makita po kayo ng mga kawal."

Nginitian ko lang siya." Ayos lang ako Choi, eto nga pala dinalhan kita ng makakain." Iniabot ko sa kanya yung nakabalot na tinapay at isang bote ng  tubig. Tiningnan niya muna ko bago niya tinaggap yung binibigay ko.

"Bakit niyo po ito ginagawa prinsesa?" Tanong niya.

"Isipin mo nalang na dahil ikaw ang nagaasikaso sakin dati, ako naman ang babawi ngayon." Napaluha siya habang kinakain yung tinapay.

"Salamat, kung ito na ang huli kong kain isang malaking karangalan na ibinigay ito ng prinsesa, swerte sa inyo ang kamhalang Yeongchin."

"Wag kang magsalita ng ganyan Choi. HIndi ito ang huli mong kain, tutulungan ka namin ni Sunjong."

Binitawan niya yung hawak niyang tinapay at hinawakan niya yung kamay ko.

Gagawin namin ni Sunjong ang lahat para mailigtas ka Choi.

Bago pa ko makabalik sa kwarto ko hinarang na ko ng eunuch ni Yeong, di nagtagal lumabas siya mula sa likod ng isang puno. Nginitian niya ko, hindi ba siya magagalit na hindi ako si Jisoo? Napayuko ako dahil sa hiya.

Pinaalis niya yung eunuch niya. "Matagal ko ng nararamdaman na hindi ikaw si Jisoo, kilala ko siya ng mabuti. Sobrang magkahawig kayo pero magkaibang magkaiba kayo ng ugali. Hindi ko alam ang rason kung bakit mo ito nagawa pero sana hindi mo to ginagawa para sa masama."

"Patawarin mo ko Yeong, naging mabuti ka sakin pero eto lang sinukli ko sayo. Patawarin mo ko." Gusto ko ng lumuha pero lumapit siya at niyakap niya ko.

"Mabuti kang tao. Sana balang araw masabi mo sakin kung anong nangyare at ginawa mo to."

"Hmm. Sasabihin ko kapag handa na ko."

Pinunasan niya yung luhang nangilid sa mga mata ko. Napatingin naman ako sa likod ni Yeong, nandun si Sunjong na nakatingin lang samin.

Wala siyang reaksyon pero napalayo ako bigla kay Yeong. Hindi naman siya nagtaka.

Ano bang nangyayare Ariane? Bat natatakot ka kay Sunjong?

"Uhm, mauna na ko Yeong, may kelangan kang akong asikasuhin." Tinanguan lang niya ko. Naglakad na ko para habulin si Sunjong sa pupuntahan niya, naabutan ko siyang papasok sa kwarto ng hari. Napahinto ako.

Ano kayang gagawin niya dun?

Sunjong's POV.

"Kamahalan, nais ko po sanang gumawa ng pag iimbestiga ukol sa nangyaring insidenteng panglalason sa ating inang reyna." Napalingon sakin ang mga opisyal na kasama ng aking ama. HIndi ata sila makapaniwala na may interes ako sa nangyayare ngayon.

"Pero, si Yeongchin na ang pinagaasikaso ko nun, ayos lang ba sayo na dalawa kayong magiimbestiga?" Napaisip ako, bakit naman hindi? Gusto ko ngang makatapat ngayon ang kapatid ko para magkaalaman na kami kung sino talaga ang mas magaling.

"Seja (Crown Prince) may balak ka bang makipagpaligsahan sa iyong kapatid? Nakakaramdam kaba ng onting kaba na baka maagaw sayo ang trono?" Tiningnan ko ng masama si Minister Park, matagal na siyang kontra sa mga gusto kong gawin dito sa palasyo, hindi ko alam kung anong dahilan niya pero nakakaramdam ako na hindi maganda ang balak niya.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon