Chapter 12

137 7 3
                                    

Sunjong's POV.

Hinayaan ko nalang yung nararamdaman ko kaninang umaga. Kelangan kong pumunta sa ensayuhan nang pagpapana. Sinusubukan ko ding kalimutan muna si Ariane, nakakawala kasi siya ng kaayusan ko ng pagiisip. Nakakahibang.

Paalis na kami ng kawal ng biglang may tumawag saking pamilyar na boses. Paglingon ko nakita ko yung babaeng iniiwasan ko. Tumatakbo siya papunta sakin. Paghinto niya napakapit siya sa braso ko. Nabigla ako dahil hindi ko inaasahan na makikita ko siya paglabas ko ng aking kwarto.

Ang bilis ng takbo ng dibdib ko.

Aah. Sunjong, baliw kana nga.

May kelangan daw siyang sabihin sakin, kaya pinaalis ko muna yung mga tagapagsilbi ko. Dun ko nalaman na humihingi siya sakin ng tulong dahil kaibigan niya ang alipin na balak lumason sa aking ina. Syempre hindi ko siya tutulungan, malaking kasalanan ang ginawa ng kaibigan niya.

Nabigla ako sa paghampas niya sakin. Lalo na sa pagsigaw niya sakin at sa panglalait na sinabi niya bago siya umalis.

Totoo ba lahat ng sinabi niya? Inihagis ko lahat ng hawak ko at bumalik ako sa kwarto ko para isuot ulit ang damit kong panloob ng palasyo.

Hindi ako papayag na tatapakan niya lang ako ng ganito.

--------------

Nagulat ang aking ina ng makita niya ko sa labas ng kanyang kwarto. Ang alam niya kasi ay pupunta ako sa ensayuhan. Agad niya kong pinapasok. "Ina, may gusto akong itanong."

Nginitian muna niya ko. "Magsalita ka Seja."

"Gusto ko sanang mag imbestiga sa nangyayareng tangkang panlalason sa iyo."

"Nakapagdesisyon na ang hari na iapatay ang alipin at ang kanyang ina bukas ng gabi. Ano pang magagawa mo?" Ano bang sinasabi ng aking ina? Para niya kong minaliit sa sinabi niya. Parang sinabi niyang wala na kong magagawa.

"Ina--"

"Hindi ko akalain na magkakainteres ka sa gantong pangyayare. Iniutos ng hari kay Yeongchin na siya na daw ang magintindi sa insidenteng ito. " si Yeongchin na naman. Bakit ba palagi nalang siyang napapaburan?

Tumayo na ko. Masyado nang sumasakit ang ulo ko kakaisip. Paulit ulit din sa utak ko ang mga sinabi ni Ariane.

"Nakalimutan kong me kelangan pala kong gawin. Lalabas na po ako." Yumuko muna ko bago ako umalis.

Paglabas ko nakasalubong ko pa si Yeongchin na mukhang papunta sa kwarto ng inang reyna.

"Magandang umaga Seja." Hindi ko ibinalik ako bati niya. Nilagpasan ko lang siya na para bang wala akong nakitang tao.

Nararapat na atang ilabas ko ang aking tunay na kulay.

********

Ariane's POV.

Naibato ko na ata lahat ng bato sa pond ng garden ng palasyo. Naiinis ako kay Sunjong! Napaka incompetent! Tama bang sabihan niya ko ng ganun? Wala man lang siyang pagpapahalaga sa mga taong nagsisilbi sa kanila dito! Ganun ganun nalang siya kung manghusga! Dinampot ko na naman yung mga bato sa tabi ko at naibato ito.

"Nakakainis kang prinsipe kang walang kwenta!"

"Sinong prinsipe?" Naihagis ko tuloy yung hawak ko sa lapag. Paglingon ko sa tumawag sakin, nandun si Yeongchin na nagtatakang nakatingin sakin.

Paghakbang ko papalapit sa kanya natapilok ako sa isang batong naihagis ko sa lapag. Napapikit nalang ako at napakapit sa kung ano.

Pagdilat ko, nakayakap ako kay Yeong, at nakatitig siya sakin.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon