Joseon Era.
Ariane's POV.
Tuwing umaga dito sa palasyo pagkatapos kong mag aral naglalakad lakad nalang ako paikot. Ayoko kasing naiiwan kasama si Seungmyun, naguiguilty siguro ko dahil kung itrato niya ko eh parang ate niya ko, which is not. Ilang araw naring bumabagabag sakin to, ayon kay Shaman kapag nalaman sa palasyo na hindi ako si Jisoo baka ipapatay ako. Pero mas nakakamatay naman yung ginagawa kong pagsisinungaling sa mga taong nakapaligid sakin.
Umupo nalang ako sa may maliit na tulay na makikita sa man made garden and pond dito sa palasyo. Tiningnan ko yung repleksyon ko sa tubig, hindi maipagkakailang magkamukha kami ni Jisoo, nakita ko yung portrait niya sa kwarto ni Seungmyun. Maganda siya.
Teka, kung maganda siya ibig sabihin maganda rin ako? Hahaha. Lol.
"Jisoo." Isang kalmadong boses ng lalaki ang tumawag sakin. Paglingon ko nakita ko si Yeongchin na may kasamang isang matandang babae. May mga kasama silang taga pagsilbi.
Naituro sakin na bilang prinsesa kelangan mong mag bigay ng respeto sa mga nakakataas sayo sa pamamagitan ng pagyuko. Kitang kita sa kasama ni Yeongchin na mataas ang posisyon niya dahil sa damit.
Yumuko ako saglit.
"Ina, naalala mo paba si Jisoo? " tanong ni Yeongchin. Tiningnan ako nung babae. "Naalala ko siya, siya rin ang babaeng papakasalan mo diba?" Tumango si Yeong.
"Magandang umaga po." Bati ko.
"Nabalitaan ko din na may nais kang matuto ng medisina, totoo ba yun Jisoo?" Parang nagliwanag yung paligid ko, kung sa preseng time niya ko tatanungin niyan aba isasagot ko yes, haha. Gusto kong maging doctor kaso iba ang naging course ko. Baka dito sa panahon na to pwede ako maging doctor.
"Jisoo, inaaya ka ng ina na sumama samin sa pagamutan. Pagaaralan ngayon yung mga gamot na pwede sa mga taong madalas mahilo." Agad akong sumama kay Yeong, napangiti pa siya nung kumapit ako sa braso niya.
Pagdating namin sa pagamutan magkahiwalay ang kwarto ng mga babae sa lalaki, nakita ko sa librong pinagaaralan ko na ang mga lalaki lang ang pwede maging doctor, samantalanh yung mga babae eh nurse lang. Mehhh bakit naman?
Pero bakit yung Mama ni Yeongchin ang pinuno dito?
"Jisoo, dito ka umupo sa tabi ko para mas madinig mo yung pagtuturo." Umupo kami sa may kwarto kung nasan ang propesor na nagtuturo. Katabi namin ni Yeongchin yung ina niya.
May mga ibat ibang dahon na pinapakita yung propesor, yung iba dinidik dik niya tapos ginagawang tsaa.
"Matagal narin nubg huli kang sumama diti Jisoo." Sabi ni Yeongchin na nanunuod parin. Eh, paano ko malalaman na me ganito dito eh hindi naman ako taga dito.
"Hindi ko naman alam na me ganito pala dito, natuwa pa nga ko na makakapag aral ako dito nito, samantalang samin eh hindi ito yung pinakuhang course samin."
"Hindi mo alam na nandito to? Nakakapagtaka, eh lagi kang nandito." Patay. Nakagat ko tuloy yung labi ko, hindi ko sinasadyang madulas. Oh may ghad hindi na siya titigil nito sa pagtatanong. Shet.
Biglang natahimik yung klase, pagtingin namin lahat sila nakayuko sa direksyon na katabi ko. Pagangat ng ulo ko nakita ko si Sunjong dun na nakatingin sakin. Mukhang eto na yung pagkakataon para maiwasan ko yung tanong ni Yeong.
Tumayo ako at kumapit sa braso ni Sunjong. Magrereact na sana siya pero bumulong ako. "Telengen me nemen eke, tineteneng eke ni Yeong kung beket di ke elem teng luger ne te." Napakunot yung noo niya. Nagsalubong pa yung mga kilay niya. Hinila ko na siya paalis sa pagamutan.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
Исторические романыIsang simple at masayahing pinay college student si Ariane Gonzales, walang hinangad kundi ang maging proud sa kanya ang nagiisa niyang pamilya, ang kuya niyang si Jonas. Until one day nagising nalang siyang nasa ibang dimension na siya at mas nagul...