Chapter 2

971 14 3
                                    

(Pic above is Ariane acting as Princess Jisoo)

[Si Lady Jisoo at Seungmyun ay mga anak ni Minister Park at Lady Cha. ]

Lady  Cha's POV.


 Maaga akong bumangon para asikasuhin ang isusuot ng aking anak na si Jisoo para sa kasal nila sa susunod na linggo, kinuha ko na rin ang gamot na para sa pisngi niya dahil alam kong magsusugat iyon. Ayokong may makakitang iba nito. Habang binibihisan ako, hindi mawala sa isip ko ang sinabi ko kay Jisoo. Sana hindi niya seryosohin ang huli kong sinabi na patayin niya si Yeongchin o si siya ang mamatay. Hindi siya pwedeng mamatay lalo na't naipagkasundo na siya sa anak ng hari. Baka patalsikin kami sa palasyo at ipapatay kapag nalaman nilang nagpakamatay ang anak ko bago ang kasal.

Hindi pwedeng mang yari yun. Matapos ang pagbibihis tumungo ako sa kwarto ni Seungmyun. Naabutan ko kung paano siya ayusan ng isang alipin. Masayang kinakausap ng anak ko ang isang alipin. Kelangan ko siyang pagsabihan. Umalis na ko at tumungo ako sa kwarto ni Jisoo.

"Kamahalan, nandito po ang iyong ina." Pero walang sumagot. Inulit ng aking utusan ang pagtawag kay Jisoo pero wala paring sumagot. Masama ang aking kutob. Binuksan ko ang kwarto niya, ang bumungad sakin ay katahimikan. Wala si Jisoo! Pumasok pa ko para tingnan kung nasa kwarderno siya ngunit wala! Nakakalat ang damit niyang panloob lamang ng palasyo. Jisoo. Nasaan ka?

"Walang makakaalam na nawawala ang Prinsesa Jisoo? Nagkakaintindihan ba tayo?"

Tumango ang mga utusan ko. Kelangan kong mahanap siya bago pa malaman ng kanyang ama na nawawala siya. Nagisip akong mabuti kung san pa siya pwedeng pumunta. Kelangan ko ng tulong ni Key. (Isang pinagkakatiwalaang sundalo ni Prinsesa Cha.)


"Papuntahin si Key sa aking kwarto ngayon din."


*************

2017


Ariane's POV.


Ang tagal kong naghihintay ng makakasama sa waiting shed paakyat sa bundok. Pero ni isa walang dumadaan, nakakatakot pa man din umakyat dun. Dinukot ko yung iPhone ko sa bag at inopen ko yung gps ko. Alam kong di pa ko naliligaw sa sinasabi ng kuya ko. Pero gusto ko talagang makita yung meteor shower at full moon mamaya dun sa Moon's Peak. Haay. Pero mag si6pm na wala pang tricycle na dumadaan papunta dun sa trail paakyat.

"Iha, san ka tutungo?!"


"Aaaah!!!! Ay sorry lola kala ko kinakausap na ko nung pader."

Napahawak pa ko sa dibdib ko sa gulat sa isang matandang me dalang isang sako ng kahoy.

"San ka nga tutungo?" Kahit medyo hesitant pa ko sa pagsagot sinabi ko narin kung san ako pupunta baka matulungan niya ko.

"Sa trail po papunta po dun sa Moon's Peak. Kaso po walang dumadaang tricycle."

"Ay, madadaanan namin yun. Sumabay kana sa tricycle namin ng asawa ko." Sinilip ko yung tinuturo niyang tricycle, nginitian ako ng isa pang lalaking matanda. Natuwa naman ako. Sa wakas makakaakyat na ko.

"Salamat lola. Ako na po magbubuhat niyang dala niyo."


"Kanina pa namin napapansin na nakatayo ka lang dyan habang inaanhkat namin tong mga kahoy sa kabilang kalsada." Kwento ni Lola nung magkatabi kami sa loob ng tricycle. Taga akyat daw sila ng mga kahoy sa mga nakatira sa bundok. Yung dalawa nilang lalaking anak nagtatrabaho sa bayan at gabi na ang uwi. Todo pasalamat ako sa kanila dahil talagang ang tagal ko ng naghihintay ng masasakyan. Tinitigan ko si Lola habang nakatingin siya sa dinadaanan naming mga puno. Alam kaya ni Lola yung legend nung Moon's Peak?

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon