Chapter 6

190 9 0
                                    


Ariane's POV.


 Napagod na ko sa pakikipag laro sa mga bata. Umupo na muna ako sa hagdan ng parang terrace ng palasyo. Pag gising ko kaninang umaga sinabi sakin ng mga maids na dito na muna kami titira. Medyo hindi ko maintindihan yung mga sinasabi nila, kasi kung tutuusin, etong tinutuluyan ko ngayon parang malapit lang din sa tinitirhan namin. Sino kayang pwede kong tanungin tungkol dun?


"Lady Jisoo, pagod na po kayo?" Tanong ng isang batang babae na kalaro ko kanina.

"Oo eh, magpapahinga lang ako ng sandali." Tumabi siya sakin. Nakita ko naman si Sunjong sa di kalayuan na nakikipagusap sa isang tagapagsilbi.

"Ang bait ni Prinsipe Sunjong ano?" Tanong ko sa bata. Nagtaka ako sa kinilos niya bigla, parang napangiwi ata siya nung sinabi kong ang bait ni Sunjong.

"Lady Jisoo, patawarin niyo po ako sa aking sasabihin, pero hindi po ako sumasang ayon na mabait ang prinsipe." Sabi niya.

"Hah? Bakit?"

"Ano po kase, lagi niya po kaming sinisigawang mga tagapagsilbi niya, tapos po ang sabi po sakin ng mama ko, mabait lang po siya sa mga alam niyang mapapakinabangan niya."

Tiningnan ko tuloy ulit si Sunjong. Pero, nung una naman kaming nagkita sa palengke mabait siya sakin ah. Teka, mabait lang kaya siya sakin kasi kababata niya ko? Magtatanong pa sana ako ulit sa bata pero tinawag na siya ng mama niya. Kinawayan ko nalang siya. Hmm. Paano ko kaya mapapalabas yung tunay niyang kulay?

-----------


Sinundan ko si Sunjong habang naglalakad siya sa palasyo. Yung mga tagapagsilbi niya sunod ng sunod sa kanya. Huminto siya sa isang kwarto tapos pinaalis niya na yung mga alila. Pumasok siya dun. Pano kaya ko makakapasok dun? Idinikit ko yung tenga ko dun sa pintuan na parang gawa lang sa kahoy at papel. Pinapakinggan ko kung anong ginagawa niya. Nakakarinig ako ng mga kaluskos.

Tapos bigla yung tumigil.

"Hala. Ano ng ginagawa niya?" Naramdaman ko nalang na gumagalaw na yung pinto pabukas, aalis sana ko pero bumukas na nga yun ng tuluyan at nalaglag ako. Pag tumba ko nakita ko si Sunjong na nakakunot ang noo sakin. Nakahiga kami sa may lapag. Nakahawak ako sa dibdib niya. Naginit bigla yung mukha ko. Agad akong tumayo.

"Anong ginagawa mo dito Jisoo?" Tanong niya nung nakabangon na siya.

"Ano.."paano ko pa sasabihin sa kanya na pinapakinggan ko kung anong gagawin niya.

"Sinundan mo ba ko? "

"Ano, hindi ah!" Nakayuko parin ako habang nangangatwiran. Sobrang nakakahiya to.

"Ito'y palikuran para sa mga lalaki. Nakapagtatakang nandito ka." Teka, palikuran? CR yun diba? Lalo akong namula. The hell! Sinundan ko siya hanggang dito?

"P-pasensya na..." Naglakad na ko paalis.

"Saglit Jisoo!" Iinterrogate niya na ko! Binilisan ko yung lakad ko sabay takbo palabas. Grabe sobrang nakakahiya.

*********

Prinsipe Sunjong's POV

Nagbabasa ako sa aking kwarto ng bigla kong naalala yung nangyari sa palikuran. Napangiti ako, hindi ko alam kung bakit siya nandun pero nakakatawang isipin na talagang sinundan niya ko. Hindi kaya may nagkwento sa kanya tungkol sakin? Isinara ko yung libro. Bumabalik sakin ang mga alaala ko nung bata pa kami ni Yeongchin.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon