Chapter 11

135 7 0
                                    

Sunjong's POV.

Buong araw akong nakahiga, kahit kanina pa katok ng katok ang mga tagapagsilbi ko pinapaalis ko lang sila. Wala na ata ako sa katinuan, nakakabaliw na tong nararamdaman ko. Inutusan ko na nga ang isa sa kanila na tawagin ang doktor. Hindi kasi mawala sa isip ko ang ngiti ni Ariane. Lagi kong naalala yung mukha niya kapag pipikit ako. Kulang nalang lagyan ko ng palito ang talukap ko para di ko siya maisip.

Paikot ikot din ako sa higaan ko. Para akong isang bulateng nilagyan ng asin!

"Jeoha (kamahalan) andito na po ang doktor ng palasyo."

"Papasukin siya. " Umayos ako ng upo para makita ko yung doktor. Agad niyang tinanong ang nararamdaman ko.

"Jeoha, ano po ulit ang iyong nararamdaman?"

"Hindi ako makatulog, tapos lagi akong nangingiti mag isa. Lumalakas din ang kabog ng dibdib ko. Nababaliw naba ko?" Tanong ko. Napalingon ang doktor sa kasama niyang katulong.

"Jeoha, ayon sa aking narinig na nararamdaman mo...mukhang umiibig po kayo."

Parang nanlamig ang buong katawan ko. Napatayo pa ko.

Hindi pwede to, paano ako tinanblan ng sakit na ito?

"Sakit ba yun? "

"Jeoha, hindi po." Sagot niya.

"Argggh! Eh ano?!"

"Mukhang may iniibig po kayong isang babae. Siya po swerte kung siya nga ay gusto niyo, magkakaron na tayo ng Sejabin.(Crown Princess)" Mas lalo ata akong mababaliw kapag pinagpatuloy pa namin yung paguusap namin. Umayos ako ng upo.

"Sige na, pwede niyo na kong iwan. T-tsaka! Walang ibang makakaalam nito ah? " yumuko muna sila bago umalis. Humiga ako ulit sa aking kama.

'Ang ganda ng ngiti mo.'

"Urrrrggghhh!!!!!" Bakit parang naririnig ko yung boses niya? Pagibig ba talaga to o kabaliwan? Haay.



********

Ariane's POV.

Patakbo akong nagtungo sa may kwarto ng mga tagapagsilbi. May nakapagsabi sakin na nakakulong ngayon si Choi. Siya ang napagkamalang naglagay ng lason sa tea ng Reyna. Hingal na hingal pa ko dahil sa pagtakbo ko. Nakita kong lumabas ang mga dati niyang kasamang tagapagsilbi sa kwarto ko noon. Hinarang ko sila para tanungin.

"Totoo ba ang narinig ko? Nakakulong si Choi?"

Nagtinginan muna sila.

"Opo." Mukhang inutusan silang wag nang magbigay pa ng ibang details tungkol sa nangyare ah. Gusto ko pa sana silang tanungin pero parang nakaramdam yung mga guwardiya sa paligid.

Hindi mawala sa isip ko si Choi habang naglalakad ako papunta sa kwarto ni Seungmyun. May pumuntang utusan niya sa kwarto ko para sabihing pinapatawag niya ko.

Kinakabahan pa ko nung pinapasok niya ko. Nakita ko siyang nakaupo, sa harapan niya may isang lamesa at sa ibabaw nito ay isang kahong kulay brown.

"Jisoo, maupo ka." Jisoo? Bakit hindi niya ko tinawag na ate? Nagtataka man umupo parin ako.

Tinitingnan ko lang siya habang may binabasa siyang libro.

"Jisoo, naalala mo paba nung binabasa sa atin ito ng ating ama? Lagi tayong nagaaway kung kanino mapupunta ang makisig na prinsipe sa istorya." Nakangiti siya sakin. Pero masama ang kutob ko sa ngiti niya. Kahit kinakabahan ako sumagot parin ako.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon