Ariane's POV.
Huminga ako ng malalim bago ko isinuot ang toga ko. Sa wakas makakapagtapos na ko at magiging ganap na archaeologist nako. Onting oras na lang at tatawagin na ang pangalan ko sa stage! Lumingon lingon ako sa paligid para hanapin ang kuya ko nung nasa pila na kami paupo.
Nakita ko siya dung panay kaway na parang baliw.
Nginitian ko nalang siya. Bigla ko tuloy naalala yung nangyare saking aksidente. Naawa ako kay Kuya nun kasi siya yung nagpakahirap sakin mag alaga nung nasa hospital ako.
Balita ko, nalaglag daw ako sa bangin nun at natagpuan ako ng ibang mga hikers the next day.
Ang nakakapagtaka, ang natatandaan ko nalang nung umakyat ako sa Moon's Peak nun eh nung nagpipicture ako. Hindi ko maalala kung paano ako nalaglag.
Tsaka nung gumising ako parang napakatagal kong nawala.
At parang may kulang. May mali. Ganern?
Hindi ko nalang yun inisip. Ang importante nandito na ko sa graduation ceremony! College days are over!
Hello freedom!
-----------------
Joseon Era.
The War At The King Sunjong Kingdom and Kai People.Ilang taon na ang nakakalipas simula nung namatay ang aking amang hari. Ako na ang umupo sa trono. Iniba ko ang mga batas na itinaguyod ng aking ama at ginawa kong matatag ang aking kaharian.
Ngayon, papunta ako sa unang laban para ipaglaban ang aking kaharian.
"Kamahalan! Hindi na po ba namin kayo mapipigilan sa inyong pag alis?" Tanong ng isang alipin ko.
"Importante ang aking mga taong pinamumunuan. Importante kayong lahat. Kaya ko ito ay gagawin para sa inyo. Kung ako'y mawawala ipasa mo ang trono sa aking kapatid na si Yeongchin. "
"Kamahalan! Ano ba ang iyong sinasabi?!"
Nginitian ko nalang siya. Ilang taon narin nung lumabas ang lahat ng baho dito sa palasyo. Pinapatay ko ang mag inang Lady Cha at Seungmyun ng malaman kong nagbabanta ang buhay nila ng pagkasira ng aking palasyo.
Nalaman ko din na may balak ang ina no Yeongchin na paalisin ako bilang prinsipe, pero hindi ko siya pinarusahan dahil naawa ako sa aking kapatid.
Wala akong naging asawa, hindi ako nagpakasal sa kahit na sino sa kadahilanang may isang babae akong minamahal hanggang ngayon na kinalimutan na ng buong Joseon.
"Tara na mga kawal! Ipaglaban natin ang atinf kaharian!" Nagsigawan silang lahat sabay ng pagtakbo ng mga kabayo palabas ng palasyo.
Wala pa kami sa harang ng mga kalaban ay napasabak na agad kami. Nauna ako sa pagsaksak ng mga taong tumiwalag sa aking kaharian. Mga taong walang utang na loob sa ginawa ng aking ama.
Sa dami ng aming mga nakalaban sa daan palang nabawasan na agad ang aking mga kawal. Pagdating namin sa grupo ng mga taga Kai nakahanda na ang kanilang pinuno sa pagsugod. Bumaba ako sa aking kabayo at naunang sumugod.
---------
Duguan na aking buong katawan pero tumayo parin ako. Halos mauubos na namin ang mga kalaban. Napatingala ako sa mapulang kalangitan. Pumutok na pala ang umaga. Naalala ko bigla ang nagiisang babaeng minahal ko.
Ariane. Nasaan kana ba?
Bakit nawala ka bigla? Bakit hindi ka nila kilala? Gawa gawa ka lang ba ng aking imahinasyon? Pero hindi! Ramdam ko ang init ng iyong kamay nung sinabi kong mahal kita. Naalala ko pa ang matamis mong ngiti, ang iyong pagtawa at ang boses mong may huni.
Ayokong maniwalang wala kana!
"Patayin ang hari ng Joseon!" Nilingon ko ang isang taga Kai na handa na sa pagsaksak sakin.
Nanalo naman na kami. Nagawa ko naman na lahat ng ninanais ng aking ama. Ipinaglaban ko ang aking kaharian.
Siguro may karapatan nakong sundan kung nasan man si Ariane.
Tinanggap ko ang saksak ng lalaki. Napakasakit. Pero wala ng mas sasakit pa sa pagiwan mo sakin Ariane.
Sa aking pagbagsak isa lang ang aking hiling.
"Sana sa aking pag gising ikaw ay aking kapiling. Sana sa pagdilat ng aking mga mata kasama na kita kung nasan ka man. Sana makasama na kitang muli Ariane."
End of 15.5
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
Ficción históricaIsang simple at masayahing pinay college student si Ariane Gonzales, walang hinangad kundi ang maging proud sa kanya ang nagiisa niyang pamilya, ang kuya niyang si Jonas. Until one day nagising nalang siyang nasa ibang dimension na siya at mas nagul...