SLOTH AND UNPREDICTABLE GIRL....GIRL?

560 11 3
                                    

CHEMISTRY TIME. Ang pinaka-nakakasipag na subject kasama ang pinaka-nakakasipag na teacher. Si Mrs. Helen Capiz na walang alam ipagawa kundi mag-recitation kami sa periodic table of elements. Anong panahon na....September.

19.20.21....

“What is the atomic number of copper?” Anyone?” hindi nya naintindihan yung tanong nito dahil hindi talaga nya initindi. Magulo ba? Busy kasi sya sa pagbibilang ng pimples ng katabi nya.26.27.28......

“Ms. Bermudez, can you tell us?”

“T-twenty n-nine....” yung pimples. Pang-29 na sana sya,eh.

“Correct. Take your sit,” HA?! ANO BA YUNG TANONG? TAMA SYA? Napakamot na lang sya sa ulo. Siguro nga yung tanong ng teacher nya....pang-ilang pimples na yung nabilang nya sa mukha ni Fernando. RESULTS:47 Pimples. So far ...so good.

Bumaling naman sya sa left nya. Bibilangin naman siguro nya yung ipit sa buhok ng katabi nyang si Jelique na idol si Jolina. At para mas matagalan sya, ika-classify nya yon by colors.

PRRRRRRRRRRIIIIIIIIIINNNNNNNNGGGGGGGGG![ ANG OA NA NAMAN NILANG BELL]

But this time, masaya na sya dahil uwian na. Kasi sa bahay nila, tahimik na. Alvin Blaine Constantino will no longer exist. Kahit fossils nito...alaws.

LALALALALALALALALALALALALALALALALALALALA......ARRRRRGGGGGGGHHHHHHHH! PUUUUUUUUTTTTTTTIIIIIIIIKKKKKKKKKKKKK!Natalsikan ako ng putik ng kotse. Bwisit na kaskaserong driver.

“HOY!Anak ka ng tinapay...bumaba ka dyan sa kotse mo at ng manghiram ka ng mukha sa pwet ko--ay teka! Maganda yung pwet ko,dapat sa pwet na lang ng aso!” wala syang pakialam kung iniisip ng mga tao na bungangera, basagulera, palengkera...basta lahat ng may era sya. She’s out of the school premises kaya kahit makipag-wrestling sya ok lang. Yung driver naman ang may kasalanan. “Baba dyan!” napatulala na lang sya ng bumaba ito sa kotse.

It’s not a bird.....

It’s not a plane....

It’s...wow! Ang gwapo nya! Artista? Rakista? Prangkista?Masahista?[No.Not the last one]

Siguro nga para na syang tanga sa pagtitig dito pero ayos lang,ang gwapo talaga,eh.

“MISS?MISS? I-i’m really sorry. It’s my fault. Sorry,ang laking abala ng ginawa ko sayo,” amoy listerine yung hininga nito. Nawawala na sya huwisyo. Hindi nya naiintindihan ang sinasabi nito.

“HA? ABALA....”

“Ayos ka lang ba talaga?H-hindi ba kita nabangga?” tumango sya. Hindi talaga nya naiintindihan ito. Sub-conscious sya. “Oh,GOD! Nabangga kita? I’ll take you to the hospital,” Hospital?! NOOOOOHHHH! Duon lang sya natauhan sa sinabi nito. Ayaw nya sa ospital. She has her personal reasons.

“I-i’m okay. Uuwi na lang siguro ako para makapagpalit na,” he sighed as a sign of relief.

“You sure? Pwede kitang ihatid,” SIGE!

Papayag sana sya kung hindi lang sumungaw sa bintana si Tatiana....alam nyo na kung sino sya. Isa sa mga chipmunks.

“Andres, let’s get going. She’s ok now,” so si Andres pala tong pagkagwapo-gwapong nilalang na ito. Pero, may sagabal sa namumuong pagmamahalan namin. Ganon naman talaga,eh. Kailangan may antagonist muna bago mauwi sa kasalan ang lahat.

Ang arte-arte talaga magsalita nitong babae na to. Ingleserang palaka pa..tsk. Hindi bagay para syang conyo girl. Nagsisimula pa lang ang pagkabwisit nya ulit pero hindi na natuloy dahil--------------O_O

Si Andres.....naghubad! Darn! OA na kung OA pero iba yung epekto ng lalaking to sa kanya. He’s so irresistibly handsome. Actually, jacket lang naman ang hinubad nito,may shirt pa rin ito pero humahakab na yung abs sa white shirt nito kaya....yummy!

“Ok na ba tong peace offering na to? Sorry talaga,may hinahabol pa kasi kami kaya medyo nagmamadali,” tumango ulit sya ng wala sa huwisyo.

Nang tuluyan itong makaalis ay inamuy-amoy na lang nya yung jacket. Mukha na nga syang abnormal sa kalye. Hindi na siguro nya lalabhan yon habang-buhay.

Umaasa pa rin naman syang magkikita sila ulit nito dahil you know, kilala nito si Tatiana. Meaning to say, may possibility na pumunta ulit ito sa DCA. Andres....Andres.....Oh, my Andres!

crazy little thing called..witchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon