Prince Yeongchin POV.
Pinahinto ko sa paglalakad ang kabayo ko, namamangha parin ako hanggang ngayon s anakikita ko, nakapikit ang Babaylan at may mga sinasabing salitang hindi ko maintindihan, samantalang ang Shaman naman ang bahala sa pagsasabi ng iba pang salita sa tabi ng Babaylan. Bumaba ako sa kabayo at lumapit sa kanila.
Nakita ako ng Babaylan pagdilat niya, agad siyang napahinto sa ginagawa niya.
"K-kamahalan." Yumuko siya at lumapit sakin. Ang Shaman naman ang pumalit sa pwesto niya.
"A-anong ginagawa niyo?"
Hindi nakasagot ang Babaylan, sa loob naman ng bilog na nasa hangin ay nakita ko ang mukha ni Jisoo, agad akong lumapit dun. Sa imaheng nakikita ko ay nakasuot si Jisoo ng kakaibang damit. Masaya din siyang nakikipagusap sa iba pang mga taong nakasuot ng tulad din ng sa kanya.
"Si Jisoo ba ito?"
Nilapitan ako ng Babaylan. "O-opo kamahalan,"
"Bakit ganyan ang suot niya?"
"Kamahalan, wag po sana kayong magugulat, pero ang Jisoo na kasama natin sa palasyo ay ang babae na yan....mula sa hinaharap." Napalingon ako sa kanya. Mula sa inaharap? Kaya pala nung nakaraan ay kakaiba ang kinikilos niya, madami din siyang hindi alam tungkol sa palasyo.
Hindi niya rin ako makilala nun.
Kung ganoon, nasaan ang tunay na Jisoo?
"Alam kong hindi siya si Lady Jisoo na anak nila Minister Park. Pero hindi ko akalain na galing siya sa hinaharap. Pero nasan ang Jisoo na kilala namin?"
Nagtingin sila ng Shaman.
"Patawarin niyo po ako sa sasabihin ko, pero namatay po ang Lady Jisoo, at ang babaeng iyan ang kinuha ng Shaman sa hinaharap para ipalit sa pumanaw na Jisoo."
Sandali. P-patay na si Jisoo?
"P-Pakiulit ang sinabi mo." Parang biglang nanlambot ang mga tuhod ko. Kaya pala lagi siyang nagpapakita sa aking panaginip.
"Pumanaw na po ang Lady Jisoo."
Dahan dahan akong naglakad papunta sa bangin kung saan kitang kita ang liwanag ng buwan kapag kabilugan nito. Hindi ako makapaniwala na wala na si Jisoo, hindi ko manlang nasabi sa kanya ang tunay kong nararamdaman. Matagal ko na siyang mahal at hanggang ngayon siya parin ang mahal ko.
Kaya pala hindi ko maramdaman ang nararamdaman ko sa kanya sa nagpapanggap na babaeng yun dahil hindi siya iyon! Isa kong hangal dahil hindi ko agad nalaman lahat ng ito!
"Kamahalan, ayos lang po ba kayo?" Tanong ng Babaylan.
"Jisoo....jisoo.." Patuloy ako sa pagluha. "Mahal kita Jisoo, anong nangyare? Bakit ka lumisan?" Mahigpit kong hawak ang dibdib kong sumasakit ng sobra. Pero wala ng mas sasakit pa kapag iniwan ka ng taong mahal mo ng sobra.
Jisoo. Mahal ko.
************
Prince Sunjong POV.
Naglakad lakad muna ko sa labas ng aking kwarto, hindi ko makalimutan ang sinabi ng tagapagsilbi ng Ina ni Yeongchin. Ina niya ang nagbigay ng tsaa sa aking ina. At eto rin ang nag utos na ipasa kay Choi ang lahat ng sisi. Napahinto ako sa paglalakad, tiningnan ko nalang ang madilim na kalangitan.
Dapat ko bang sabihin sa aking ama ang mga nalaman ko?
"Mukhang may bumabagabag sa inyo Jeoha." Napalingon ako sa boses na narinig ko, nakita ko si Lady Seungmyun na nakangiti papunta sakin.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
Historical FictionIsang simple at masayahing pinay college student si Ariane Gonzales, walang hinangad kundi ang maging proud sa kanya ang nagiisa niyang pamilya, ang kuya niyang si Jonas. Until one day nagising nalang siyang nasa ibang dimension na siya at mas nagul...