Chapter 16 : Her World

148 8 4
                                    

A/N: Sarreh guys kung ang tagal ng update, sobrang nastress lang ako lately at di ko kaya mag came up ng ideas kapag problemado ako kaya babawi ako sa chapter na to.


(1 Year Later)

Present Time.

Prince's POV.

Tuwing umaga maaga akong nagdedeliver ng mga newspaper sa mga subdivision. Ginagawa ko to bago ako pumasok sa graduate school. Hindi naman sa naghihirap kami or what, wala lang. Gusto ko lang na nakikita yung mga iba't ibang taong nakatira dito samin.

Napahinto ako sa unang bahay na dinadalhan ko ng newspaper. Hinanap agad ng paningin ko yung crush ko.

Nakita ko siyang umiinat sa may balcony nila. Naka pantulog pa siya at halatang kakagising lang niya.

Haay Ariane Gonzales.....

"Uhhhh~ Prince right? Kukunin ko na sana yung newspaper." Nagulat ako nung makita ko yung Kuya niyang si Jonas na nakalahad na yung kamay sa harapan ko. Naiilang pa kong ngumiti sa kanya bago ko inabot yung dyaryo sa kanya.

"Thanks." Sabi niya.

Ngumiti lang ako at tumingin ulit kay Ariane. Gamuntikan na kong matumba sa bike nung makita kong nakatingin din siya sakin.

Agad nalang akong umalis. Jusme. Kalalaki kong tao kinikilig ako.


-------

Mga 9:30 am natapos din ako. Ngayon papasok naman ako sa school para sa morning class ko. Tumingin ako sa cellphone ko kung may nagtext ba. Kibit balikat ko nalang siyang binalik sa bag kasi wala namang nagtext. Sumakay nalang ulit ako sa bike at nagsoundtrip gamit yung ipod ko.


*SCREEEEEEEEEECHSSSSS!*

*BLAG! CRASH!*


Ugh. Bakit di ako makagalaw?

"Y-yung lalaking nakabike! Mama! Nasagasaan siya ng truck! Tulungan natin!"

A-ako ba yung nasagasaan?

Pilit kong ginagalaw yung buong kataaan ko pero wala akong maramdaman ni isa. Nakatingin lang ako sa langit habang pinapanuod yung pagdating ng mga tao.

Unti-unti akong napapapikit.

Mamamatay naba ko?



' Sunjong....

' Sunjong....

Napadilat ako sa naririnig kong boses. Nagulat ako ng makita ko si Ariane na nakangiti sakin. Nakaunan ata ako sa hita niya, pero bat ganun? Kakaiba yung suot niya? Parang pang Korea ganun?

"Jeoha, oras na para sa inyong pagaaral. Magagalit ang Ministro Yong kapag di ka nakapunta."

Ano?

Babangon sana ako, pero biglang sumakit ang ulo ko. Pagpikit ko may mga nagflashback na mga pangyayare sa isip ko, nandun ako at si Ariane pero parang nasa ibang lugar kami? Ang daming nangyare, nawala siya. Lumipas yung mga araw tapos naging hari daw ako.

At sa huling hininga ko, si Ariane ang hiniling ko.








"Time of death: 10:15 am."

Ano yun? Parang me liwanag na nakakasilaw.

Dumilat ako at nakakita ako ng mga lalaking naka suot ng berdeng kadamitan. Asan ako?

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon