Chapter 15

117 7 0
                                    

Ariane's POV.

Hindi ako makapagsalita sa harapan ng hari. Panay lunok lang ako ng laway, isang maling salita lang pwede akong mamatay sa harapan niya. Tinitingnan ako ng mga kasama niyang Ministro. Bigla ko namang nakita si Yeongchin sa likuran ng pang huling Ministro. Nagulat siya ng makita ako. Mukhang ngayon lang siya dumating.

"Tinatanong ko kung sino ka talaga."

"K-kamahalan, ako po si Lady Jisoo, ang anak ng pang limang punong ministro at ang panganay na anak ng Lady Cha."

"HIndi ko tinatanong kung saang pamilya ka galing! Nararamdaman kong hindi ikaw ang Lady Jisoo na aming kilala. Sino ka talaga?" Parang nanghihina na yung mga tuhod ko. Bakit ngayon pa kayo nanlalambot?

"Kamahalan, magandang umaga po." Napalingon ako sa isang kamay na pumatong sa balikat ko. Pagangat ko ng tingin sa kanya napakunot ako ng noo. Sino eto?

"Nakabalik kana pala."

"Opo kamahalan, maganda po ang pagturing sa akin ng mga pinuno ng mga bayan na aking pinuntahan."

"Magbigay puri sa pagbabalik ng Prinsipe Taejo!" Sigaw nung isang ministro.

Nagsiyukuan lahat ng aliping nakapaligid samin, yumuko din ang mga ministro at tiningnan ko lang siya ng mabuti. Taejo? Teka, kung isa siyang prinsipe, ibig sabihin kapatid siya nina Yeongchin at Sunjong, pero bakit wala silang nababanggit sa akin na mayroon pa silang isang anak?

"Wang*(Prince) Taejo?" Ngumiti lang siya. Mukhang kilala niya si Jisoo. Paano ko siya pakikitunguan?




*********

Tahimik lang akong naglalakad sa likuran ni Wang Taejo. Hindi rin siya umiimik simula nung inilayo niya ko sa mga pagtatanong ng Hari. Naglalakad lang kami papunta sa quarters ng mga court lady. Gusto kong gumawa ng paraan kung paano ko siya matatanong tungkol sa ugnayan niya kay Jisoo...

Pero paano?

"Natatandaan mo pa ba nung mga bata pa tayo nila Yeongchin? Dito tayo parati nagtataguan, hindi tayo nahahanap ng mga tagapagsilbi dito dahil pinapangalagaan ito ng ina niya. Dito ka rin mahilig kumain ng mga ipinagbabawal sa iyo ng iyong ina. Ninanakaw pa namin iyon ni Yeongchin sa labas ng palasyo........pero mukhang nakalimutan mo na ata ako." Hinarap niya ko. Wala naman akong maisagot dahil ngayon ko lang nalaman na ganun pala sila ka close ni Jisoo.

"Uhhhh, p-pasensya kana ah? Matagal din kasi kitang hindi nakita kaya medyo naiilang pa ko sayo." Nginitian niya lang ako. 

"Kasalanan ko din naman kung bakit mo ko nakalimutan, tagal ko ring di nagparamdam sayo."

Naiilang talaga ako sa mga ganitong sitwasyon.

"Kamahalan, ipagpaumanhing niyo po pero may gagawin pa po ako. Pwede na po ba akong umalis?"

Tiningnan niya ko. Mula ulo hanggang paa.

"Sige. Pero magusap tayo ulit kapag nagkita tayo dito sa palasyo ah." Tumango nalang ako sabay alis. Phew. Kinabahan ako dun. Pero dahil sa kanya hindi na ko nainterrogate nung hari.

Pagapak ko sa isang baitang ng hagdan pababa bigla akong nahilo. Dahan dahang umikot ang paningin ko. Anong nangyayare?

*thud.*

Present time.

Jonas POV. 

Nakatulog na ata ako, ilang araw na ko dito sa library ng university. Hindi ko parin tapos yung binabasa ko, nandoon na ata ako sa part na nahimatay yung prinsesa. Tiningnan ko yung paligid ko, may mga kasama na akong ibang researchers dito. Mukhang pinaguusapan narin ako ng ibang mga studyante.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon